You are on page 1of 8

MODULE 1:

Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino


Apat na Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik:

1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang
ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring
panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng
kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik.
-Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa
pananaliksik sa paksa.

2. Gamit Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman


at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.

3. Metodo Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa


piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng
sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang
paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal,
komparatib, at iba pa.

4. Etika Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't


ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo
sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang
Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga
nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan.

Ilan sa mahahalagang prinsipyong:


1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik.
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok.
3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.
4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik.

MODULE 2
1. Balangkas Teoretikal - ay mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang o disiplina
na subók na at may balidasyon ng mga pantas.
2. Balangkas Konseptuwal - ay mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol ng
pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik
3. Datos Empirikal - ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa
pangangalap ng datos
DATOS EMPIRIKAL
Ang datos empirical ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon
ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o
ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa pagsusuri at maaaring mapatunayan
na totoo o hindi, makabuluhan o hindi.
TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL
1. Tekstuwal. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata.
2. Tabular. Paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan.
3. Grapikal. Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon
katulad ng line graph, pie graph, at bar graph.
-Line Graph. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol
o numero sa haba ng panahon.
-Pie Graph. Isang bílog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita
ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng
iyong pag-aaral.
-Bar Graph. Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkahiwalay at ipinaghahambing.
MODULE 3:
Pagpili ng Paksa
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa
1. Sa kasalukuyang panahon
2. Ang Telebisyon
3. Diyaryo at Magasin.
4. Mga Pangyayari sa iyong paligid.
5. Sa sarili.

Gámit ng Panaliksik sa Akademikong Gawain


Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon
kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin
ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip
na manlibang lámang.
Pagbuo ng Akademikong Pagsulat
Nakadepende sa kritikal na pagbása ng isang indibidwal (Arogante et al.
2007)
Husay ng manunulat na:
-mangalap ng mahahalagang datos -mahusay magsuri
-mag-organisa ng mga idea -orihinalidad na gawa
-lohikal mag-isip -may inobasyon
-kakayahang gumawa ng sintesis

Etika at Pananaliksik
ETIKA-Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto
at naaayon sa pamantayan ng nakararami.
Kawalan ng etika sa Panaliksik
1. Pagpapasagot sa sarbey nang hindi ipinapaalam sa respondent kung
tungkol saan ang saliksik.
2. Pagtatanong sa mga mag-aaral kaugnay sa kanilang seksuwal na
gawain.
3. Paglalathala ng mga datos na tumutukoy sa personal na resulta ng
panayam o sarbey ng grupo ng mga impormante.

Komponent ng Etika sa Pananaliksik


1. Pagprotekta sa kaligtasan ng mga respondent.
2. Pag-iingat sa mga personal na datos
3. Pag-iwas sa desepsiyon o hindi pagsasabi ng totoo
4. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga bata bílang respondent ng
saliksik
pananaliksik

Metodo o Pamamaraan
Ito ang ikalawang kabanata o tsapter sa mga sulating pananliksik. Nakapaloob
dito ang mga sumusunod na mahahalagang bahagi:

A. Disenyo ng Pag-aaral
Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo sa pagsasagawa ng
pananaliksik na maaaring palarawan, historical, o kayâ’y eksperimental.
Mga uri ng pananliksik:

1. Pananaliksik na Eksperimental
Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang ianaasahang resulta
Binibiyang- pansin ang mga posibleng dahilan na maaaring tumugon sa
suliranin

2. Korelasyonal na Pananaliksik
Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang Makita ang implikasyon
nitó at epekto sa isa’t isa
Makatutulong para magkaroon ng prediksiyon sa kalalabasan ng
pananaliksik

3. Pananaliksik na Hambing-Sanhi
Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao

4. Sarbey na Pananaliksik
Pagpapayaman at pagpaparami ng datos

5. Etnograpikong Pananaliksik
Kultural na pananaliksik

6. Historikal na Pananaliksik
Pagtuon sa nagdaang pangyayari
Magpabatid ng katotohanan ng nakalipas na pangyayari

7. Kilos-saliksik (Action Research)


Benepisyal
May suliraning kailangang tugunan
Nagbibigay ng solusyon

8. Deskriptibong Pananaliksik
Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa
Pinakagamiting uri ng pananaliksik

Uri ng Pananaliksik Batay sa Klase ng Pagsisiwalat ng Datos


1. Kuwantiteytib- Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istadistikal na
datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o
isyu na pinag-aaralan.
2. Kuwaliteytib- Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao
sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numerikong
pamamamaraan upang makita ang magkakaibang realidad ng paksa o isyu na
pinag-aaralan.

B. Mga Kalahok at Sampling


Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bílang ng mga kasangkot sa pag-
aaral, tiyak na lugar, at ang hangganan ng kaniyang paksang tatalakayin sa
pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.

Mga Estratehiya sa Sampling (Pagsasampol


Pagkuha ng Random o Random Sampling
Pagkuha ng Nonrandom o Non-random Sampling
Random Sampling- Ang bawat miyembro ay mayroong pantay na pagkakataon
upang mapili (EQUIPROBABILITY) at maging bahagi ng gagawing sampol ng pag-
aaral
Uri ng Random Sampling:
Simple Random Sampling
Stratified Random Sampling
Cluster Random Sampling
1. Simple Random- ang bawat miyembro ng populasyon ay may pantay na
pagkakataon na magsilbing sampol
2. Stratified Sampling-Pagpili na ang mga tiyak na subgroup ay magkakaroon
ng sapat na bílang ng mga kinatawan sa loob ng sampol
3. Sampling na Klaster- Tinatawag ding “Area Sampling”. Pumipili ng mga
myembro ng sampol nang pa-klaster kaysa gumamit ng hiwalay na mga
indibidwal.
Klaster na grupo – grupong may magkakatulad na katangian.

