You are on page 1of 3

EL FILIBUSTERISMO

Pangalan: Joan L. Nieves


Taon/Pangkat: IV-Peridot
Kabanata:17
Pamagat: Ang Perya sa Quiapo

ANG PERYA SA QUIAPO

Masasabing ang buwan ng Enero ay napakaganda.Ang perya ay naglalaman ng mga


tugtugin at musikang nagmumula sa mga instrumentong tambol at gitara at maging sa
kalantog ng lata. Ang puso ni Padre Camorra ay napupunong kagalakan dahil sa mga
kadalagahang nakikita niya.May pagkakataong sinasadya nitong matalisod upang
makasagi ng dalaga at mahipo ang makikinis na balat .Sa pagdating ng isang magandang
babaeng nagngangalang Paulita na kasintahan naman ni Isagani,nakatawag angpansin ng
lahat dahil sa pagdating nito. Nalaman ng paring si Padre Camorra na nobyo nito ang
siyan nakaaway nila sa bapor.
Napatungo ang pari sa isang tindahan may nakikita itong isang larawan ng babae
na wari bay nakalupasay,sabukot ang buhok at marumi ang bukod sa gulanit at lumang
damit na suot.
May nakita naman silang lalaking nakagapos ang kamay,may piring at bantay ng
dalawang gwardiya sibil.Pinamagatan itong Ang Bayan ng Abaka.Dahil sa mga imahe
ng nakita nila.Nagtalo ang mga ito ukol sa mga lilok nagawa ng mga Indiyo.Kinalaunan
nagkasundo ang mga ito.Ang Mga Indiyo ay Likas na Mahilig sa Sining at
Paglililok.Pagkatapos noon tuluyan na silang lumabas sa okasyon.Nawala sa kanilang
paningin si Simoun.Hindi na nila ito nakita at nagkaroon ng kuru-kurong Baka Natakot
Matuklasan ang Lihim ng kaibigang si Mr. Leeds ang mga pandaraya nito.

EL FILIBUSTERISMO
Pangalan: Charlene Belardo
Taon/Pangkat: IV-Peridot
Kabanata:17
Pamagat: Ang Perya sa Quiapo

ANG PERYA SA QUIAPO

Masasabing ang buwan ng Enero ay napakaganda.Dahil ang perya ay


naglalaman ng mga musikang katulad ng Cosmorama at ang ilaw ng mga
parol na nagpapasigla sa bawat isa. May mga palamuti din itong katulad ng
orapel at mga pangkulay at mga kagamitang naaangkop sa perya.Labis ang
kagalakan ni Padre Camorra dahil sa mga kadalagahang naaaninag niya.Kung
minsay kunwariy natitisod ito upang masagi ang mga dalaga at
pinamumungayan ng mga mata.
May isang dalagang nakaagaw ng kanilang pansin at yon ay si Paulita
Gomez suot ang magara sa lahat kasama ang kanyang kasintahang si Isagani
na siyang nakaaway ni Padre Camorra sa bapor. Tila nayayamot si Isagani sa
bawat matang napapako sa kariktan ng kanyang minamahal.Nang makita
naman ni Juanito si Paulita ay pinalalo ang kakubaan nito sa pagpupugay sa
kanya.Si Juanito ang mas kinikilingan ni DonyaVictorina kayat lalong ibig
niya ito kaysa kay Isagani.
Napatungo sina Padre Camorra sa isang tindahan na yari sa mga tautauhang kahoy na kumakatawan sa lahat ng laki,hugis,tipo,lahi at hanapbuhay
sa kapuluan,mga, Indiyo, Kastila, Instsik, Mestiso, Prayle, Pari, Kawani,
Gubernadorsilyo, Estudyante, at Militar. Nakakita sila ng isang larawang
isang payat na Prayle, nakaupo sa tabi ng mesa, uloy nakalupasay sa isang
palad ng kamay na tila sumusulat ng sermon. Nakasaksi ulit sila ng imahe ng
matandang babaeng bulag,sabug-sabog ang buhok at nakalupasay sa lupa na
walang iniwan sa mga anitong Indiyo at namimirinsang damit. Pinamagatan
itong La Prensesa Filipina.
May napansin naman silang kuwadrado nakagapos na lalaki at may
sumbrerong takip sa mukha. Pinamagatan itong Ang Bayan ng Abaka.
Bahagyay mayroong pagtatalong naganap dahil hindi nila nagustuhanang
mga pigurang iguguhit.Nang lumaon nagkasundo din sila ang mga Indiyo ay
may katalinuhan ngunit sabi ni Don Custudio ang santo lamang ang kanilang
atupagin.
Lumabas na sila Padre Camorra sa okasyon.Habang bahagya silang naguusap ay nawala sa kanilang paningin si Simoun,nagkaroon itong kuru-kurong
baka natakot na malaman ng ating bayan ang pandaraya ng ginagawang
kaniyang kaibigang si Mr.Leeds. Nagpatuloy sila sa paglalakad habang naguusap usap ,nagsalita si Ben-Zayb na hindi siya maaaring hiyain ng amerikano
dahil maari siyang maghiganti sa pamamagitan ng isang mapanirang lathala.

