You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

Gramatika at Wikang Binibigkas Gamit ang Tahasang Pagtuturo

I. Layunin
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang :
 Natutukoy ang mga salitang nagsasaad ng kilos.
 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain
sa tahanan, paaralan, at pamayanan
 Naipapakita ang tamang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng paggawa.

II. Paksa

 Pandiwa o Salitang Kilos F2 WG-IIg-h-5


 Sanggunian : Filipino 2 CG- pahina 25 and LM-pahina 280-284
 Kagamitan : Laptop , Larawan , Gawaing Papel at Tsart

III. Pamamaraan

A. Panimula
 Magpaawit at isa-isang ipakita sa pisara ng guro ang mga salitang kilos na
nabanggit sa kanta at ipakilala ito na mga salitang kilos.
 Magkuwento at magpakita ng mga larawan na nabanggit sa kuwento.
 Ipakita at ituro sa mga bata ang salitang kilos na ginamit sa pangungusap na
gawa ng guro.

B. Pagmomodelo / Pagtuturo

 Gumawa ng iba’t ibang kilos ang guro at sasabihin niya kung ano ang kanyang
ginagawa tulad ng upo, tayo, kamot, suklay, laba, hilamos, at tahi.

C. Pagsasanay na may gabay


(Pangkatang Gawain)

Pangkat 1 (May katamtamang kakayahan)


 Basahin ang mga sumusunod na pangugusap. Tukuyin ang mga salitang
kilos at bilugan.
1. Nagwawalis si Nene sa bakuran.
1
2. Si Dora ang nagdilig ng mga tanim.
3. Nagtatanim ng puno ang mga bata sa barangay.

Pangkat 2 (May kahinaang kakayahan)


 Basahin ang mga salitang kilos na nakasulat sa “paper strip”. Ipahula ito sa
mga kaklase sa pamamagitan ng pakitang kilos o “act out”

tawa kain lundag

Pangkat 3 (May mabilis na kakayahan)


 Gamitin ang mga sumusunod na salitang kilos sa pangungusap

takbo iyak akyat

D. Pagwawasto ng Gawain

E. Pasasanay
(Pangkatang Pagsasanay)

 Maghagis ng papel na pormang bola sa mga bata. Kapag nasalo na ang papel
ay bubuksan nila ito, babasahin at gagawin ang kilos na nakasulat na huhulaan ng
mga kasama at ipagamit ito sa pangungusap.

F. Malayang Pagsasanay

 Humanap ng kapareha at pag-usapan kung anong ginagawa niyo sa bahay at


sa paaralan . Isulat ito sa papel gamit ang porma sa ibaba.

Mga Ginawa sa bahay Mga Ginawa sa Paaralan


1. 1.
2. 2.
3. 3.

2
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga katanungan at sagutin.

1. Si nanay ay nagluluto ng adobo. Anong salita ang nagpapakita ng salitang kilos?


a. adobo b. nanay c. nagluluto

2. Piliin ang tamang pangungusap para sa larawan .


a. Si Ana ay umaawit .
b. Si Ana ay naglalaro.
c. Si Ana ay nagsesepilyo.

3. Namulot ng basura sila Lito at Gaspar.


Anong salita ang nagpapakitang kilos?
a. sila b. Namulot c. Lito at Gaspar.

4. Palaging_____________si Onyok sa kanyang leksiyon.


Ibigay ang tamang salitang kilos upang mabuo ang pangungusap.
a. kumakain b. nag-aaral c.nag-wawalis

5. Anong salitang kilos ang angkop sa larawang ito.


a. nagbabasa b. nagpupunas c. nagsusulat

Inihanda at Ipinakitang turo ni:

MA.THERESA L. NAGAL
Master Teacher 1
Don Juan dela Cruz Central Elementary School
Daliaon District

You might also like