You are on page 1of 13

NOLI ME TANGERE

KABANATA 5
– ISANG TALA SA GABING MADILIM
TALASALITAAN

• Balisa – ligalig • Nahihimlay -nakahiga

• Guni-guni – imahinasyon • Nakakahambal – nakakaawa

• Kahambal-hambal – kasuklam- • Nakakalunos –


suklam nakapanghihinayang

• Kasisilayaan – kakikitaan • Nauulinigan – naririnig

• Katuturan – kahulugan • Nimpa – diyosa

• Malamlam – mapanglaw • Pabiling-biling – palinga-linga


• Panatag – tiwasay
• Nang araw na iyon ay nagpunta sa
Maynila si Ibarra at nanuluyan sa Fonda
de Lala. Sa loob ng kanyang silid ay
nagmuni-muni ito tungkol sa sinapit ng
ama.
• Di nagtagal ay napatingin ito sa
durunguwan. Sa kabila ng ilog ay tanaw
na tanaw ng binata ang nagliliwanag na
bahay ni Kapitan Tiyago. Tila naririnig pa
niya ang kasayahan sa loob ng bahay,
ang tugtog ng mga orkestra at
kalansingan ng mga pinggan at
• May nagaganap muling isang kasiyahan
sa bahay ng Kapitan noong gabing iyon.
Dumating ang nag-iisang anak na
dalaga ni Kapitan Tiyago na si Maria
Clara.
• Sinalubong naman ang dalaga ng
kanyang mga kaibigan, kababata, mga
Kastila at paring malalapit sa ama, mga
Pilipino, Intsik, at militar.
• Nakasuot ng isang marangyang
kasuotan si Maria Clara na
napapalamutian ng alahas na diyamante
at ginto. Ang lahat ay nakatuon ang
paningin sa kagandahan ng dalaga.
• Matiyaga namang inaayos ni Donya
Victorina ang buhok ni Maria Clara.
• Mahilig sa magagandang dilag si Padre
Salvi kung kaya’t siya ay masayang-
masaya at kadaupang palad niya ang
mga dalaga roon. May lihim din itong
pagtingin kay Maria Clara.
• Madali namang nakatulog si Ibarra ng
gabing iyon. Kabaligtaran ni Padre Salvi
sapagkat hindi mawala sa kanyang
isipan ang magandang dalaga na si
Maria Clara.
SAGUTIN!

1. Saan nanuluyan sa Maynila si Ibarra?


2. Sino ang nag-iisang anak ni Kapitan Tiyago?
3. Sinong pari ang may lihim na pagtingin kay Maria
Clara?
4. Si Maria Clara ay napapalamutian ng ____?
5. Sino ang nag-ayos ng buhok ni Maria Clara?
ISYUNG PANLIPUNAN

• Anong pangyayari sa akda o sa


kabanatang ito ang masasalamin pa rin
hanggang sa kasalukuyan?

You might also like