You are on page 1of 9

Sangay ng mga Paaralan

Lungsod ng Maynila
Mababang Paaralang Apolinario Mabini
Severino Solet St., Quiapo, Manila

Banghay-Aralin sa FILIPINO 3
Unang Markahan

Petsa: Setyembre 2023


Araw: Lunes at Martes

I. Layunin

1. Nakababaybay ng mga salitang natutunan sa aralin at mga


salitang di-kilala batay sa bigkas (F3PY-Id-2.2, F3PY-If.2.4,
F3PY-ld-2.2, F3PY-IVb-h2).
2. Nakikilahok sa mga gawain.
3. Nagagamit ang mga salitang natutunan sa aralin

II. Paksa

Mga salitang natutunan sa aralin at mga salitang di-kilala batay sa bigkas

III. Mga Gawain

A. Panimulang Gawain
-Panalangin
-Pagtsek ng attendance
-Pamantayan ng Asignatura
-Pag-awit ng “Awit sa Filipino”

B. Pagganyak
Kopyahin mo nang tama ang mga salitang di-kilala sa bawat bilang.

1.kalupi 2.tsubibo 3. antipara 4.tampipi 5.batobalani

C. Paglalahad
Basahin ang kuwento upang masagot nang tama ang kasunod na gawain.

D. Pagtatalakay
- Ang Pagbabaybay o Ispeling ay maaaring pasulat o pabigkas. Kadalasan, sumusunod ito sa
alituntunin sa kung anong bigkassiyang baybay. Halimbawa

Tunog Baybay
/b-a-g/ bag
/m-a-t-a/ mata
/ts-u-b-i-b-o/ tsubibo

E. Paglinang ng Kasanayan
Basahin at unawain ang pangungusap at piliin sa loob ng kahon ang tamang baybay ng kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit.
F. Paglalahat
Mababaybay mo nang maayos ang salita kung alam at naisaulo mo ang tunog ng bawat letra ng alpabeto at maisusulat ito sa tamang
pagkasunod-sunod ayon sa salitang binabaybay.
Ang mga salitang di-kilala ay mga salitang hindi natin karaniwang ginagamit. Kinakailangang mapaunlad mo ang iyong bokabularyo
sa pamamagitan ng pagbabasa nang may pag-unawa sa bawat pahayag.

IV. Paglalapat

Inihanda ni:

Iniwasto ni:

JENNIFER N. BERNAL JOSE A. PEÑA


Guro Dalubguro

Pinagtibay nina:

DR. GEORGE B. BORROMEO MARIA CEREZA AMPARO A. MAGUYON


PSDS Punung-guro IV

Sangay ng mga Paaralan


Lungsod ng Maynila
Mababang Paaralang Apolinario Mabini
Severino Solet St., Quiapo, Manila

Banghay-Aralin sa FILIPINO 3
Unang Markahan
Petsa: Setyembre 26, 2023
Araw:MARTES

I. Layunin :
Nakakagamit ng diksyunaryo
Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng diksyunaryo
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita gamit ang diksyunaryo

II. Paksa

Paggamit ng diksyunaryo

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
-Panalangin
-Pagtsek ng attendance
-Pamantayan ng Asignatura
-Pag-awit ng “Awit sa Filipino”

B. Pagganyak : Pagpapakita ng diksyunaryo at pagtatanong kung ano ang gamit nito.

C.Paglalahad:

D. Pagtatalakay
Ang diksyunaryo ay isang aklat na binubuo ng mga salita ng isang wika na isinasaayos nang paalpabeto
(A hanggang Z, na may mga paliwanag, pagpapakahulugan o pagbibigay ng
katuturan.

E. Paglinang ng Kasanayan
A. Pagsunod-sunurin ang mga salita nang paalpabeto. Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang.

1. _______ agham 2. ______ pagong

_______ apoy ______ suklay

_______ abaniko ______ kawali

_______ ahas ______ manika

_______ anim ______ medyas

G. Paglalahat
Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang pangungusap. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.

Ang __________________ ay isang aklat na nagbibigay kahulugan sa mga di-kilalang ___________, wastong baybay at wastong
pantig.

Ito ay aklat na binubuo ng mga salita ng isang wika na nakaayos nang pa-alpabeto mula ______________.

IV. Paglalapat

Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang makabuo o makompleto ang pahayag.
1. Ang ibig sabihin ng COVID ay ________________________.

