You are on page 1of 2

Saint Theresa’s College of Cebu

High School Department


SY 2019-2020

Pangalan: Alyssa Lei Panuncillo Istrand at Taon: 11 ABM Marka: _____

Kasanayan: Nakabubuo ng isang sanaysay na naghihikayat sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon


na mahalin at pahalagahan ang kanilang sariling wika.

WIKANG FILIPINO, DAPAT PA BA?


Pamagat

May mga tao na gustong umunlad sa pagbabago, may mga tao na gagawin ang lahat ng
makakaya upang labanan ito. Ngunit nararapat bang humingi ng pagbabago sa lahat ng aspeto?
Kailangan ba talaga ito?

Pagbabago. Isang salita na hindi natin maiiwasan. Handa man tayo o hindi, nangyayari ito.
Tayo’y lumalaki, tumatanda at unti-unting nagkakaroon na nang hinog na kaisipan. Kasabay sa
pagtanda, ay niyayakap na rin natin ang teknolohiya na bumabalot sa ating mundo. Sa patuloy na
paglaganap ng makabagong teknolohiya, naaapektuhan ang pang araw-araw na gawain ng mga tao,
pati na rin ang paggamit ng wika. Ang pagyabong ng mass media ay nakatulong sa atin, mga Pilipino,
dahil mas naging madali ang paglaganap ng impormasyon. Ito ay nagsisilbing tinig ng taumbayan sa
pagpapahayag sa kanilang saloobin. Ngunit dala dito, marami nang na-uuso na mga bagong pananalita.
Ilan sa mga ito ay ang gay lingo, conyo at jejemon. Halimbawa ng pagbago sa salita ay ang paggamit ng
salitang “jowa” sa halip ng salitang “kasintahan”. Sa patuloy na paggamit ng mga salitang ito, unti-
unting nakakalimutan ng mga Pilipino ang tunay at orihinal na pananalita ng wikang Filipino. Karamihan
din sa mga kabataan ngayon ay nahihirapan na magsalita sa sariling wika dahil nakasanayan na nila ang
paggamit ng conyo o taglish. Malaki ang impluwensya ng mass media dito dahil madalas na pinapalabas
sa telebisyon ay pinaghalong Tagalog at English. Gayundin sa mga nakikita natin sa social media. Bukod
dito, ang mga bata sa kasalukuyang panahon ay tinuturuan din na magsalita ng Ingles sa kanilang
tahanan. Malaking impluwensya ang sambahayan sa paghubog ng isang indibidwal dahil dito unang
natututo ang bata sa pakikipag-ugnay sa kanyang paligid.

Sa estado ng lipunan ngayon, mahahalata ang napakabilis na pagbabago at pag-unlad.


Nararamdaman natin ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga tao noon kumpara sa pamumuhay ng
mga tao ngayon. Mula sa kilos, pananamit, pagkain hanggang sa wika at mga salitang ginagamit araw-
araw. Batid natin lahat na karamihan sa mga Pilipino ay mas tinatangkilik ang mga gawain at kilos ng
mga banyagang bansa. Dahil dito, naaapektuhan ang wikang Pambansa dahil mas ginagamit natin ang
wikang banyaga kaysa sa sariling wika upang makaangkop sa iba’t ibang parte ng mundo at sumabay
sa mga “trends”.

