You are on page 1of 3

SETYEMBRE 19-20, 2022

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Grade 10-David 7:00 am – 8:00 am


Grade 10-Joshua 9:15 am – 10:15 am
Grade 10-Moses 2:00 pm – 3:00 pm

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa
(Araling Panlipunan CG-Pahina 214)
I. Mga Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng aralingito ang mgamagaaral ay inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang mga indikasyon ng climate change
b. Napupunan ng impormasyon ang talahanayan tungkol sa mga dahilan at epekto ng climate change.
c. Nakagawa ng sariling repleksyon kaugnay ng bible verse na ibinigay sa arling ito.
II. Paksang Aralin
Paksa: Indikasyon ng Climate Change
Kagamitan: Laptop, Speaker at Mga larawan
Sanggunian: Luis Anthony J. Cabagan, (2017) Ugat ng Lahi Mga Isyung Kontemporaryo, Full Bright
Publication Inc. (Pahina 39-41)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagabati
3. Pagtatala ng Liban
4. Pagwawasto ng Takdang Aralin
5. Balik Aral
B. Pagganyak
Magpapanood ang guro ng isang maikling video tungkol sa mga dahilan at epekto ng
climate change sa bansa. Susuriin ng mga mag aaral ang video at itatala nila ang mga
mahahalagang impormasyon mula rito.
Link ng Video: https://www.youtube.com/watch?v=7GWAl5cHKEA
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman mula sa iyong napanood ng climate change?
2. Saan tungkol ang video na iyong napanood?
3. Sa inyong palagay, ano ang bagong aralin na ating tatalakayin ngayong araw?

C. 4A’s
1. Aktibi
Pangkatang Gawain
Ang mga magaaral ay hahahatiin sa apat na grupo, tatalakayin ng bawat grupo ng
indikasyon, dahilan at epekto ng climate change sa mundo.

Unang Pangkat: Global Warming at Pagtaas ng Lebel ng Tubig


Ikalawang Pangkat: Pagtaas ng Lebel ng Acidity ng tubig-dagat at at Pagkatunaw ng Ice
Caps
Ikatlong Grupo: Pagdami ng Namumuong Bagyo at Pagkalat ng Sakit dala ng Nagbabagong
Klima
Ika-apat na Grupo:Coral Reef Bleaching at Extinction o Pagkawala ng mga Buhay-Ligaw
2. Analisis
1. Ano ang kahulugan ng Climate Change?
2. Anu-ano ang mga indikasyon ng Climate Change?
3. Ano ang kinalaman ng pagkawala ng mga Buhay-ligaw sa Climate Chage?
4. Paano nagiging sanhi ang Global warming sa Climate Change?
5. Dahil sa sobrang init natutunaw ang ice caps, ano ang maaring maging epekto nito?
6. Maiituring bang maging sanhi ang pabago-bago ng klima kung kaya mayroon pagkalat
ng iba’t ibang uri ng sakit? Ipaliwanag
7. Paano aapektuhan ang mga yamang tubing ng Climate Change?
8. Paano nakaaapekto ang mga indikasyon ng Climate Change sa pamumuhay ng tao,
hayop, at halaman?
9. Bakit kinakailangan magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa ating ukol sa mga
indikasyon ng Climate change?

3. Abstraksyon
Tukuyin ang mga indikasyon ng climate change na inilalarawan ng mga ilustrasyon na
nasa ibaba. Pagkatapos, ibigay ang epekto nito sa kapaligiran at sa tao.

4. Aplikasyon
Gawain 3
Bigyan ng sariling repleksyon ang bible verse na nasa ibaba at iugnay ito sa ating aralin.
Daniel 2:21
“At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga
hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng
kaalaman sa makakaalam ng unawa
Sanggunian: https://bible.knowing-jesus.com/Tagalog/Daniel/2/21
Gawain 4. Magmungkahi
Saguting ang mga sumusunod katanungan ukol sa pagsasabuhay ng mga paghahanda sa
sakuna.
1. Bilang isang responsableng mag-aaral ano ang maari mong gawin upang makatulong sa
pagtugon ng mundo sa mga hamon ng climate change?
___________________________________________________________________________
2. Paano mo ipapapaalam sa iyong mga kakilala na dapat tugunan ang mga indikasyon ng
Climate change?
___________________________________________________________________________

Page 2 of 3
IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong papel.
1. Ibigay ang mga indikasyon ng clamate change?
2. Paano ang mga indikasyon ng climate change nakakaepekto sa pamumuhay ng tao, hapon, at
halaman?

V. Takdang Aralin
Hanapin sa internet ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pagtugon sa Climate Change

Inihanda Ni:

G. CLYDE H. ESTILLORE
Guro

Page 3 of 3

You might also like