2. Si Berto ay walang anumang ______________________ sa sakit.

3. Malakas ang ____________________ ng katawan ni Ana laban sa sakit tulad ng impeksiyon.

4. Dahil sa paglaganap ng _________________ ngayon sa buong mundo marami na ang namatay.

5. Sa paggamit ng face mask kapag may ubo o sipon, maiiwasan ang pagkalat ng mga ___________________ at
mikrobyo sa iba.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JENNIFER N. BERNAL JOSE A. PEÑA


Guro Dalubguro

Pinagtibay nina:

DR. GEORGE B. BORROMEO MARIA CEREZA AMPARO A. MAGUYON


PSDS Punung-guro IV

Sangay ng mga Paaralan


Lungsod ng Maynila
Mababang Paaralang Apolinario Mabini
Severino Solet St., Quiapo, Manila

Banghay-Aralin sa FILIPINO 3
Unang Markahan

Petsa: Setyembre 28, 2023


Araw: Huwebes

I. Layunin

1.Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya,
2.Nakagagawa ng pangungusap gamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao

II. Paksa

Pagamit sa usapan ng mga salitang pamalit sa ngalan ng tao(ako,ikaw at siya)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
-Panalangin
-Pagtsek ng attendance
-Pamantayan ng Asignatura
-Pag-awit ng “Awit sa Filipino”

B. Pagganyak

C. Paglalahad
Basahin at unawain mo ang kuwento. Ang Kaarawan ni: Jessa Mae R. Pendon
1. Ano ang pamagat ng kuwento? a. Ang Sulat b. Ang Plano c. Ang Kaarawan
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? a. Karla b. Karel c. Kayla
3. Saan naganap ang kuwento? a. mall b. bahay c. paaralan
4. Alin sa sumusunod ang unang nangyari sa kuwento?
a. Naghanda si Karla ng plano.
b. Kumuha si Karla ng kuwaderno at bolpen.
c. Nakita ni Karla ang kalendaryo sa kanilang bahay.
5. Alin sa sumusunod ang huling nangyari sa kuwento?
a. Nalungkot si Karla sa kaniyang kaarawan.
b. Natupad ang plano ni Karla sa kaniyang kaarawan.
c. Naghanda si Karla ng plano para sa kaniyang kaarawan.

D. Paglinang ng Kasanayan
II. Isulat mo sa patlang ang panghalip panao na ako, ikaw at siya para sa pangngalang may salungguhit.
Halimbawa:
Si Mila ay pipili ng magiging kalahok sa paligsahan. Siya ay inutusan ng aming guro.
1. “Saan ka nakatira Mila?” tanong ni Abel. “_______ ay nakatira sa Purok Bayanihan,” sagot ni Mila.
2. Sinabi ni Mila kay Abel, “_______ ay kasama sa pamamasyal.”
3. Saan ka pupunta Abel? “_______ ay pupunta sa paaralan,” sagot ni Abel.
4. Sinabi ni Abel kay Mila, “_______ ay inuutusan ko na kumanta.”
5. Si Cora ay bibili ng isda at karne sa palengke._______ ay bibili ng isda at karne sa palengke.

E. Paglalahat 
Ang ako, ikaw at siya ay mga panghalip panao. Ginagamit ang panghalip panao bilang pamalit sa ngalan ng tao upang
maiwasan ang pag-uulit sa ngalan nito.
Halimbawa na ginamit sa usapan ang ako, ikaw at siya.
Ako Pamalit sa ngalan ng taong nagsasalita.
Ikaw Pamalit sa ngalan ng taong kinakausap.
Siya Pamalit sa taong pinag-uusapan.

IV. Paglalapat

Sumulat ang 3 pangungusap gamit ang mga panghalip na ako,ikaw at siya


Inihanda ni: Iniwasto ni:

JENNIFER N. BERNAL JOSE A. PEÑA


Guro Dalubguro

Pinagtibay nina:

DR. GEORGE B. BORROMEO MARIA CEREZA AMPARO A. MAGUYON


PSDS Punung-guro IV

Sangay ng mga Paaralan


Lungsod ng Maynila
Mababang Paaralang Apolinario Mabini
Severino Solet St., Quiapo, Manila

Banghay-Aralin sa FILIPINO 3
Unang Markahan

Petsa: Setyembre 29, 2023


Araw: Huwebes

I. Layunin

1.Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao( kami,tayo, kayo at sila,).
2.Nalalaman ang gamit ng mga salitang pamalit sa nglan ng tao
3. Nakagagawa ng pangungusap gamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao

II. Paksa
Paggamit ng mga salitang pamalit sa ngalan ng tao(kami,tayo,kayo at sila)

III. Pamamaraan

B. Panimulang Gawain
-Panalangin
-Pagtsek ng attendance
-Pamantayan ng Asignatura
-Pag-awit ng “Awit sa Filipino”

C. Pagganyak: Magbigay ng mga pangungusap na gumagamit ng pamalit sa ngalan ng tao (kami,tayo,kayo at


sila)

D. Paglalahad:Hanapin mo sa puno ang mga tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang __________ay inihahalili sa ngalan ng tao.