Masyado tayong abala sa pagtuklas ng mga bagay na nasa labas nang hindi namamalayan na
unti-unting naaabandona ang sariling tradisyon, kultura at wika. Kung tutuusin, ang wikang Filipino ay
natatangi kung ikukumpara sa ibang wika. Sadyang napakasarap pakinggan nito kung gagamitin lang sa
tamang paraan. Ang problema kasi natin, mga Pilipino, ay napakadali para sa atin na makita ang
kagandahan ng ibang bansa ngunit pagdating sa bansang kinagisnan, tayo ay bulag. Binulag tayo sa mga
magagandang bagay ng ibang bansa na dumating sa punto na hindi na natin nakikita ang kagandahan
ng bansang Pilipinas. Aminin man natin o hindi, ito ang realidad. Para tayong nagmahal ng hindi natin
kakilala pero pagdating naman sa kadugo, kay hirap-hirap mahalin. Kaya nasaan ang “sense of
nationalism”? Napapa-isip ako minsan kung mayroon pa ba tayo niyan dahil sa nakikita ko sa
kasalukuyan parang hindi na natin alam kung sino talaga tayo.
Sa mga kabataan katulad ko o kung sino man ang nagbabasa nito, sana magkaroon ka ng lakas
ng loob na tumayo at ipaglaban ang ating bansa, ang ating sariling wika. Ito lamang ang
makakapagpahayag ng tunay na niloloob at mga emosyon natin, ang makakapagpaisa sa bawat Pilipino
at lalong-lalo ito ay makakapagsabi kung sino talaga tayo. Ang wika ay nakatali sa ating kultura. Kaya
lang malabo na rin ang ating “cultural identity” dahil sa impluwensya ng kanluraning kultura. Kung lahi
naman ang pag-uusapan, ang ating hitsura ay walang kaibahan sa mga tao sa ibang bansa sa Asya. Kaya
ang lenggwahe lamang ang malinaw na batayan ng pagiging isang bansa natin. Kahit na Ingles ang
“lingua franca” ng buong mundo, kailangan pa rin natin ang sariling wika. Sa wika makikita ang
pagkakaiba natin sa ibang tao sa mundo dahil maaaring ibahin o baguhin man ang kulay ng ating balat,
ang anyo ng ating mukha at kahit na ang hugis ng ating katawan, ang wika ay lumulutaw pa rin. Ang
wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng ating damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa
kaya’t kailangan natin itong bigyan ng pagpapahalaga. Paano nalang kung tuluyan natin makalimutan
ang ating wika? Parang kinalimutan na rin natin ang pagiging Pilipino. Isipin mo, paano kung sampung
taon mula ngayon , tuluyan na nga itong makalimutan. Ano at sino nalang ang maaasahan ng mga
sususunod na henerasyon? Ni hindi man lang nila malalaman ang identidad nila bilang Pilipino. Hindi
man lang sila mabigyan ng pagkakataon na malaman ang sariling wika at makaranas sa napakagandang
kultura ng ating bansa. “Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan”, isang sikat na linya ng ating
Pambansang Bayani na si Jose Rizal. Kahit paulit-ulit natin ito naririnig, hindi pa rin ito tuluyang tumatak
sa isipin ng marami. Ang kabataan nga ang pag-asa ng ating bayan, pero nasaan na sila ngayon? Nasaan
na tayo? Nasaan tayo nung kinailangang ipaglaban ang ating bansa? Dapat mabigyan natin ng hustisya
ang kasabihan na ito at wag isang walang bahala lamang. Dapat tayo ang gagawa ng unang hakbang
tungo sa pagbabago dahil ang mga kabataan ang may malaking impluwensya sa mundo na meron tayo
ngayon. Yakapin ang ating kultura, yakapin ang ating wika sapagkat ito ang ating pagkakakilanlan, saan
man tayo magpunta.

Pagbabago. Isang salita na hindi natin maiiwasan. Handa man tayo o hindi, nangyayari ito. May
mga tao na gustong umunlad sa pagbabago pero nararapat ba talagang humingi nito? Kailangan ba?
Change can either make or break you but If it means saving our identity, then yes. If change destroyed
our country, then let change bring it back.

Pamantayan Di Gaanong Mahusay Teacher’s


Napakamahusay Mahusay Di Mahusay Rating
Nilalaman Epektibong ang paraan ng Angkop ang mga Kakikitaan ng Hindi epektibong ang
(40%) panghihikayat gamit ng iba’t ideyang inilahad sa kakulangan sa mga ideya mga ideyang ginamit sa
ibang ideya tumatalakay sa kahalagahan ng at hindi masyadong panghihikayat sa mga
kahalagahan ng wika wikang Pambansa nangungumbinsi sa mambabasa.
Pambansa. (16.8pts.) kahalagahan ng wika. (10.4 pts)
(20 pts.) (12.8 pts.)
Organisasyon Epektibong nauunawaan, Maayos ang Hindi gaanong Hindi nauunawaan ang
(30%) may kaisahan at pagkasunod-sunod ng nauunawaan ang daloy daloy ng mga ideya
komprehensibo ang mga mga ideya ng mga ideya (7.8 pts.)
ideyang inilahad (12.6 pts.) (9.6 pts.)
(15 pts.)
Malikhain Napakamasining ang paraan Angkop ang mga Hindi gaanong masining Hindi kakikitaan ng
(20%) ng paglalahad ng kaisipan o ginamit na imahe o o malikhain ang paraan pagkamalikhain sa
ideya ng sanaysay simbolismo. ng paglalahad. paraan ng paglalahad ng
(10 pts.) (8.4 pts.) (6.4pts.) sanaysay..
(5.2pts.)
Gramatika Walang kamalian sa May isa hanggang May apat hanggang Higit sa siyam ang
(10%) gramatika tatlong kamalian walong kamalian kamalian sa gramatika.
(5 pts.) (4.2 pts.) (3.2 pts.) (2.6 pts.)

You might also like