You are on page 1of 1

Unang pangalan ng Batangas

Published January 7, 2010 9:40pm

Bago nakilala bilang Batangas, alam n’yo ba kung ano ang dating pangalan ng lalawigang ito sa
katimugang bahagi ng Luzon na hango sa sinaunang sining sa Pilipinas? Kabilang ang Batangas sa walong
lalawigan na unang nag-aklas laban sa mga Kastila. Bukod sa pagiging tanyag sa paglikha ng balisong,
dito rin nagmula ang ilan sa mga kilalang bayani katulad nina Apolinario Mabini, na itinuturing “Utak ng
Rebolusyon;" at General Miguel Malvar , ang heneral na huling sumuko sa puwersa ng mga mananakop
na Amerikano. Pinapaniwalaan na kabilang ang Batangas sa mga unang lalawigan sa Luzon na
naorganisa noong 1534. Ang bayan ng Balayan ang unang naging kabisera ng lalawigan bago nailipat sa
Taal noong 1732. Ngayon, ang Batangas City na naiproklama bilang ganap na lungsod noong Hulyo 1969
ang nagsisilbing kabisera ng lalawigan. Sinabing ang pangalang "Batangas" ay nagmula sa salitang
"batang," na pagtukoy noon sa mga troso na nakikita sa mga ilog at maging sa lawa ng Taal. Sinasabing
ang Taal ang isa sa mga naunang lugar sa lalawigan na naging progresibo. Ngunit bago naging Batangas,
naunang nakilala ang lalawigan sa tawag na “La Provincia del Cumintang," dahil naging sentro ito ng
“kumintang," ang uri ng sining tungkol sa awit at sayaw. – Fidel Jimenez, GMANews.TV

You might also like