You are on page 1of 3

EM’s Signal Village Elementary School

FILIPINO
THIRD QUARTER
Activity /Worksheet 6

Name: Lyno Uriel A. Alcantara Section: Grade 3-Modest

I. Layunin:

Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng


mga personal na karanasan F3WG-IIIef-5

II. Tandaan:

Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o


galaw.
Aspekto ng Pandiwa:
1. Pangnagdaan- ang kilos ay naganap na, tapos na o nangyari na .
Naganap na: kahapon, noon, kanina, nakaraang buwan/araw

2. Pangkasalukuyan- ang kilos ay ginagawa, nagyayari o ginaganap sa


kasalukuyan
Nagaganap: ngayon, kasalukuyan

3. Panghinaharap- ang kilos ang hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang.


Magaganap pa lang: bukas, mamaya, sa susunod na araw, sa Lunes, sa
darating na taon.
Halimbawa:

Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap


Ako ay naglinis Ako ay naglilinis ng Ako ay magwawalis
kahapon. bakuran. ng bakuran bukas
 

Iba pang halimbawa ng pandiwa:

Kumuha sumulat magsasaya nag-aaral Kumakain

                                                                                                                                                                               
   
  ESVESIFilWS6Iscidilla 
 
III. Gawain:

A. Bilugan ang mga pandiwa sa loob ng kahon.

Nag‐usap  natulog maganda naghain babalik


 

pagod  sumipol Nag‐usap bahay 

B. Anu-ano ang mga ginawa ninyo pagkagising sa umaga?

Basahin ang, “Si Danteng Matulungin”

Si Danteng Matulungin

Umuuwi agad si Dante pagkatapos ng klase. Hindi siya naglalaro


tulad ng karamihan sa kaniyang mga kaibigan. Tumutulong siya sa
kaniyang nanay sa bahay.

Sa sandaling makarating sa bahay si Dante, hinuhubad niya ang


kaniyang damit na pamasok. Isinusuot niya ang damit na pantrabaho.
Nagdidilig siya ng halaman, nagpapakain ng baboy at umiigib ng tubig.
Nagwawalis din siya sa bahay at bakuran. Ginagawa niya ang lahat ng
ito dahil wala na siyang tatay.

Mga tanong:

1. Tungkol saan ang kuwento? Tungkol kay Dante

2. Ano ang ginagawa ni Dante pagkatapos ng klase? Tinutulongan niya si


nanay sa gawaing bahay

3. Anong katangian mayroon si Dante? Mabait at Masipag

4. Dapat ba siyang tularan? Paano ka maging isang mabuting anak


katulad ni Dante? Opo sinusunod ko po ang mga utos ng nanay ko.

5. Mayroong labing isang salitang kilos na makikita sa kuwento, ilista ito sa


loob ng kahon.

                                                                                                                                                                               
   
  ESVESIFilWS6Iscidilla 
 
1.                 Umuuwi  7.                     Isinusot   

2.                Naglalaro  8.                  Hinuhubad 

3.              Tumutulong  9.                  Nagdidilig      

4.                Ginagawa  10.             Nagpapakain 

5.                 Umiigib  11.             Nagwawalis 

C. Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap

1. Maliligo kami sa ilog bukas.


2. Binalik ni Magda ang bigay ni Marco.
3. Isang lalaki raw ang kumuha sa selpon ng nanay ko.
4. Ipinasok ni Carl ang cookies sa kahon.
5. Agad niyang binalik ang pitakang nakita niya.

D. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pandiwa batay sa inyong


sariling karanasan.
1. Naliligo ako bago pumasok.
2. Nagtuturo ako sa aking nakababatang kapatid.
3. Magsisimba kami sa Lingo.
4. Kumanta si tatay noong fiesta.
5. Kakain kami ng litson.

IV. Pagtataya

Salungguhitan ang angkop na pandiwa sa bawat pangungusap.


1. (Uminom, Kumain, Sumakay) si Tina ng masarap na keyk.
2. Si Aezer ay (nagbabasa, naliligo, naghuhugas) ng aklat.
3. (Iwasan, Itapon, Ibenta) mo ang basura sa tamang lalagyan.
4. Ito ang gamut na (niluto, nilabhan, ininom) ng bata.
5. (Huminto, Sumayaw, Tumalon) ang dyip sa gilid ng kalsada.

Takdang -Aralin:
Tingnan ang bawat larawan. Bumuo ng mga salitang kilos o pandiwa na
angkop sa larawan at gamitin ito sa pangungusap.

                                                                                                                                                                               
   
  ESVESIFilWS6Iscidilla 
 

You might also like