4. Instrumentasyon sa pagkalap ng datos (Data Gathering)
Sa bahagi namang ito, matutunghayan ang paraang ginamit ng mananaliksik upang makuha ang mga datos at impormasyon. May mga iba’t-ibang instrumento sa pagkalap ng datos, ito ay maaaring mula sa kapwa-tao, pagsusulit o eksaminasyon, talaan sa field work at rekorder. Sa pagkalap mula sa kapwa-tao ay kinakailangang may Inihanda ang mananaliksik ng talatanungan hinggil sa katanungang socio-demographic, kaalaman, persepsiyon, aktitude at iba pang variable. Gayon ding maghanda ang mananaliksik ng gabay na tanong kung ang gagawin ay interbyu. Sa pagsusulit o eksaminasyon naman ay naglalaman ng case study ng asal ng tao, mga sikolohikal na pagsusulit, pagtatasa sa kasanayan ng mga mag-aaral sa wika, at ang pagsulat ng sanaysay o pagtatalumpati na binibigyan ng karapatan iskor batay sa rubrik na ilalahad. Sa talaan sa field work naman ay nakapaloob ang iniisip, agam-agam, repleksiyon at napagtanto ng mananaliksik habang nangangalap ng datos sa isang lugar. Dito isinusulat ang mga obserbasyong hindi nakuha o nasagap sa rekorder o sa pagbeberipika ng impormasyon nakalap sa pagrerekord. Sa instrumento ng rekorder naman ay karaniwang inirerekord ang panayam sa tanong ng iniinterbyu. 4. Hakbang sa pagkalap ng datos( Data Gathering Procedure) Kung sa hakbang naman ng pagkalap ng datos ay may iba’t- ibang mga paraan katulad ng interbyu, sarbey at ekspiremento. Interbyu- Ito ay tumutukoy sa pormal na konsultasyon o pakikipag-panayam sa isang indibidwal o grupi ng mga tao upang makakalap ng impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay Sarbey-nilalaman nito ang mga importanteng mga tanong na nakabatay sa pananaliksik na gagawin. Ang mga katanungang ito ay binabahagi isang partikular na grupo o lugar upang maka kuha ng impormasyon. Eksperimento – Ito ay isang paraan ng pananaliksik na ang mga tagasaliksik mismo ang lilikha. Sila’y sumusunod ng isang proseso na kakasangkutan ng mga partikular na varialble o elemento para makakolekta ng mga mahahalagang datos. 6. Tritment ng nakalap na datos( Treatment of Data) Inilalahad dito ang pamamaraan ng komputasyon upang makuha ang pangwakas na datos ng pananaliksik, sa pagsusuri ng mga persepsiyon, mapaglarawang buod istatiktika, halimbawa ng porsyento ang ginamit upang pag-aralan at bigyang kahulugan ang datos na nakalap mula sa sarbey at talatanungan.