Nonrandom Sampling:
Systematic Sampling
Convenience Sampling
Purposive Sampling
1. Sistematikong Sampling- Plano para sa pagpili ng mga miyembro matapos
na mapili nang pa-random ang panimula.
2. Convenience Sampling- Batay sa kaluwagan ng mananaliksik o ang
accessibility nitó sa nagsasaliksik
3. Purposive Sampling- Ginagamit batay sa paghuhusga at kaalaman ng
mananaliksik upang makuha ang representiveness ng populasyon

C. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos


Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng
pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit upang matugunan ang mga
suliraning ipinahayag sa pag-aaral.

Sa pangangalap ng datos, may tatlong pangunahing ginagamit:


1. Talatanungan
Ang talatatanungan ay ginagamit ng mga mananaliksik kung saan ay
isinusulat ang mga tanong na pinasasagutan sa mga respondente. pinakamadaling
paraan sa pangagalap ng datos.
Open-ended na talatanungan- Ang mga respondent ay malaya sa pagsagot.
Close-ended na talatanungan- Uri ng talatanungan ng may pagpipilian

2. Ang pakikipanayam
Ito ay maisasagawa kung possible ang inter-aksiyong personal.May dalawang
uri ito.
Binalangkas na pakikipanayam o structured interview
Di-binalangkas na pakikipanayam o unstructured interview

3. ObserbasyonKinapapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong


pinag-aaralan.
May dalawang uri ito:
Di-pormal na obserbasyon- Itinatala lamang ang mga napag-usapan at
walang limitasyon sa mga impormasyon.
Pormal na imbestigasyon o structured observation- Itinatala rito kung ano
lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay
binalangkas.

D. Paraan ng pangagalalap ng datos


Dito ipinapaliwanag kung paano ang pangangalap ng mga impormasyong
ginamit.
Pangunahing Mapagkukuhanan ng Datos
1. Opinyon ng mga EKSPERTO
2. Pagkonsulta sa mga AKLAT at ARTIKULO
3. OBSERBASYON sa mga karanasan
4. SARILING paniniwala

a. Kahusayan sa pagsubok- Isinasaad kung paano gagawin para masubok ang


Reliability ng pag-aaral.
b. Pagsusuri ng mga Datos- Tinatawag din itong pag-aanalisa ng mga datos. Sa

Talaan ng Sanggunian/ Bibliyograpiya


Talâng Parentetikal/ Dokumentasyong Parentetikal
a. APA – American Psychological Association, ang estilong APA ay kadalasang
ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa larangan ng sikolohiya,
medisina, agham panlipunan, at iba pang mga teknolohikal na larangan.
b. MLA – Modern Language Association, karaniwang ginagamit sa mga
akademiko at iskolarling papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng
Humanidades.

DALAWANG (2) URI NG PAGTATALÂ NG MGA IMPORMSYON O DATOS


1. Tuwirang Sipi - Ito ay eksakto o kompletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na
teksto.
2. Pabuod - Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mga
tekstong mahahaba.

PANANALIKSIKMga batayang impormasyon na kailangang matukoy sa


talasanggunian
a. Pangalan ng Awtor o mga awtor
b. Pamagat ng libro
c. Lugar ng publikasyon
d. Pablisher o tagalimbag
e. Petsa o Taon ng pagkalimbag
f. Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos


(primary sources) ay ang mga indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon/
asosasyon, samahan o kapisanan, pamilya, mga pampublikong kasulatan, o
dokumento at iba pa.
hanguang sekundarya naman ay: aklat tulad ng
diksyonaryo, ensayklopedya, taunang aklat, jornal, atlas, almanac. Mga lathalaing
artikulo gaya ng magasin, disertasyon, manuskrito, at iba pa.

May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid- aklatan.


Una, panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat,
bibliograpi, indeks, at hanguang elektroniko o internet.
Pangalawa, pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming, at
scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
Pangatlo, pagbabasá at pagtatalâ mula sa aklat, sanaysay, artikulo,
computer prinouts, at iba pang sanggunian.

Uri ng Kard katalog


a. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lámang sa
mananaliksik ay ang kaniyang paksang tatalakayin.
b. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may
naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kaniyang paksa
c. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa
tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kayâ parang
naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa iba.

MODULE 4:
A. Konsepto - Bílang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang
paghandaan ang pagbuo ng isang konsepto. Ang konsepto ay isang plano na
nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais
pagtuunan.

B. Konseptong Papel – Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang


pananaliksik. Isang kabuoang idea na nabuo mula sa isang framework o
balangkas ng paksang bubuoin.

C. Pangunahing bahagi ng konseptong papel


1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa - Narito ang tentatibong pamagat ng
pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa magiging pamagat
ng saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na
naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.
2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale) – Ito ang bahaging
nagsasaad sa kasaysayan o dahilan
3. Layunin – Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng
pananaliksik. Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik,
alalahaning balikan ang mga layunin at seguraduhing natupad o nagawa
ang mga ito.
Paano bumuo ng layunin?
a. Nakasaad sa paraang ipinapaliwanag o maliwanag na nakalahad kung
ano ang dapat gawin at paano ito gagawin
b. Makatotohanan o maisasagawa
c. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na
maaaring masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong sa
pananaliksik

4. Metodololohiya – Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng


mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa
pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
5. Inaasahang awtput o resulta – Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o
magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang
pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago
ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng
pagkalap ng datos.
6. Mga Sanggunian - Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng
paunang mga impormasyon, ang mga sangguniang maaaring magamit, at
nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.

You might also like