You are on page 1of 4

LESSON PLAN

#39 March 03, 2017

KINDERGARTEN

Curricular Theme: People Go to Places


Nakapaglalayag ang tao gamit ang iba't-ibang uri ng sasakyang panghimpapawId, panlupa
at pantubig.

Meeting Time 1:
Layunin:
1. Makapagdasal nang maayos.
2. Maisagawa ang circle time- pag-awit. SEKPSE-If-2, LLKOL Ia-2
3. Masabi ang ngalan ng araw kahapon, ngayon at bukas. MKME-00-8
4. Masabi ang ngalan ng buwan, petsa at taon. SEKPSE-If-2SKMP-00-9
5. Masasabi ang uri ng panahon. KPKPF-Ia-2
6. Mabilang ang mga babae at lalaking pumasok/lumiban. MKSC-00-12
7. Matalakay ang Talaan ng mga Gawain.
8. Matalakay ang mensahe sa araw na ito.
*Mensahe:
Nakapaglalayag ang tao gamit ang iba't-ibang uri ng sasakyang panghimpapawid.
Ang mga tao ay nagtatrabaho btay sa ating serbisyong pantransportasyon. Tayo ay may
sinusunod na patakaran sa paglalakbay.

*Mga Kagamitan: Tsart ng Talarawan, Talaan ng Pumasok, Job Chart

Pamamaraan:
1. Pagdarasal
2. Pagsasagawa ng Circle Time- Pag-awit
3. Pagsasabi ng ngalan ng araw kahapon, ngayon at bukas.
4. Pagsasabi ng ngalan ng buwan, petsa at taon.
5. Pagtatalakay o pagsasabi ng uri ng panahon.
6. Pagbilang sa mga lalaki at babaeng pumasok.
7. Pagtatalakay sa mensahe. Pagpapakita ng larawan upang maintindihan ng mga bata ang aralin.
Pagtatanong tungkol sa mensahe.

*Work Period 1
#1: MY BOOK OF VEHICLE
Layunin: Pagbuo ng puzzle. KPKFM-001.5
Kagamitan: larawan ng mga sasakyan, gunting at pandikit
Pamamaraan:
Gumupit ng larawan ng barko, kotse, bus, eroplano. Idikit ito sa isang malinis na coupon bond.
#2: WHEEL SEQUENCE
Layunin:
Kagamitan: larawan ng sasakyan at name cards
Pamamaraan:
Alamin ang mga pangalan ng mga sasakyan at pagtapat-tapatin ang mga ito sa bawat pangalan.

#3: PLAYDOUGH
Layunin: Nakalilikha ng modelo ng sasakyan gamit ang luwad.
Kagamitan: luwad
Pamamaraan:
Magmolde ng sasakyang pantransportasyon gamit ang luwad.

#4: TRANSPORTATION WORD SORT


Layunin: Natutukoy ang mga uri ng sasakyan.
Kagamitan: Word cards
Pamamaraan:
Ilagay ang mga word cards sa ibabaw ng mesa. Tukuyin ang mga uri ng sasakyan batay sa
kanilang gamit: lupa, dagat at himpapawid.

#5: PICTURE SORTING (DIFERENT TYPES OF VEHICLES)


Layunin: Nakikilala ang iba't-ibang uri ng sasakyan.
Kagamitan: Picture cards
Pamamaraan:
Pagsamasamahin ang mga larawan ng sasakyan batay sa gamit nito: pandagat, panghimpapawid
at panlupa.

*Meeting Time 2
Pagpapakilala ng "Twinkle, twinkle Traffic Light"
(Tune: Twinkle, Twinkle Little Star)
Twinkle, twinkle trafic light
Standing on the corner bright.
Green means go, we all know
Yellow means wait, even if you're late.
Red means stop
Twinkle, twinkle, traffic light
Standing on the corner bright.

SUPERVISED RECESS
Layunin: Naipapakita ang wastong gawi sa pagkain.
Pamamaraan:
1. Paghahanda ng mesa.
2. Paghahanda ng pagkain
3. Pagdarasal bago kumain
4. Pagpapaalala sa mga bata ng wastong pagliligpit ng mesa pagkatapos kumain.
STORY TIME
Layunin: Nasisiyahan sa pakikinig ng kwento nang may kawilihan.
*ANG BISIKLETA NI MOMON*

*WORK PERIOD 2
#1: Hand Game
Layunin: Nakabubuo ng iba't-ibang kombinasyon para mabuo ang hinihinging bilang.
Kagamitan: Kahit anong uri ng pambilang.
Pamamaraan:
Pagbukod-bukurin ang mga pambilanh sa iba't-ibang gawi at iakto ang resulta ng kombinasyon.

#2: BLOCK PLAY


Layunin: Natututunan ang mga kakayahan ng mgabay na may tatlomg dimensyon.
Nauunawan ang kaugnay ng mga bagay sa isa't-isa.
Makabubuo ng isang istruktura gamit ang blocks.
Kagamitan: Blocks
Pamamaraan:
Bumuo ng sasakyang ginagamit pantransportasyon gamit ang mga blocks.

#3: NUMBER TRAIN GRAPH


Layunin: Nasasanay ang kakayahan sa pagdadagdag.
Kagamitan: papel
Pamamaraan:
Susubukang hanapin ng mga bata ang lahat na maaring ayos para makagawa nv kombinasyon
hanggang sampu.

#4: SHARK ATACK


Layunin: Pagkukumpara ng dalawang grupo ng bagaykung ito ay (>) less than, (<) greater than o (=)
equal.
Kagamitan: Number Cards, cube
Pamamaraan:
Ikumpara ang dalawang number cards at alamin kung ito ay greater than, les than, o equal.
Gamitin ang cube sa pagkuha ng simbolo.

#5: HANDS DOWN, KITES UP


Layunin: Natutukoy ang sukat ng isang bagay.
Kagamitan: Coloured paper, pencil, yarn, gunting, tape/stapler
Pamamaraan:
Bigyan ng coloured paper, gunting, tali at tape. Kukunin ng mga bata ang sukat ng kanilang
kamay sa pamamagitan ng pagguhit. Lagyan ng tali ang gilid ng outline ng kamay at gupitin.

INDOOR/OUTDOOR ACTIVITY
HOT CARS
Ang mga bata ay bibilog at magpapasa ng toy car. Ipaikot ang laruan kasabay ng tugtog at
kapag tumigil ito, upo ang batang naabutan ng laruan. Ideretso ang laro hangang sa wala ng batang
nakatayo.

*Meeting Time 3
Nasiyahan ba kayo sa ating ginawa? Bakit?
Nagustuhan niyo ba ang mga ginawa natin?
Ano-ano naman ang mga nagustuhan ninyo sa mga ginawa natin sa araw na ito?

*Pagliligpit ng mga gamit.


*Panalangin pagkatapos ng klase.

Mrs. Celine B. De Guzman


-Cooperating Teacher-

Tizon, Emie Rose B.


-Practice Teacher-

You might also like