You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Norte
TIMAMANA ELEMENTARY SCHOOL
PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4
QUARTER 2

Name: Date:
Teacher: Section:

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng kapakinabangan ang tinutukoy sa bawat bilang.
Hanapin sa loob ng kahon ang sagot.

A. Kalakal at Produkto B. Turismo C. Enerhiya

_______1. Bulkang Mayon


_______2. ginto, pilak at tanso
_______3. Bangui Windmill

Panuto : Basahin ng mga mabuti ang bawat tanong ate bilugan ang titik ng
tamang sagot.
4. Aling rehiyon ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon at industriya?
A. NCR C. Rehiyon IV
B. Rehiyon II D. Rehiyon XII
5. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?
A. Dahil makabago ang kanilang pamamalakad.
B. Dahil nasa sentro ito ng bansa.
C. Dahil maraming magagandang gusali rito.
D. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang makapag-aral at
kumita.
6. Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Reyes. Napansin nila na malapit sa
dagat ang kanilang lugar at ang mga tao doon ay halos lahat ay may bangka. Ano ang
posibleng maging hanapbuhay ng mag-anak doon?

A. magsasaka C. mangingisda
B. maghahabi D. tubero
7. Alin sa mga sumusunod ang mga produkto sa pagsasaka?
A. paghahabi ng tela C. palay, mais at gulay
B. pilak at ginto D. perlas at kabibe
8. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may hanapbuhay na __________.
A. pangingisda C. pangangaso
B. pagkakaingin D. paglililok

9. Ano ang isang pagbabago dahil sa malakihang pagpapatayo ng mga industriya,


pagtatatag ng kalakalan at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya?
A. Polusyon C. Global Waming
B. Industriyalisasyon D.Climate Change
10. Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya, saan inilaan ang pagkakaroon ng pondo
para sa mga proyekto o ito ay muling pagtatanim?
A. Pagkakaingin C. Reforestation
B. Climate Change D. Global Warming
11. Ano ang maaaring epekto ng walang habas na pagpuputol ng malalaking
punongkahoy sa kabundukan at kagubatan at nagiging sanhi rin ng pagkasira ng mga
pananim at ari-arian?
A. Polusyon C. Pagkakaingin
B. Pagbaha at pagguho ng lupa D. Chloroflourocarbons
12. Ano ang tawag sa pagtaas ng temperatrura ng mundo sanhi ng mga
chloroflourocarbons na nanggagaling sa mga industriya at mga kabahayan?
A. Global Warming C.Climate Change
B. Bio-intensive gardening D. Pagbaha at pagguho
13. Ang isyung pangkapaligiran na ginawa ng tao para makagawa ng uling, upang
pagtamnan ang lupa o pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali_________.
A. Polusyon C. Climate Change
B. Pagkakaingin o pagsusunog D. Global Warming
14. Ito naman ay maaaring gawin sa mga bagay na pagtapon na ngunit maaari pang
magamit, kumpunihin, ibigay sa mga nangangailangan o ipagbili.
A. Reduce C. Recycle
B. Reuse D. Reforestation

15. Isang matalinong pangangasiwa naman ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula
sa mga lumang bagay ay tinatawag na_________.
A. Reuse C. Reduce
B. Recycle D. Rotation
16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na
yaman?

A. Pagsusunog ng basura
B. Bio-intensive gardening
C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
D. Pagtatayo ng pabrika sa malapit sa ilog at dagat.
17. Ito ay nagsisilbing isa sa mga hamon para sa mga magsasaka.
A. Makabagong teknolohiya
B. Kawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto
C. Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
D. Paghikayat sa mga OFW na mamuhunan
18. Kabilang sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas tulad ng
pangingisda at pagsasaka ang pagbabago ng klima at iba pang likas na mga pangyayari
tulad ng kalamidad at El Niño Phenomenon. Ano ang ibig ipakahulugan nito?
A. Malaki ang epekto ng kalikasan sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
B. Maraming hamon at oportunidad na hinaharap ang iba’t ibang mga gawaing
pangkabuhayan sa bansa.
C. Sa kabila ng mga hamon, dapat puro oportunidad lamang ang isipin ng mga
magsasaka at mangingisda.
D. Dapat manatiling matatag ang mga magsasaka at mangingisda dahil marami
pang ibang hamon sa darating sa kanila.
19. Ang ibig sabihin na ang bansang Pilipinas ay kilala bilang isang agrikultural na
bansa.
A. mayaman ang nakatira dito C. malawak ang taniman dito
B. marami ang nagtitinda dito D. malaki ang mga pabrika dito
20. Pangunahing pangkabuhayan ng ating bansang Pilipinas dahil sa napalibutan ito ng
kalupaan at katubigan.
A. Turismo at Kalakal C. Magnegosyo at OFW
B. Pagsasaka at Panginigisda D. Pagmimina at Pagtotroso
21. Tawag sa mahabang panahon ng tag-init.
A. windmill C. Climate Change
B. Reforestation D. El Niño Phenomenon
22. Ang pagbabago ng klima ng mundo at likas na pangyayari tulad ng kalamidad.
A. Lokasyon C. Direksiyon
B. Climate Change D. Pagkakaingin
23. Ito ay mahalaga at nagmumula ang mga produkto na pangunahing pangangailangan
ng tao para sa patuloy na pamumuhay.
A. Sa pagsusugal at pagbibisyo
B. Sa kanyang malalaking bahay
C. Sa kanyang magagandang sasakyan
D. Sa kanyang kabuhayan o pagtatrabaho
24. Paano makatutulong ang isang guro sa pagpapaunlad ng likas kayang pag-unlad o
sustainable development?
A. Pagbabawas sa paglaki ng mga rural na lugar
B. Pag-aayos ng mga nasirang ecosystem
C. Pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan
D. Pagkakaroon ng Property Rights Reform
25. Kailan natukoy ng United Nations Conference on Human Development ang
posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at kaunlaran
A. 1972 C. 1974
B. 1973 D.1975
26. Sa taong ito binuo ng United Nations ang Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan
at Kaunlaran.
A. 1978 C. 1979
B. B. 1987 D. 1988
27. Makalipas ang isang dekada, nabuo sa taong ito ang World Summit on
Sustainable Development.
A. 2000 C. 2001
B. 2002 D. 2004
28. Ito ay tumutukoy sa pagtugon sa mga pangangailangan at mithiin ng mga tao
nang may pagsasaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit
ang kanilang pangangailangan.
A. Agenda 21 B. sustainable consumption
C. United Nations D. sustainable development
29. Ito ay binuo ng pamahalaan upang magsagawa ng iba’t-ibang istratehiya para
matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
A. Rio Earth Summit
B. United Nations Millennium Development
C. Philippine Strategy for Sustainable Development
D. United Nations Conference on Human Environment

