You are on page 1of 6

Noli Me Tangere

José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda


•BUOD NG KABANATA 5
Isang Tala sa Gabing Madilim
Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at
nanuluyan sa Fonda deLala. Sa kanyang silid ay
nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng
ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa
durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw
niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago.
Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob
ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at
kubyertos at tugtog ng mga orkestra.
Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay
nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating
ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung
kaya’t sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan,
kababata, mga Kastila at paring malalapit sa
ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay
nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria
Clara, na nakasuot ng isang marangyang
kasuotan at napapalamutian ng alahas na
diyamante at ginto.
Si Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang
buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga
magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang
palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang
paghanga sa kagandahan ni Maria Clara. Madaling
nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman
ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi
mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.

You might also like