2. __________ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong nagsasalita at mga kasama.
3. __________ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong kausap at mga kasama.
4. __________ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong pinag- uusapan at mga kasama.
5. __________ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taongnagsasalita, kausap at kaniyang mga kasama.

E.Paglinang ng Kasanayan
Basahin mo ang mga pangungusap. Sagutan ang mga tanong at tukuyin ang mga panghalip na ginamit at isulat ito sa loob
ng kahon na nasa ibaba.

1. Si Cassy, Marga at Romina ay magbabakasyon.


Sila ay aalis ng Pilipinas mamayang gabi.
Ano ang salitang pamalit kay Cassy, Marga at Romina?

2. Ako at si Tanya ay mamamasyal sa tabing dagat.


Magpapaalam muna kami sa aming mga magulang.
Ano ang salitang pamalit sa ako at Tanya?

3. Ikaw, ako at si bunso ay inutusan ni tatay.


Tayo ang maglilinis ng bahay.
Ano ang salitang pamalit sa ikaw, ako at si bunso?

4. Ikaw at si Marta ay mag-eensayo ng kanta.


Kayo ang kakanta sa programa bukas.
Ano ang salitang pamalit sa ikaw at si Marta?

5. Ikaw, ako at si Jose ay hinihintay na nina ate at kuya.


Sabay sabay tayong maglakad patungong paaralan.
Ano ang salitang pamalit sa ikaw, ako at si Jose?

F.Paglalahat :
Kami ginagamit na pamalit sa ngalan ng nagsasalita at ng kanyang kasama
Tayo ginagamit na pamalit sa ngalan ng nagsasalita, kanyang kasama at kausap.
Kayo ginagamit na pamalit sa ngalan ng dalawang tao o higit pa na kausap
Sila ginagamit na pamalit sa ngalan ng dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan

4.Paglalapat :

Isulat mo sa patlang ang angkop na panghalip sa pangungusap.

1. Ikaw at ako ay bibigyan ni nanay ng premyo. __________ kasi ay mababait na bata.


2. Sina Tani, Bebang at Ansing ay aking mga kapitbahay. __________ ay nakatira sa Quezon Street, Tagum
City.
3. Kuya Ian at Ate Rhea tawag __________ nina tito at tita.
4. Nagbasketbol sina Lance at Renz. Nauhaw __________ kaya umuwi muna.
5. “__________ ay mag-aral na,” wika

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JENNIFER N. BERNAL JOSE A. PEÑA


Guro Dalubguro
Pinagtibay nina:

DR. GEORGE B. BORROMEO MARIA CEREZA AMPARO A. MAGUYON


PSDS Punung-guro IV

Sangay ng mga Paaralan


Lungsod ng Maynila
Mababang Paaralang Apolinario Mabini
Severino Solet St., Quiapo, Manila

Banghay-Aralin sa FILIPINO 3
Unang Markahan

Petsa: Setyembre 29, 2023


Araw: BiyerneS

I. Layunin

1. Nakakasagot at nauunawaan ang mga direksyon sa lagumang pagsusulit.


2. Naisusulat ang wastong ang pangalan, pangkat, section at ang wastong sagot.
3. Nasusunod ang mga panuto.

II. Paksa

Lagumang Pagsusulit

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
-Panalangin
-Pagtsek ng attendance
-Pamantayan ng Asignatura
-Pag-awit ng “Awit sa Filipino”

B. Paglalahad
Paghahanda ng sagutan papel

C. Pagtatalakay
Pagpapaliwanag ng mga direksyon sa pagsusulit.
D. Paglinang ng Kasanayan
Pagsasagot ng mga mag-aaral sa lagumang pagsusulit.
F. Paglalahat
Nakasunod ba sa mga panuto sa pagsusulit?
Bakit mahalahagang masunod ang mga panuto?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JENNIFER N. BERNAL JOSE A. PEÑA


Guro Dalubguro
Pinagtibay nina:

DR. GEORGE B. BORROMEO MARIA CEREZA AMPARO A. MAGUYON


PSDS Punung-guro IV

You might also like