You are on page 1of 4

Magandang Umaga sa lahat!

Bago tayo mag simula, tinatawagan ko si _______________ para sa ating panalangin.

Maraming salamat, magsi-upo na kayo. Ngayon para sa ating atendans, tumayo at ngumiti kapag
tinawag ang pangalan.

(Tawaga ang names isa-isa)

Okay, so sino ang makapagbibigay ng ating naging talakayan noong nakaraang leksyon?

(Panawag ug at least 2 ka students)

Mahusay at may natutunan kayo sa ating nakaraang pagtatalakay, ngayon, dadako na naman tayo sa
bagong aralin na pinamagatang…

(Sabay-sabay) MITOLOHIYA “Ang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao” Ni Simplicio Bisa

Okay, so ang layunin natin para sa araw na ito ay:

Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari sa tekstong napakinggan. (F7PN-


IIId-e-14)

So, mamaya aalamin natin ang layunin natin ngayong araw. Pero bago yan, gawin mo muna natin
itong unang aktibidad.

ISALAYSAY MO:

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang mga pagdiriwang panrelihiyon na ginagawa sa inyong lugar,
halimawa, Fiesta.

(ishare dayon nila ilahang answers)

Ngayon, Batay sa inyong gawain, bakit mahalagang ipagdiwang ang mga ganitong okasyon?
(Tawag ug 2 ka students, walay tama or mali na answer diri ha)

Suno naman, Ano-ano ang mga partikular na gawain sa mga pagdiriwang na ito?
(Tawag ug 2 ka students, walay tama or mali na answer diri ha)
Okay, mahusay! Para naman sa ating susunod na aktibidad, pakibasa ng panuto.

Panuto: May ipakikitang larawan ang guro. Huhulaan ng bawat mag-aaral ang tamang terminolohiya
para sa apat na larawan.

Okay, so recitation lang ito sa makahula, bibigyan ng karagdagang puntos.

Para sa unang larawan, ano ito?

Tamang sagot: Matanda

Susunod naman na larawan, ano ito?

Tamang sagot: Kaharian


Ngayon, Ano ang inyong mahihinuha mula sa mga larawan?

Panoorin ninyo ang bidyo na ito, at obserbahin ng mabuti.

(I-play ang video)

Para sa ating pamprosesong tanong, isulat ito sa malinis na 1 whole.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan ang kanyang katangian bilang isang pinuno.
2. Ano ang dahilan at nagpadaos ng pagdiriwang ang mga tao sa nasabing lugar?
3. Ibinigay ba ang gantimpala sa kanila ng Bathala sa kanilang isinagawang pagdiriwang?

(Ipasa lang ang papel, kay ikaw ray check)

Okay, mahusay naman at may natutunan kayo sa ating talakayan ngayon.

Sa inyong palagay, Paano nakakatulong ang mitolohiya sa pag-preserba ng kulturang Pilipino?


(May karagdagang puntos ang makasagot)

Kumuha ng 1/2 sheet of paper para sa ating maikling pagsusulit.

1. Sa akdang inyong binasa na may pamagat na “Ang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao”,paano ito
nagpakita ng kaugnayan sa kuwentong bayan?
a. sa naging gampanin ng mga bathala at mga anito
b. sa pagpapakita ng natatanging kultura ng mga Ifugao
c. sa pagtalakay ng pinagmulan kung bakit ang ginto ay kailanganghukayin bago ito makuha
d. lahat ng nabanggit

2. Ano ang kakaibang katangian ng mito na hindi matatagpuan sa katangianng alamat at kuwentong
bayan?
a. ito ay tumatalakay sa pamahiin ng isang lugar
b. ang mga tauhan ay nagtataglay ng iba’t ibang kapangyarihan
c. tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay-bagayd.
d.nagpapakita ng natatanging kultura ng isang bayan

3. Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang matandang iyon sa isangpagkakataong hindi inaasahan. Isa
iyong matandang kubang pipilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Ngayo’y
nakapangyayari na ang kanyang katauhan. Ang pangyayaring ito ay ang __________ ng akda.
a. panimula
b. kasukdulan.
c.pataas na aksyon
d. wakas

4. Ang puno ng ginto ay dinumog. Ibigay ang tamang klino ng salitangdinumog?


a. pinuntahan- pinagkaguluhan- dinumog
b. dinumog- pinagkaguluhan- pinuntahan
c. pinuntahan- dinumog- pinagkaguluhan
d. dinumog- pinuntahan- pinagkaguluhan

5. Si Lifu-o, ang pangunahing tauhan sa akda ay maituturing na isang magitingna lider ng lugar na
kanyang nasasakupan. Sa kabila ng kanyang pagigingisang mahusay at mabuting lider ay hindi rin niya
ganap na nakamit angkanyang mga panalangin kay Kabunian. Ano ang naging wakas ng akda?
a. Ang ginto ay hinuhukay sa lupa at minimina bilang parusa.
b. Si Lifu-o ay naghanap ng bagong mapapangasawa.
c. Biniyayaan sila ni Kabunian ng magandang buhay.
d. Ang mga taga Ifugao ay tumigil na sa kanilang tradisyon
Tamang sagot:

1. D
2. A
3. B
4. B
5. A

Para sa ating takdang aralin, Sa papel, sumulat pa ng mga tradisyon ng mga Pilipino na nangyayari pa
rin sa kasalukuyan.

May mga katanungan? Kung wala, maraming salamat!

You might also like