You are on page 1of 2

Project TrYVE Inilunsad.

Ang kagandahang asal ay isang maituturing na isang kayamanan na hindi makukuha o mananakaw nino
man dahil ito’y nasa puso at kalooban ng isang indibidwal. Ito ay natural na lumalabas sa ating mga
gawa, pakikisalamuha sa ating kapwa o kung paano tayo makiharap sa iba, maaaring sa ating mga
magulang o kamag-anak, mga kaibigan o sa kahit hindi natin mga kakilala. At ang mabuting asal o ugali
ay maaari nating magaya o pamarisan na tunay na kaigaigaya na makikita sa atin ng iba.
Kayat ang Department of Education, School Division of Bulacan na sa pamamagitan ng Curriculum
Implementation Division ay nagsagawa ng paglulunsad ng project TrYVE.
Kaisa ang ating paaralan Sta.Catalina Matanda Elementary School na maglulunsad ng project TrYVE
(Transforming the Youth Values Education) na sa pamamagitan ng mga aktwal aktibidad sa pag aaral ng
mga mag-aaral na makatutulong na makahubog ng mabuting karakter, na sa kasalukuyang henerasyon ng
mga kabataan na nakatutok higit sa mga makabagong gadget ay unti -unti ring nakikitaan ng pagbabago
sa kabutihang asal at gawi.
TrYVE ang ibig sabihin ay lumago, umunlad bilang isang organisasyong nailalarawan sa pamamagitan ng
pakiramdam, ng pagkakaisa at pagkakakilanlan. Ang kulay ng mga letrang Tr ay luntian na kumakatawan
sa pagiging Maka-kalikasan, ang VE ay bughaw na kumakatawan sa pagiging Maka-Diyos, at ang letrang
Y ay pagbubuklod, pagkakaisa na kumakatawan bilang Maka-Bansa at Maka-Tao.
Nakasama sa konsepto ng proyektong ito ang AVAM(A Value A Month) na may ibat ibang aktibidad
bawat linggo na maaaring maipakita ng mga bata ang kanilang mga kakayahan sa paglikha at pagkatha sa
mga aktibidad na kanilang gagawin ayon sa AVAM.
At hindi lang mag aaral pati mga magulang ay magkakaroon din ng Value Education at ito ay gagawin
tuwing PTA miting. At para sa mga guro ay magkakaroon naman ng Value Integration sa lahat ng Learning
Areas.
Kaya’t tarang makibahagi at maging intrumento sa Project TrYVE.

You might also like