You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4

I Layunin: Napapangalagaan ang mga kagamitang gawa ng tao mula sa likas na yaman.
II Paksa: Mga Kagamitang gawa ng Tao , Iniingatan Ko.
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa mga Likha ng Diyos.
Mga Kagamitan: Pictures from internet, manila paper, pentel pen, crayons, cartolina, etc.
References: CG EsP4PD-IVh-i-13, ESP 4 Patnubay ng Guro, Kagamitan ng Mag-aaral
Integrasyon: Science (Pangangalaga ng kalikasan at Kapaligiran); Edukasyong Pantahan at
Pangkabuhayan ( Pangangalaga ng mga kagamitan), MAPEH (Arts)III Pamamaraan:
III Pamamaraan:
A. Pagsasanay: Ipapabasa ng guro ang mga sumusunod na mga salita sa flash
card.
Mga inaasahang sagot:
mesa, katre, pisara, upuan, aklat,kwaderno, banig, simbahan, paaralan, parke,
B. Balik-Aral: Magtatanong ang guro tungkol sa ibat ibang likas na yaman at
magbigay ng halimbawa.
Tanong: Anu-ano ang mga likas na yaman at papaano ito mapapangalagaan?
Inaasahang Sagot:
1.Likas na yamang tubig gaya ng dagat.
• Huwag mag tapon ng basura sa dagat.
2. Likas na yamang lupa gaya ng mga bulaklak at punong kahoy.
• Huwag puputulin at pipitasin ang mga halaman.
3.Likas na yamang mineral gaya ng ginto.
• Bawal ang illegal mining.
4.Likas na yamang gubat gaya ng kagubatan at mga hayop.
• Huwag puputulin at sunugin ang mga kahoy at huwag papatayin ang mga hayop
sa gubat.

K. Paglinang ng Gawain:
1. Pagganyak: Magpakita ang guro ng mga larawan,o kagamitang gawa sa likas na
yaman .

Tanong: Ano ang mga ito?


Inaasahang Sagot:
• Basketball court, kapilya, parke, banig
Anu-ano ang makikita ninyong kagamitan na gawa sa likas na yaman sa loob ng ating
silid aralan?
• Aklat, upuan, mesa, lapis, notebook
Tanong: “ Ano ang mararamdaman mo kung sakaling makita mo ang mga
napapabayaang kagamitan sa bahay, paaralan o pamayanan?
• Malulungkot, manghihinayang sa mga kagamitan.
2. Paglalahad: Basahin ang tula na may pamagat na “ Salamat Sa Iyo…Ikaw ang Gumawa
ng mga Gamit Ko!”
Refer to page 343-344 ESP 4 kagamitan ng Mag-aaral
Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na tanong:
1. Anu-anong gamit o kagamitan sa ating bahay, paaralan at pamayanan ang maaaring
magawa mula sa likas na yaman o kalikasan?
Inaasahang Sagot:
• Kagamitan sa bahay: lamesa at upuan
Kagamitan sa paaralan: pisara, cabinet, at mga upuan, papel , lapis at
kuwaderno.
Kagamitan sa pamayanan: simbahan, palaruan, siso, duyan.
2. Paano natin gagamitin ang mga kagamitang ito sa ating pang araw-araw na buhay?
• Dapat ipagmalaki, pakaingatan at pangalagaan.
3. Bakit kailangan nating pangalagaan ang mga kagamitang ito?
• Para magamit ng pangmatagalan .
3. Pagtatalakay:
Tanong: Sino ang taga pangalaga ng mga kagamitan sa bahay?sa paaralan?at sa
pamayanan?
Inaasahang sagot:
• Sa bahay: lahat ng nakatira sa bahay
• Sa paaralan: mag-aaral, guro, mga magulang, punong guro,
• Sa pamayanan: punong barangay, mga kagawad, lahat ng mga tao
Sabihin: Bilang tagapangalaga ng mga gamit o kagamitan mula sa kalikasan ano ang
gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon?
1. Madalas mong mapansin ang mga kaklase mo na iniiwan at pinapabayaan ang
kanilang mga aklat pagkatapos gamitin.
Bakit?
Inaasahang sagot:
• Pagsasabihan ko ang aking ka klase na dapat itago at ingatan ang mga aklat
pagkatapos gamitin.
• Upang may magamit pa ang mga sumusunog na mag-aaral.
Tanong: ilang aklat ang inyong natanggap noong unang araw ng pasukan?at ilang aklat
ang dapat ninyong isauli ngayong huling araw ng pasukan?
• Sa unang araw ng pasukan nakatanggap ako ng apat na aklat at dapat sa huling
araw ng pasukan ay maisasauli ko ang apat na aklay ng walang sira.
2. Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo sa baskeball court ng inyong Barangay , ng
mapansin mong sira-sira na ang mga upuan sa gilid ng court.
• Aayusin ang mga sirang upuan ng may patnubay ng nakakatanda.
3. Tuwing tanghali, pagkatapos kumain ng iyong mga kapatid ay iniiwan na lang nila
ang kagamitan sa pagkain na hindi hinuhugasan.
• Pagsasabihan ko ang aking mga kapatid na dapat huhugasan nila ang mga
kagamitan sa pagkain.
4.Pagbibigay ng Gawain:
Group 1: Gumawa ng maikling tula tungkol sa pag-aalaga ng kagamitan na gawa
ng tao.
Group 2: Iguhit ang isang pasyalan na gawa ng tao at ilagay kung papaano ninyo
ito mapapangalagan.
Group 3: Hanapin ang mga kagamitan na gawa ng tao at ilagay ayon sa angkop
na gamit para sa bahay, paaralan at pamayanan.
Inaasahang sagot:
Pangkatang Gawain at pag uulat.

5. Paglalahat:
Tanong: Paano mo mapapanatili ang kaayusan ng mga gamit o kagamitan na gawa
ng tao mula sa likas na yaman para sa bahay, paaralan at pamayanan?
Inaasahang sagot:
 Sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga kagamitan.
 Pagbibigay halaga sa mga kagamitan.

IV Pagtataya: Lagyan ng tsek ( / )kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapakita ng


pangangalaga sa mga gamit o kagamitan at ekis ( X) naman kung hindi ito nagpapakita.
______ 1. Ginagamit ko nanag may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming
bahay upang hindi masira.
______ 2. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang hindi ko na ginagamit.
______ 3. Gumagamit ako ng baso kung ako ay nagsesepilyo upang hindi masayang ang tubig.
______ 4. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso , pinggan, kutsara, at tinidor na ginagamit ko sa
pagkain.
______ 5. Hinihikayat ko ang aking mga kamag-aral na gamiting muli ang likod ng mga papel at
kuwaderno na wala pang sulat.
Inaasahang sagot:
1. /
2. /
3. /
4. X
5. /

V. Takdang Aralin: Gumawa ng isang slogan tungkol sa pag-aalaga ng mga kagamitan sa bahay,
paaralan at pamayanan

Inihanda ni:
Hazy Jade H. Ruga
Teacher I

You might also like