You are on page 1of 17

KABANATA III

METODOLOHIYA
Metodolohiya ng Pananaliksik
•ito ay isang sistematikong
kalipunan ng mga metodo o
pamamaraan at proseso ng
imbestigasyon na ginagamit
sa pangangalap ng datos ng
isang pananaliksik.
Mga bahagi ng Kabanata III
•Disenyo ng Pananaliksik
•Instrumento ng Pananaliksik
•Paraan sa Pangangalap ng
Datos
•Istatistikal Tritment ng Datos
Disenyo ng Pananaliksik

•Tinatalakay nito ang uri ng


pananaliksik na gamit (deskriptibo,
analitikal, eksperimental, case
study, komparatibo, ebalwatibo,
kwalitatibo, at iba pa.)
Mga Pangunahing Disenyo
ng Pananaliksik
• Palarawang Pananaliksik o Deskriptibo
-Ang mga kaganapan sa pag-aaral na
ginagamitan ng palarawang pananaliksik ay
kinapapalooban ng pagtatala, paglalarawan,
pagpapakahulugan, pagsusuri at
paghahambing. Layunin ng ganitong disenyo
na sistematikong mailarawan ang sitwasyon at
kondisyon nang makatotohanan at buong
katiyakan. Ito ay binubuo ng obserbasyon,
pagsasagawa g sarbey, panayam, standardized
tests at case study.
•Pananaliksik na Historikal
-Ang pokus sa ganitong disenyo ay sa pag-
aaral sa mga nakaraang pangyayari na
iniuugnay sa pangkasalukuyan at
panghinaharap na panahon. Layunin
nitong maitama o maiayos ang mga
pangyayari mula sa nakaraan patungo sa
kasalukuyan at sa hinaharap.
Pananaliksik Ekspiremental

•Ang disenyong ito ay


tumutukoy sa kaugnayan ng
sanhi at bunga ng isang
baryabol.
Instrumento ng Pananaliksik

•Inilalahad dito ang bahaging


nakapaloob sa instrumento
(kwestyuner, maging
interbyu/ pakikipanayam na
isasagawa)
5 Paraan sa Paglikom ng Datos
1. Pagmamasid o obserbasyon
-Ang mga mananaliksik ay nagmamasid
sa lugar ng kaniyang pananaliksik. Ang
pamamaraang ito ay maaaring gamitin
sa mga imbestigasyong palarawan o
eksperimental, ngunit hindi sa pag-aaral
na pangkasaysayan.
2. Pakikipanayam o interbyu

-Kawili-wili
at kapanapanabik na
gawain ng pagkuha ng mga
impormasyon sa tulong ng
pagtatanong sa mga tao o awtoridad
na may kinalaman o may malaking
maitutulong sa ginagawang
pananaliksik.
3. Talatanungan/ Kwestyuner

• Ang talatanungan ay kailangang


maikli hangga;t maaari, naglalaman
ng mahalagang paksa, tama ang
pagkakabubuo ng mga
pangungusap, simple, at hindi
maligoy at abot sa pang-unawa ng
respondente, malinis at presentable.
2 uri ng tanong

• Bukas na talatanungan
• binubuo lamang ng tiyak na
katanungan
2 uri ng tanong

•Saradong talatanungan
-kadalasang ginagamit dahil ang
bawat tanong na nakasulat dito
ay may kalakip na mga sagot na
pagpipilian ng mga kalahok.
Paraan sa Pangangalap ng Datos

•Inilalahad dito ang


hakbang na isinagawa-
kung paano at bakit
ginawa ang bawat
hakbang
Istatistikal Tritment ng Datos

• Inilalahad ang mga istatistikal na


paraan na gamit sa paglalarawan ng
mga numero “figures” ay ginagawa rito
upang ang numerical na datos ay
mailarawan. Kumukunsulta sa mga
istatistisyan sa bagay na ito upang
matanto ang uri ng istatistiks na dapat
gamitin sa pag-aaral.

You might also like