You are on page 1of 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang ______ ay isa sa mga bansang nagpatingkad sa panitikan dahil sa “Metamorphosis” na kilala sa tawag na The Golden Ass.
A. Roma C. Pransya
B. Gresya D. Pilipinas
2. Ang Metamorphosis ay kilala rin sa tawag na ______.
A. Biradalli C. The Golden Ass (donkey)
B. Noli Me Tangere D. The Monkey and Donkey
3. Ayon sa mitong binasa, si _______ ay kumakatawan sa pag- ibig.
A. Venus C. Psyche
B. Apollo D. Cupid
4. Ang mga sumusunod ay gampanin ng mitolohiya maliban sa _______.
A. magturo ng mabuting aral
B. ipaliwanag ang kasaysayan
C. may diyos at diyoses
D. maglahad ng argumento
5. Ang Cupid at Psyche ay isang _______.
A. kuwentong bayan C. mito
B. alamat D. kasaysayan
6. Ang pagsunod ni Cupid kay Venus ay maihahalintulad sa mga _______.
A. masunuring anak C. taksil na kaibigan
B. mapagmahal na tao D. mapanlilong kapatid
7. Kumakatawan naman sa akda bilang _______ si Psyche.
A. puso C. kamatayan
B. kaluluwa D. kagandahan
8. Ang sakit ng lipunan sa katauhan ni Venus ay ang _______.
A. kawalan ng pag-asa
B. inggit sa puso
C. takot sa mga pagsubok
D. galit sa mundo
9. Pinatunayan sa akda na ang mito ay nagpapahayag ng pag-asa ng _______.
A. sangkatauhan C. bayan
B. lipunan D. bahay
10. Ang pagtulong ng kalikasan kay Psyche ay tulad din ng mga taong _______.
A. mapagpatawad C. matatakutin
B. masintahin D. mapagmalasakit
11. Sa pangungusap na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala,” aling sitwasyon ang HINDI ANGKOP sa pahayag na ito?
A.Pagiging tapat ng mag-asawa sa kabila ng long-distance relationship (ldr)
B.Bukas na komunikasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya
C.Pagtupad sa pangakong binitawan sa iyong kaibigan
D.Iasa ang lahat ng gawa sa Diyos
12. Saang uri/genre ng panitikan nabibilang ang Cupid at Psyche?
A. sanaysay B. epiko C. mitolohiya D. dula
13 .Anong kaisipan ang maiuugnay sa pinagdaanang buhay nina Cupid at Psyche?
A. Bagong hari, bagong ugali.
B. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
C. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
D. Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
14. Aling katangian ni Cupid ang magandang tularan bilang anak?
A. masunurin B. matapang C. maawain D. madasalin
15. Anong kaisipan ang nagpapahiwatig ng hindi magandang katangian ni Psyche?
A. Ang kalahating kasinungalingan ay kalahating katotohanan.
B. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
C. Ang di lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
D. Kuwarta na, naging bato pa.

II. Ibigay ang mga hinihinging sagot ng bawat pangugnusap.


_________16. Sa kasalukuyang yugto ng pandemya na nararanasan natin, kung ikaw ay magpapaabot ng iyong hinaing sa Diyos, kanino mo ipadadala ang iyong mensahe?
________ 17. Kung may pagkakataon kang humingi ng gabay at mga panuntunan sa mabisang pakikidigma (pagharap sa hamon ng buhay) kanino ka dudulog?
_________18. Kung gusto mong makita ang liwanag ng buhay sa kabilang ng pagharap natin sa COVID-19, sinong pinakamakapangyarihan ang iyong tatawagin?
_________19.Kung gusto mong mapanatili ang ani ng iyong tagumpay sa buhay, kanino ka dudulog?
_________20. Sa panahon ng pandemya, tayo ay may kakayahang maglingkod para sa kapakanang panlahat. Kung gayon, sino ang katulad ng mga FRONTLINERS dahil sa tapat at mabuting paglilingkod?

BATHALA IDIONALE APOLAKI


MAKALUN DUMANGAN APONG WANG-OD

You might also like