You are on page 1of 20

KABANATA IV

Noli de Castro, 9-Fahrenheit


BUOD
KABANATA

V
BUOD
Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na
iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa
kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata
tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay
napadako ang tingin nito sa durunguwan, at
sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang
nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago.
BUOD
Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng
bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at
tugtog ng mga orkestra.
Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap
uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak
nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng
kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring
malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat
ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara,
na nakasuot ng isang marangyang kasuotan at
napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto.
BUOD
Si Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang
buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga
magagandang dilag ay masayang masaya at
kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din
ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara.

Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon,


kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng
antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si
Maria Clara.
TALASA
LITAAN
KABANATA V
TALASALITAAN
➤ 1. Ngunit waring iba ang kanyang nakikita dahil sa
mga nagsasalimbayang isipang nagpapagulo sa
kanyang diwa.

a. Nag-uunahan
b. Naguguluhan
c. Nagsasapawan
d. Naglalabasan
TALASALITAAN
➤ 2.Mag-isa niyang tiniis sa dilim ng
mahalumigmig at mahabong piitang iyon.

a) Maalinsangan
b) Nagyeyelo
c) Haplos ng hangin
d) Malamig
TALASALITAAN
➤ 3. Nakatanikala at ang lahat ng dusa’t sakit ay
tinipon lamang sa dibdib.

a) Nakakabit
b) Nakaukit
c) Nakakadena
d) Nakasapit
TALASALITAAN
➤ 4.Siya na nagtatamasa ng kapurihan at
karangalan.

a) Nagmamay-ari
b) Tumatanggap
c) Nagtatago
d) Nagbibigay
TALASALITAAN
➤ 5. Sana’y nakita niya ang musa at paraluman ng kaniyang
diwa na si Maria Clara.

a) Pinakamagandang dilag sa lahat


b) Minamahal
c) Iniirog
d) Iniidolo
TALAKA
YAN
KABANATA V
TALAKAYAN

➤Bakitwalang tulog (at tila parang


pinagpapawisan habang nasa kama) si
Padre Salvi sa gabi ng pagdating ni Maria
Clara?
TALAKAYAN

➤ Tulad ng isinaad sa buod, si Padre Salvi ay may lihim na


pagtingin kay Maria Clara. Siya’y nabighani sa ganda at
ito’y tumatak sa kaniyang isipa kaya’t siya’y ‘di
makatulog sa gabi ng pagdating ng dalaga.
TALAKAYAN

➤ Saan nanuluyan si
Ibarra?
TALAKAYAN

➤ Sa Fonda de Lala (Manila)


TALAKAYAN

➤ Bonus: Bakit Padre Salvi ang ipinangalan


ni Rizal kay Padre Salvi?
TALAKAYAN

➤ Ipinaikli
ni Rizal ang salitang ‘Salvaje’ at ginawa
itong Salvi upang mabigyan ng hustisya ang ugali’t
pangalan ng Padre.
SIMBOLI
SMO
KABANATA V
SIMBOLISMO
Sa kabanatang ito ay maaaring personal na
karamdaman ni Rizal ang kanyang nais iparating. Ang
pangungulila ni Ibarra sa kanyang ama ay sumisimbolo
sa kanyang pangungulila sa kanyang pamilya
(nakakulong siya noong isinulat nita ito). Si Maria Clara
naman ay maaaring sumisimbulo sa kanyang
kasintahan.

You might also like