EL FILIBUSTERISMO
Pangalan: Ella Erlano
Taon/Pangkat: IV-Peridot
Kabanata: 30
Pamagat: Si Juli

SI JULI
Ang pagkamatay ni Kapitan Tiago at ang pagkabilanggo ni Basilio ay
madaling nabalitaan sa lalawigan a sa ikararangal ng mga payapang mamamayan sa San
Diego ay sasabihin naming dinamdam nang higit ang huli at siya na lamang halos
napag-uusapan.Sa bayan ng Tiani ay napabalitang ang kababaang nagiging hatol sa
binate ay ipatapon at pagkatapos ay saka ipapatay. At ibinalita kung paano gumaling si
Hermana Penchang sa isang di pagkatunaw ng kinain ng lagyan ng agua bendita ang
kanyang puson. Ngunit marami sa mga lalaki ang hindi naniniwala sa mga bagay na ito
at hindi nagpapalagay na ang pagkabilanggo ni Basilyo ay isang parusa ng Diyos.
Nagtungo si Hermana Penchang kay Juli para ibalita ang pagbitay kay
Basilio alam niya ng siya ang dahilan ng nangyaring ito kay Basilio kaya siya rin ang
may kakayahan para tulungan ito. At mabilis naman ang pagtugon dito ni Juli,agad
silang nagtungo kay Padre Camorra, paring tumulong upang palayain ang kanyang
ingkong na si TandangSelo. Kinahapunan, kumalat ang balitang mayroong binaril
sinadya niyang pumunta sa kumbento at ipinagwalang bahala kung anuman ang nagyari.
Nagbalita ang isang biyahero mula Maynila na pinalaya ang lahat ng bilanggo,
maliban kay Basilio. Kinagabihan pinag-usapan ang babaeng tumalon sa bintana ng
kumbento at napatay. May isang matandang lalaki ang tumutuktok at inuumpag ang
ulo,sumisigaw at umibigkas ng mga pag-uusap na hindi mawatasan. Pumunta ito sa
gubernadorsilyo sa Juez de Paz sa kwartel. Bumalik na lamang ito sa nayon na
luhaan,ang kanyang nguyngoy ay naririnig sa katahimikan ng gabi. Kinakagat na lamang
ng mga lalaki ang kanilang mga labi,ang mga babay nagpapadaop kamay. Nang ikawalo
ng gabi, ibinalitang pitong prayle ang nakita sa kumbento na nagpupulong.Kinabukasan
si Tandang Selo ay nawala na sa nayon,dala ang kanyang sibat sa pangangaso.

You might also like