You are on page 1of 12

ANG UOD AT

BUBUYOG
• May pilyong bubuyog na nakadapo sa orchid.
• Tinutukso siya ng isang uod. Pakinggan ninyo sila.
• Bubuyog: Hoy, uod na uusad-usad. Bakit ang pangit-pangit
mo? Napakataba mo pa.
• Uod: Talagang pangit at mataba ako. Ano ang magagawa ko?
• Bubuyog: Tigilan mo na ang pagkain ng mga berdeng dahon.
Halika, lumipad kana sa paligid. Hindi sumagot ang uod.
• Lumayo ito. Lumipas ang ilang araw.
• Bubuyog: Nasaan na kaya si Uod? Bakit kaya nawala siya?
• Walang anu-ano ay …
• Nasaan na kaya si Uod? Bakit kaya nawala siya?
• Walang anu-ano ay …
• Bubuyog: Paano mo ako nakilala?
• Paru-paro: Ako ang pangit at matabang uod na tinukso mo.
Tingnan mo ako ngayon.
• Bubuyog: Napakagnada mo! Patawarin mo ako. Sa susunod,
igagalang ko na ang kapintasan ng iba.
May pilyong bubuyog na nakadapo sa orchid.
Tinutukso niya ang isang uod.
Hoy, uod na uusad-usad.
Bakit ang pangit-pangit
mo? Napakataba mo pa.

Talagang pangit at
mataba ako. Ano
ang magagawa ko?
Tigilan mo na ang
pagkain ng mga
berdeng dahon.
Halika, lumipad kana
sa paligid.

Hindi sumagot ang uod.


Lumayo ito
Lumipas ang ilang araw.

Nasaan na kaya
si Uod? Bakit
kaya nawala
siya?
Walang anu-ano ay …
Kaibigang bubuyog,
tingnan mo ako.
Kilala mo pa ba ako?

Paano mo
ako nakilala?
Ako ang pangit at
matabang uod
natinukso mo. Tingnan
mo ako ngayon.

Napakaganda mo!
Patawarin mo ako.
Sa susunod,
igagalang ko na ang
kapintasan ng iba.
Talakayan:
1. Saan nakadapo ang bubuyog?
2. Ano ang masasabi mo sa uod?
3. Bakit tumaba ang uod?
4. Sino ang humingi ng tawad?
5. Ano ang natutuhan mo sa
kwento?
Ikahon ang wastong salita.

1. Laging tinutukso ni Bubuyog si (Linta,Manok, Uod)


2. Nakadapo ang bubuyog sa ( gumamela, rosas,
orchid)
3. Kumakain si Uod ng ( kulisap, dahon, bulaklak)
4. Makalipas ang ilang araw , si Uod ay naging
( ahas, sawa, salagubang, paru-paro)
5. Nagsisi si Bubuyog sa laging panunukso kay Uod.
Humingi siya ng ( pera, pagkain, tawad, damit)
Ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod.
Lagyan ng bilang 1-5.

• ___Kumain ng mga dahon ang uod.


• ___Naging paru-paro ang uod.
• ___Nawala ang uod.
• ___Tinukso ng bubuyog ang uod.
• ___Humingi ng tawad ang bubuyog.
A. Bilugan ang tamang sagot.
1. laging tinutukso ni Bubuyog si Uod kaya si Uod
ay ( matutuwa, maiinis, maliligayahan)
2. Kumain nang kumain si Uod ng berdeng dahon
kaya siya ay ( pumayat, lumiit, tumaba).
3. Pagkatapos mawala ni Uod ng ilang araw,
siya ay ( nagbalik, namatay, naligaw).
4. Ng gumanda si Uod, si Bubuyog ay
( nagsisigaw, nagalit, nagsisi).
5. Nagbago na si Bubuyog. Nangako siya na
hindi na siya ( magsasalita, kakain,
manunukso).

You might also like