You are on page 1of 4

Bohol

Noong unang panahon, ang mga tao ay nakatira sa papawirin. Sa papawiring ito makikita ang isang kaharian.
Ang haring namumuno sa lugar ay may nag-iisang anak na babae.
Isang araw, ang anak ng hari ay nagkasakit. Ang gamut sa sakit ng prinsesa ay ang ugat ng isang punongkahoy na
tinatawag na baliti.
Kailangang humukay ng isang butas na malapit sa ugat ng punong baliti at mahawakan ng prinsesa ang mga
naturang ugat. Isinagawa kaagad ng mga tao ang dapat gawin upang mapagaling ang anak ng hari.Ngunit sa kasamaang-
palad, nang hawakan na ng batang prinsesa ang ugat ng kahoy, siya ay nahulog sa butas.
Sa ibabang bahagi ng papawirin ay makikita ang isang malawak na dagat. Sa dagat na ito ay may nakatirang
dalawang pato.
Habang naliligo ang dalawang pato, nakita nila ang prinsesang bumubulusok pababa. Sinaklolohan nila ito.
Nakakita ang dalawang pato ng isang malaking pagong (bao) at humingi sila roon ng tulong. Ipinatawag ng bao o pagong
ang lahat ng mga hayop na marunong lumangoy.
Habang sinaklolohan nila ang prinsesa, bumuga naman mula sa kailaliman ng dagat ang isang hangin na may
dalang sari-saring damo na pumapaligid sa malaking pagong o bao. Tumubo at lumaki ang bao at naging Isla.
Sa Islang iyon, sa Isla Bao, tumira ang prinsesa.
Sa Islang iyon din nagkita ang prinsesa at si Lo at doon sila nagkasama at nag-ibigan. Sa kanilang pagtanda,
biniyayaan sila ng kambal na anak: sina Bo at Hol na kapwa lalaki. Nang lumaki ang kambal, pinaganda nila ang Isla Bao.
Si Bo ang lumikha ng mga burol, ilog, gubat, at mga hayop, pati na ang pinakamaliliit na unggoy. Si Hol naman
ang lumikha ng mga isda, hipon,, pati na ang naglalakihang mga alimango. Nasaksihan ng mga tao ang mga pagbabago.
Dahil sa mga pagbabagong ginawa nilaBo at Hol, nagpasiya ang mga taong palitan ang pangalang Isla Bao. Pinalitan ito
ng pangalang Bohol bilang alaala sa mga nagawa nina Bo at Hol.

Pangalan:________________________________________Petsa:_______________ Baitang at Seksiyon:____________

Panuto: Bilugan ang salitang hindi kasama sa pangkat ng mga salita.

1. bumubulusok bumabagsak bumababa bumibigay
2. sinaklolohan inaasikaso tinutulungan inaalalayan
3. binibiyayaan binabasbasan binibigyan hinahandugan
4. nakikita nasusulyapan nasisilayan nasasaksihan
5. namumuno nangangasiwa nangunguna namamahala

Panuto: Ilahad ang iyong ideya at pananaw sa pagsagot ng mga tanong.

1. Ano ang suliranin ng hari sa papawirin? __________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Ano ang lunas ng sakit ng prinsesa? ______________________________________________________________

3. Paano makukuha ang lunas sa sakit ng prinsesa? ___________________________________________________

4. Sino ang nakakita sa prinsesa ng mahulog ito? _____________________________________________________

5. Saan nagmula ang Islang naging tirahan ng prinsesa? ________________________________________________

6. Sino-sino ang naging kasama ng prinsesa sa Isla? ___________________________________________________

7. Bakit pinalitan ng mga tao ang pangalan ng Isla Bao? ________________________________________________

8. Ano-ano ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng wagas na pagmamahal na makikita sa akda?

Pangalan:________________________________________ Petsa:_______________ Baitang at Seksiyon:____________

Kaligiran ng Alamat
Likhang kuwento na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay ang payak na pagpapakahulugan sa alamat. Ang
alamat ay bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas. Nag-ugat ito sa pandarayuhan ng ating mga ninuno sa iba’t ibang lupain
ng Asya. Gayunpaman, hindi nagawang mailathala ang mga alamat sa panahong ito dahil sa kawalan ng sistema ng
pamamahala at edukasyon.
Pasalin-dila ang naging paraan ng ating mga ninuno noon sa paglalahad ng alamat na nakatuon sa paniniwala at
pagsamba sa mga anito at Dakilang Lumikha.
Sa pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa, nagkaroon ng pagbabago sa paglalahad at paksain ng mga alamat. Ang
ilan sa mga ito ay naiukit sa bato, balat ng punongkahoy, at kinalaunan ay napalimbag.
Ang alamat o legend ay nagmula sa wikang Latin na legenda. Ito’y nangangahulang “upang mabasa.”
Ang layunin ng alamat ay magpaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay sa iba’t ibang paraan. Maaring ang
pinagmulan ng tema ng alamat ay sa pagsasama-sama ng pangalan ng tauhan sa akda at mga salitang paulit-ulit na
binabanggit ng tauhan na kalauna’y nagkaroon ng kaunting pagbabago sa baybay nito.
Hindi man makatotohanan ang mga alamat, naging instrumento ng pagtuturo ng wastong asal, paghahanap ng
katotohanan, at pagpapayabong ng kultura ng ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang panahon.

