You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IX

Pangalan: Planas, Jonathan Jr. C Petsa: Mayo 1, 2023


Baitang: Baitang 9 Guro: Gng. Lanelene P. Joaquin

Content Standard: May pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang


ekonomiya nito sa harap ng hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-
unlad.
Performance Standard: Aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo
sa pamabansang pagsulong at pag-unlad.
Learning Competency: Nasusuri ang bhaging ginagampanan ng agrikultura,
panginigisda, at paggugubat sa ekonomiya.

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natatalakay ang mga sektor ng agrikultura;
b. naisasabalikat ang pananagutan bilang mag-aaral upang maging kaakibat
sa pagtataguyod ng sektor ng agrikultura; at
c. nailalarawan ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa bawat
pamilya, pamayanan, at ekonomiya.
II. Nilalaman
a. Paksa: Sektor ng Agrikultura
b. Aklat: Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 3 pp. 1-13
c. Kagamitan: kartolina, pentelpen, papel, tsart, laptop, projector

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
B. Balik-Aral

Pamprosesong Katanungan:
1. Anu- ano ang iba’t-ibang gampanin ng mga Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran?
2. Bakit mahalagang may ambag ang isang indibidwal sa ekpnpmiya ng isang bansa?
Pagganyak
Panuto:
 Susuriin ng mga mag-aaral ang mga larawan sa ibaba ay bibigyan ng sariling
interpretasyon. Isusulat ito sa kwaderno.

Pamprosesong Katanungan:
1. Nakakita ka na ba ng ganitong senaryo? Saan?
2. Paano mo mailalarawan ang ginagawa ng bawat indibidwal sa larawan?
3. Base sa mga inyong naibigay na mga sagot, ano kaya ang aralin na ating
tatalakayin ngayon?

Paglalahad (Lesson Proper)


Gawain A.
Panuto:
 Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
 Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang papel na may graphic organizer.
 Babalikan ng mga mag-aaral ang mga larawan sa unang gawain. Gamit ang
graphic organizer, itatala ng bawat pangkat ang mga produktong maaaring
maglarawano nagmula sa sector ng agrikultura.
 Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng tig dadalawang minuto para sa gawain.
Ilalahad ito sa buong klase.

Gawain Mga Produkto

Gawain B.
Panuto:
 Sa parehong pangkat, gagawa ang mga mag-aaral ng isang islogan nag
nagpapakita ng bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng
bansa.
 Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga materyales sa paggawa.
 Bibigyan lamang sila ng tatlong minuto para sa gawain.
 Ilalahad ito sa klase at mamarkahan base sa mga pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


Nilalaman 25
Kaangkupan sa Paksa 15
Kalinisan 10
Kabuuang Puntos 50
Pamprosesong Katanungan:
1. Anong kaisipan tungkol sa sektor ng agrikultura ang inyong nabuo?
2. Paano nakakatulong ang sektor ng agrikultura sa paglago ng ekonomiya ng
bansa?
3. Bakit kinakailangan na panatilihin ang kaayusan sa lipunang ating
kinabibilangan?
Paglalahat
Pamprosesong Katanungan:
1. Ano ang agrikultura?
2. Anu-ano ang mga sektor ng agrikultura na nabanggit ayon sa ating naging
talakayan?
3. Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura sa pagtaguyod ng ekonomiya ng
isang bansa?
Paglalapat
Panuto:
 Gamit ang isang pledge wall, ididikit ng mga mag-aaral ang mga ginunting na
mga hugis kamay na papel na may nakasulat na mga salita tungkol sa tanong sa
ibaba.

Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong mga pananagutan upang maging
kaakibat sa pagtaguyod ng sektor ng agrikultura?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Ipaliwanag sa limang pangungusap.
1. Ano ang mangyayari sa ating bansa kung pababayaan ang sektor ng agrikultura?
2. May maganda bang maidudulot kung bibigyan ng suporta ang mga manggagawa
ng agrikultura? Patunayan.

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


Kawastuhan ng ideya 10
batay sa paksa.
Organisado at malikhain na 10
paglalahad ng ideya ayon
sa paksa ng araling
inilahad
Kabuuang Puntos 20
V. Takdang-Aralin
Basahin ang mga suliranin sa Sektor ng Agrikultura sa pahina 430.

Ipinasa ni: Iniwasto ni:


Planas, Jonathan Jr. C. Gng. Lanelene P. Joaquin

You might also like