You are on page 1of 4

Learning Area: Filipino 7

Petsa:
Seksiyon:

I. Pamantayang Pangnilalaman:

 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra maestro
sa Panitikang Pilipino

Pamantayang Pagganap:

 Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong


naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
Kasanayang Pampagkatuto (Domain): Pagsulat

Layunin:
(F7PN-IIc-d-8) Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad sa naging damdamin ng
isang tauhan sa akda.

II. NILALAMAN:
Panitikan: Ibong Adarna

KAGAMITANG PANTURO:
Sanggunian: Supplemental Book, Kalinangan 7, Panitikang Rehiyunal
Kagamitan ng mga mag-aaral: Kalinangan 7
Kagamitan ng Guro: Competency Guide, cartolina, aktibi sheets, slide presentation, speaker

III. PAMAMARAAN:
Pang-araw-araw na Gawain

- Pagpulot ng mga nagkalat na basura at pagsasaayos ng mga silya


- Pambungad na panalangin
- Pagbati
- Pagtala sa mga lumiban
- Mga Paalala (S-umunod sa panuto T-umayo kapag sasagot A-lamin ang aralin R-espeto sa sumasagot)

A. Pagsasanay/Drill: Pagkilala sa mga pangunahing tauhan ng Ibong Adarna (E-Learning)

B. Pagbabalik-Aral
TRIVIA!
1. Saan ba makikita ang mga tauhang inyong tinukoy sa unang gawain?
Alam niyo ba kung
2. Pumili kayo ng isang tauhan at ilarawan kung ano ang kanilang katangian. ilang ibon ang
makikita sa mundo?
TRIVIA!
Sagot: 400 Billion
Ilang species ng mga ibon ang makikita sa Tanong:
buong mundo? Paano ba natin sila mapangangalagaan?
Sagot: 18, 000 species
C. Pagganyak:
(TELESERYE HUNT)
Magkakaroon ng laro sa klase kung saan huhulaan ng bawat pangkat ang pamagat ng
teleserye ng mga sumusunod na artista at hahanapin ito sa word puzzle. Ang pangkat na may
pinakamaraming mahuhulaan ang siyang tatanghaling panalo.

P A T R I C H A A N N E
M A R A C L A R A B I G
E N I M N O L E R F D H
F G J A R E F F A O E I
G A X S M A S S K R F D
G K E T W O I I E E G E
H O N E R W S F L V E F
I S R O I G T G B E F G
J A M W I T E H O R G E
I Y I G O I R I D M E F
G R E A T E S T L O V E

Maria Clara Doble Kara

Half Sisters The Greatest Love

Gabay na Tanong:
1. Ilarawan ang mga tauhan sa mga teleseryeng ito.
2. Ilan kayong magkakapatid?
3. Ano ang inyong mga edad?
4. Ano ang pangkalahatang paksa ng mga panoorin?

D. Paglalahad/Pagtalakay

PAGHAHAWAN NG BALAKID

Inggit Galit Sakit Takot Yabang


Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang sa pangungusap.
1. Umalis ng bahay si Ana dahil sa tindi ng _____ niya sa kaniyang kapatid ng sinabihan siya
ng masasakit na salita.
2. Kinuha ni Ben ang damit ng kaniyang kapatid dahil sa ______.
3. Umiyak si Ronald dahil sa tindi ng _____.

Gabay na mga Katanungan

1. Ano ang kasamaan ang binalak ng magkapatid kay Don Juan? Bakit nila nagawa ang bagay
na iyon?
2. Nakaranas na rin ba kayo ng pagtataksil sa inyong buhay?
3. Ano ang naramdaman ninyo sa pagtataksil na ginawa sa inyo?
4. Sa inyong palagay , tama ba ang ginawa nila sa kapatid sa bunso? Patunayan
5. Halimbawang mangyari sa iyo ang sinapit sa inyo ni Don Juan, ano ang gagawin mo?