Elemento ng Alamat
1. Tauhan- ang mga gumaganap sa isang alamat; ang nagbibigay ng buhay sa temang nais iparating ng alamat.
2. Tagpuan- ang bumubuo ng imahinasyon ng mga mambabasa; nagpapakita hindi lamang ng lugar at panahon
kung kalian at saan naganap ang alamat kundi naglalarawan din ng paraan ng pamumuhay na estado ng mga
tauhan sa lipunan.
3. Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang alamat na nahahati sa tatlong bahagi:
a. Simula- inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat.
b. Katawan- inilalahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pag-iisip at kaugalian ng bawat tauhan
at ang suliranin at paraan ng pagharap ng tauhan sa suliranin.
c. Wakas- ang kinahinatnan ng kuwento o naging resolusyon.

Kaligiran ng Alamat
Likhang kuwento na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay ang payak na pagpapakahulugan sa alamat. Ang
alamat ay bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas. Nag-ugat ito sa pandarayuhan ng ating mga ninuno sa iba’t ibang lupain
ng Asya. Gayunpaman, hindi nagawang mailathala ang mga alamat sa panahong ito dahil sa kawalan ng sistema ng
pamamahala at edukasyon.
Pasalin-dila ang naging paraan ng ating mga ninuno noon sa paglalahad ng alamat na nakatuon sa paniniwala at
pagsamba sa mga anito at Dakilang Lumikha.
Sa pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa, nagkaroon ng pagbabago sa paglalahad at paksain ng mga alamat. Ang
ilan sa mga ito ay naiukit sa bato, balat ng punongkahoy, at kinalaunan ay napalimbag.
Ang alamat o legend ay nagmula sa wikang Latin na legenda. Ito’y nangangahulang “upang mabasa.”
Ang layunin ng alamat ay magpaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay sa iba’t ibang paraan. Maaring ang
pinagmulan ng tema ng alamat ay sa pagsasama-sama ng pangalan ng tauhan sa akda at mga salitang paulit-ulit na
binabanggit ng tauhan na kalauna’y nagkaroon ng kaunting pagbabago sa baybay nito.
Hindi man makatotohanan ang mga alamat, naging instrumento ng pagtuturo ng wastong asal, paghahanap ng
katotohanan, at pagpapayabong ng kultura ng ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang panahon.

Elemento ng Alamat
1. Tauhan- ang mga gumaganap sa isang alamat; ang nagbibigay ng buhay sa temang nais iparating ng alamat.
2. Tagpuan- ang bumubuo ng imainasyon ng mga mambabasa; nagpapakita hindi lamang ng lugar at panahon kung
kalian at saan naganap ang alamat kundi naglalarawan din ng paraan ng pamumuhay na estado ng mga tauhan
sa lipunan.
3. Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang alamat na nahahati sa tatlong bahagi:
a. Simula- inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat.
b. Katawan- inilalahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pag-iisip at kaugalian ng bawat tauhan
at ang suliranin at paraan ng pagharap ng tauhan sa suliranin.
c. Wakas- ang kinahinatnan ng kuwento o naging resolusyon.
Alamat ng Zaragosa, Aloguinsan

Sa isang matahimik na barangay, may mag-asawang biniyayaan ng Maykapal ng isang napakagandang anak na
babae. Siya ay si Zasah. Lumaki ang anak na puno ng pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.

Maraming lumiligaw sa kaniya mula sa kanilang nayon at kahit sa karatig-nayon sapagkat bukod sa kaniyang
kagandahan, siya ay matulungin at masunuring anak. Mabuti siyang makitungo sa kaniyang manliligaw. Tinanggihan man
niya ang mga ito ay sa paraang hindi sila masasaktan.

Isang anak-mahirap ang nagtangi sa kaniya, Si Rago. Sa wakas, nakamit ni Rago ang matamins na “oo” ng dalaga at
ito ay ipinaalam nila sa mga magulang ng dalaga.

Hindi naibigan ng mga magulang ng dalaga ang binata dahil mahirap lamang ito. Isang araw, nakipagkita si Rago
kay Zasah upang magpaalam. Siya’y luluwas upang maghanap ng trabahong pagkakakitaan niya nang Malaki. Ibig man
niyang pigilan ito ay hindi niya nagawa dahil alam niyang alang-alang din ito sa kanilang magandang kinabukasan.

Maraming taon ang nakalipas at ang dalaga’y tumamlay dahil sa pagkawala ng kaniyang minamahal hanggang siya
ay magkasakit at tuluyang namatay.

Sa kabilang dako, si Rago ay nagtitiis ng lungkot na mapahiwalay kay Zasah para lamang makaipon ng maraming
salapi at mapatunayan niya sa mga magulang nito na kaya niyang buhayin ang dalaga. Dahil sa kaniyang kasipagan at
kabaitan, pinagkatiwalaan siya ng kaniyang among Mang Julio. Nang namatay ang kaniyang amo, sa kaniya iniwan ang
lahat ng negosyo nito dahil wala itong pamilya.

Buong kagalakang umuwi si Rago sa kanilang lugar ngunit puntod na lamang ng kaniyang minamahal ang
sumalubong sa kaniya. Dahil sa pagdadalamhati, sumunod na rin si Rago sa sinisinta. Nagkasundo ang mga magulang
nina Rago at Zasah na ilibing ang binata sa tabi ng puntod ng dalaga.

Ilang araw matapos na mailibing ang binata, isang punongkahoy ang tumubo malapit sa kaniyang libingan. Ito’y isang
akasya. Ito ang naging palatandaan ng puntod ng magkasintahang walang kupas na nagmamahalan. Ang punongkahoy
ring ito ang palatandaan ng baryo nila na pinangalanang Zaragosa bilang alaala kina Zasah at Rago.

You might also like