You are on page 1of 13

Edukasyon sa

Pagpapakatao
1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 10 Kahulugan ng Dasal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Karen D. Isayas
Editor: Rebecca B. Alan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD, Marieta M. Limbo EdD
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Karen D. Isayas
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
Chief Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC, PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
1
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10

Kahulugan ng Dasal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 1 ng Modyul


10 para sa araling Kahulugan ng Dasal!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1 modyul ukol sa
Kahulugan ng Dasal !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makympleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN

Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral


ay naipaliliwanag ang kahulugan ng dasal.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang letrang T kung tama ang isinasaad at M


kung mali.

_____1.Nakapikit habang nagdarasal.


_____2.Tumatawa habang nagdarasal.
_____3.Si Mario ay tumatakbo habang nagdarasal.
_____4. Nagdadasal na nakaluhod sa loob ng simbahan.
_____5.Natutulog habang nagdarasal ng orasyon.

BALIK-ARAL

Lagyan ng tsek ( )kung nagpapakita ng paggalang sa gawaing


panrelihiyon at ekis ( ) naman kung hindi .
_______1.Iginagalang ko ang paraan ng pagsamba ng aking
kaibigang Muslim.
_______2. Tinatawanan ko ang mga umaawit ng papuri sa Diyos.
_______3. Tumatakbo kami sa loob ng simbahan habang
nagmimisa ang pari.
____4. Nakikinig sa mga awitin at mga salita ng Diyos ang aking
kaibigang Iglesia.
_____5. Nananahimik at nakikisabay sa mga gawaing
pangsimbahan.

ARALIN

Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan? Bakit tayo


nagdarasal? Ano ang ibig sabihin ng pagdarasal?
Ang pagdarasal ay isang gawain ng pakikipag-usap sa
Diyos. Habang tayo nagdarasal nakapikit tayo at tahimik
na sinasabi ang nasa isip at puso natin.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1:
Paano kayo magdasal? Ipakita ang wastong paraan
ng pagdasal.

Ipikit ang mga mata ng 10 minuto at magdasal ng taimtim


o galing sa puso na pagdarasal.

Gawain 2:
Gumupit ng larawan na nagpapakita ng taimtim na
pagdarasal. Idikit ito sa kuwaderno.

Gawain 3:
Piliin ang letra ng larawan na nagpapakita ng tamang
pagdarasal.

A B
C D

PAGLALAHAT

Bilang isang bata, paano ka nagdadasal?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Tandaan
Ang pagdarasal ay isang gawaing pakikipag-usap nang
taimtim sa Diyos. Tayo ay nagdadasal na nakapikit at
taimtim na sinasabi ang nasa puso at isip natin.

PAGPAPAHALAGA

Sa panahon ngayon na nakakaranas tayo ng pandemya,


mahalaga ba na ang bawat isa ay matutong magdasal?
Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Ngayong nakakaranas tayo ng pandemya ng Covid 19


mas dapat nating palakasin ang pananalig sa Diyos at
ang pagdadasal ng taimtim para maging ligtas at
mawala na ang pandemyang kumakalat sa buong
mundo.

Ang pagdarasal o pakikipag-usap sa Diyos ay tanda ng


ating pananalig sa panginoon at paggalang sa kanya.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang pagdarasal ay tanda ng pananalig sa Diyos.
A. tama B.marahil C. ewan ko

2. Ang lahat ay nagsasabi ng kahulugan ng pagdadasal


maliban sa isa.
A. Ito ay pakikipag-usap sa Diyos.
B. Ito ay pakikipag-ugnayan sa Diyos.
C.Ito ay pakikipagtalo sa Diyos.

3. Paano natin ginagawa ang pagdadasal?


A .tumatakbo B.nakapikit C.tumatawa

4. Tayo ay nagdadasal ng nakapikit at sinasabi ang nasa


puso at isip natin.
A. opo B. hindi po C.marahil

5. Sa panahon ngayon ng pandemya nakakatulong ba


ang pagdadasal?
A. Opo B. hindi po C. ewan
PANAPOS NA
PAGSUSULIT:
1. A PAUNANG
PAGSUBOK
2. C
1.T
3. B
2.M
4.A
3.M
5. A
4. T
PAGSASANAY 5.M
BALIK ARAL:
Gawain 1
1./
Malaya ang mga
2. X
Kasagutan
3.X
Gawain 2
4./
Malaya ang mga
Kasagutan 5./
Gawain 3
A B C
E
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

PublicDomainPictures.net
Google picture labeled for reused and modification

You might also like