30. Binuo ito ng Nagkakaisang mga Bansa upang pag-aralan at bigyan ng kaukulang
solusyon ang suliranin sa kalikasan at kaunlaran.
A. Philippine Strategy for Sustainable Development
B. Department of Environment and Natural Resources
C. United Nations Conference on Human Development
D. World Commission on Environment and Development

31. Saan nabuo ang World Summit on Sustainable Development na naglalayon sa


patuloy na pagsasakatuparan ng sustainable consumption?
A. Tokyo B. Manila
C. Spain D. Johannesburg
32. Ito ang nagpapatupad ng mga programang sumusuporta sa mga layunin ng likas
kayang pag-unlad sa Pilipinas.
A. United Nations Millennium Development
B. Philippine Strategy for Sustainable Development
C. Department of Environment and Natural Resources
D. United Nations Conference on Human Development

33. Ano ang tawag sa kaparaanan ng tao sa buhay at kuro o opinion ng buong lipunan
na batay sa kanilang karanasan at kinagawian?

A. Kultura C. Lokasyon
B. Kabuhayan D. Heograpiya
34. Ang iyong kamag-aaral na sina Anna at Marie ay nagyaya na maglaro kayo ng
tumbang preso at patintero, samantala si Pia at Christine ay nagyaya na maglaro ng
computer games na ang gumawa ay mga dayuhan. Sino ang nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kulturang kinagisnan?

A. si Pia C. si Anna Marie


B. sina Anna at Marie D. sina Pia at Christine
35. Paano maipapakita ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa kultura?

A. Ipagmalaki na palagi kang nanonood ng K Drama.


B. Ipagmalaki na galing sa ibang bansa ang iyong mga damit.
C. Ipagmalaki na tumatangkilik ka sa mga larong video games na ginagawa ng
mga dayuhan.
D. Ipagmalaki ang mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino gaya ng
pakikisama, bayanihan, at pakikiramay.

36. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa


kulturang Pilipino maliban sa isa.

A. Pagtangkilik sa larong Pinoy.


B. Pagkalimot sa ating tradisyon.
C. Paggalang sa watawat ng Pilipinas.
D. Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa.

37. Ano ang dapat gawin ng mga taong magkaiba ang kultura sa isang komunidad?

A. Ipagwalang-bahala na lamang.
B. Mag-iwasan para maging mapayapa ang komunidad.
C. Magtulungan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
D. Makipaglaban sa isa’t isa upang magkaroon ng iisang nangungunang
kultura lamang.

38. Ang kultura ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang isang


mamamayang Pilipino, sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang kulturang Pilipino?

A. Panonood ng mga cultural dance


B. Pagbili ng mga Produkto ng iba’t ibang bansa
C. Panonood ng mga pelikulang Pilipino at banyaga
D. Pamamasyal sa ibang bansa kay sa mga pamanang pook o lalawigan ng
bansa.
39. Paano ka higit na maging mabuting tao?

A. Hindi ako sasama sa kahit anong kultural na grupo.


B. Pag-aaralan na matutunan ang kultura ng ibang mga grupo.
C. Sasama sa pinakamagaling na grupong kultural sa sariling bayan
D. Nirerespeto ko ang paniniwala, kaugalian, at pagpapahalaga ng ibang
tao.

40. Paano ipinapakita na may ugnayan ang kultura sa pagkakakilanlang Pilipino?

A. Dahil mayaman at makulay ang kulturang Pilipino


B. Dahil ang ating kultura ay simbolo ng ating bansa kaya nakikilala ito sa
iba’t ibang bansa.
C. Dahil sa ating mga kinagawian at tradisyon kaya ang ating kultura ay
iniuugnay sa ating pagkakakilanlan.
D. Dahil pinupuntahan, ipinagmamalaki at ipinapamahagi sa iba ang mga
magagandang tanawin at pamanang pook ng bansa.

You might also like