Gawain:

1. Ipapakita ng guro sa mga mag-aaral ang isang video ng Ibong Adarna na naglalaman ng
pagtataksil ng mga kapatid ni Don Juan.
2. Dalawang beses lamang itong ipaparinig ng guro upang masukat ang kanilang kakayahan
sa pag-unawa sa napakinggan.
3. Bago magsisimula ay may inihandang mga gabay na mga katanungan ang guro upang
magsilbing patnubay ng mga mag-aaral sa pakikinig.
4. Pagkatapos ng pakikinig ang sabay-sabay na tatalakayin ng klase ang mga sagot sa mga
ibinigay na gabay na katanungan.

E. Pagsusuri
Gabay na mga Katanungan

1. Ano ang kasamaan ang binalak ng magkapatid kay Don Juan? Bakit nila nagawa ang bagay
na iyon?
2. Nakaranas na rin ba kayo ng pagtataksil sa inyong buhay?
3. Ano ang naramdaman ninyo sa pagtataksil na ginawa sa inyo?
4. Sa inyong palagay , tama ba ang ginawa nila sa kapatid sa bunso? Patunayan
5. Halimbawang mangyari sa iyo ang sinapit sa inyo ni Don Juan, ano ang gagawin mo?

F. Paglalapat
Pangkatang Gawain:

Mekaniks:

1. Papangkatin ng guro ang klase sa tatlong pangkat nang pantay-pantay.


2. Bawat pangkat ay pipili ng isang lider, tagapamayapa at taga-ulat sa kanilang mga
miyembro.
3. Pupunta ang bawat lider ng pangkat sa harapan upang kunin ang kanilang mga envelope
na naglalaman ng kanilang iba’t ibang gawain.
4. Bibigyan lamang sila ng walong (8) minuto upang matapos ang kanilang gawain.
5. Pagkatapos ng walong (8) minuto ay magkakaroon ng pag-uulat sa bawat pangkat
tungkol sa kanilang mga ginawa.
6. Ang bawat pangkat ay ang siyang magpapasiya at magbibigay ng hatol sa bawat pangkat
batay sa rubriks na ginamit.

RUBRIKS
Nilalaman- 50%
Presentasyon- 20%
Kaangkupan- 25%
Kabuuan- 100%
Unang Pangkat- Sumulat ng isang iskrip na naglalaman ng isang
sitwasyon patungkol sa damdamin ng mga
magkakapatid at paano ito susulusyunan.

Ikalawang Pangkat- Gumawa ng isang maikling dula tungkol sa


damdaming napanood na mga pangyayari sa Ibong
Adarna.

Ikatlong Pangkat- Bumuo ng isang komiks ayon sa pagkakasunod-sunod


ng mga pangyayari at batay sa damdaming
nangingibabaw sa mga kabanata..

G. Paglalahat
1. Ano ba ang naging suliranin sa kabanatang ipinalabas sa Ibong Adarna?
2. Naranasan niyo na rin ba ang pagtaksilan ng sariling kapatid o kayo mismo ang gumawa ng
pagtataksil sa kanila?
3. Sa papaanong paraan niyo ito nilutas o sinolusyunan?

IV. Pagtataya

RUBRIKS
Nilalaman- 40%
Pagkamalikhain- 20%
Kaangkupan- 20%
Kalinisan- 10%
Kabuuan- 100%

1. Pumili kayo ng isang tauhan sa kabanata ng Ibong Adarna na sa tingin ninyo ay may
pagkakatulad din sa inyong damdamin.
2. Maari ninyo itong isulat sa pamamagitan ng paggawa ng isang kanta, tula, o sanaysay.

V. Takdang-Aralin

 Gumawa ng isang liham patungkol sa pagmamahal ninyo sa inyong kapatid. Isulat ito
sa isang bond paper. Kung wala kayong kapatid ay maaring sa inyong mga pinsan na
lamang na itinuturi ninyong kapatid.

You might also like