You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Biyayang Ipinagkaloob sa Atin ng Diyos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Carmela Castillo
Editor: Rebecca B. Alan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, PhD , Marieta M. Limbo EdD
Tagasuri (teknikal): Dea A. Gura
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Carmela Castillo
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeňa EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
1
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Mga Biyayang Ipinagkaloob sa Atin
ng Diyos
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 1
ng Modyul 1 para sa araling Mga Biyayang Ipinagkaloob sa Atin ng Diyos !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Modyul 1


ukol sa Mga Biyayang Ipinagkaloob sa Atin ng Diyos !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral


ay natutukoy ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng
Diyos.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang mga larawan na likha ng Diyos at


kahunan ang mga ginawa ng tao.

1. 2.

3. 4.

5.

1
BALIK-ARAL
Sa nakaraang aralin tinalakay ang mga bagay na
patapon na ngunit maari pa ring gamitin.
Ano-ano ang mga bagay na ito? Paano mo maaaring
pakinabangan ang mga bagay o gamit na patapon na?
Alam mo ba kung saan nagmula ang mga bagay na ito?

ARALIN

Pagmasdan ang larawan. Ano ang masasabi mo dito?


Sino ang lumikha ng mga ito? Ano-ano ang mga
pagpapala o biyaya na natatanggap mo mula sa
Panginoon Diyos?

Alam mo ba ang kwento kung paano nilikha ng Diyos


ang mundo?
2
Ang Diyos ang lumikha ng lahat ng mga bagay sa
mundo. Siya rin ang nagbigay sa atin ng buhay. Binigyan
niya tayo ng makakain, tirahan, kasuotan at marami
pang iba. Higit sa lahat binigyan din niya tayo ng pamilya
na nagmamahal sa atin.
Dapat ba nating pangalagaan at mahalin ang mga ito?
Ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang mga biyayang ito
upang pangalagaan at mahalin.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Gumuhit sa patlang ng bituin kung ang sumusunod
na larawan ay mga biyaya ng Diyos at bilugan
kung hindi.

_____1. _____2.

______3. ______4.
3
3

______5.

Pagsasanay 2
Pusuan ang mga larawang nilikha ng Diyos na dapat
nating mahalin at alagaan.

1. 2.

3. 4.

5.
4
Pagsasanay 3
Panuto: Kulayan ang mga likha ng Diyos. (1-5)

5
PAGLALAHAT

Ano ang dapat mong gawin upang pahalagahan ang


biyayang ipinagkaloob ng Diyos? Isulat ang iyong sagot
sa patlang.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Ano-ano ang mga biyayang iyong natatanggap?


Magbigay ng limang halimbawa nito.
1.
2.
3.
4.
5.

6
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang isinasaad


ng pangungusap at M naman kung mali.

______1. Ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay sa


mundo.
______2. Nagmula sa tao ang mga halaman at hayop.
______3. Ang bituin, araw, at buwan ay nilikha ng tao.
______4. Ang pamilya ay isa sa pinakamahalagang
biyaya sa atin ng Diyos.
______5. Ang talento at kakayahan na meron ako ay
nagmula sa Diyos.

7
8
Panapos na Pagsusulit
1. T
2. M
3. M
4. T
5. T
Paunang Pagsubok Mga Pagsasanay
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
https://webstockreview.net/images/chair-clipart-black-and-white-8.jpg, June
23, 2020, https://images.app.goo.gl/1rckfKvND3DnGRj87

https://cdn.clipart.email/3b52699642d253cb287b2fb904c6cffa_ocean-sea-
clipart-black-and-white_1300-941.jpeg, June 23, 2020,
https://images.app.goo.gl/H5cufXbGryqEVurw6

https://webstockreview.net/images/clipart-house-black-and-white-1.jpg,
June 23, 2020, https://images.app.goo.gl/eu92FYUtUuigFgQH8

https://www.netclipart.com/pp/m/0-775_clip-art-free-transparent-fish-black-
and-white.png, June 23, 2020,
https://images.app.goo.gl/B3ExZYLvXBo8HpXa9

https://s.clipartkey.com/mpngs/s/22-220449_flowers-clipart-images-black-
and-white.png, images, June 23, 2020,
https://images.app.goo.gl/UmPp5ri3xkVbKPgY9

https://webstockreview.net/images/creation-clipart-everything-4.jpg, June
23, 2020, https://images.app.goo.gl/3jdN7GVpmbkSZg5P6

http://clipart-library.com/img/1856516.jpg, June 23, 2020,


https://images.app.goo.gl/RczQxaFCXZJyQWjz8

https://previews.123rf.com/images/yupiramos/yupiramos1802/yupiramos1802
22590/95993744-cute-mother-and-father-couple-characters-vector-
illustration-design.jpg, https://images.app.goo.gl/cxLGmimTDWoddS529

http://clipart-library.com/data_images/427010.gif, June 23, 2020,


https://images.app.goo.gl/oRhPVBw68ZPQn2Nw7

https://img.clipartlook.com/zoo-animals-black-and-white-clipart-animals-
clipart-black-and-white-400_420.jpg, June 23, 2020,
https://images.app.goo.gl/y9jWfT8WpvJypjT16

You might also like