Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonde de Lala. (Ito ay isang uri ng
panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila.) Kaagad na nagpatuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din nya ang tugtugin ng orkestra. Kung nagmasid lamang ng husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sino-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nabalot ng manipis na habi, may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukuan naman ng mga kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victorina ay matiyagang inaayos ng buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat. Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.
Ibong Adarna
Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania