You are on page 1of 11

NOLI ME TANGERE

Ni
Dr. Jose P. Rizal
KABANATA 5

Isang Bituin
Sa Gabing Madilim
BUOD
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa
Fonda de Lala. Kaagad na nagtuloy si Ibarra
sa kanyang silid at naupo sa isang silyon. Sa
sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito.
Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan
ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang
maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.
Naririnig niya ang kalansing ng mga
kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang
tugtugin ng orkestra.

Kung nagmasid lamang ng husto sa


bahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung
sinu-sino ang naroroon.
May isang magandang binibini na nababalot
ng manipis na habi,may suot na diyamante
at ginto. Sa likuran naman may mga anghel,
pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak.
Ang mga umpukan naman ng mga Kastila,
Pilipino, pari, Intsik, militar ay nakatuon lahat
sa kagandahan ni Maria Clara.
Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga,
maliban sa isang batang Pransiskano na
payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama.
Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap
sa mga dilag samantalang si Donya Victoria
ay matiyagang inaayos ang buhok ng
dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni
Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang
nakatulog at nagising kinabukasan na. Ang
tanging hindi inabot ng antok ay ang batang
Pransiskano.
TALASALITAAN
Pangitain
(larawan, alaala, isipan, bisyon)
Nakalulunos
(nakabibingi, nakahahabag, nakaiiyak,
naklulungkot)
Nagpapasasa
(nagsasaya, nagdiriwang, nagpapakasawa,
nagtatawanan)
Kawalang-malay
(kawalang-alam, walang sinabi,
pagkainosente, mahina ang ulo)
Beateryo
(paaralan, kumbento, ampunan, simbahan)
#Sagot
1) Bisyon
2) Nakahahabag
3) Nagpapakasawa
4) Pagkainosente
5) Kumbento
SWAGGER

You might also like