You are on page 1of 3

St. Blaise Christian School Inc.

MOTHER TONGUE
Cayanga, San Fabian Pangasinan GRADE 3
S.Y. 2022 – 2023 MS. RANIELA E. CALICDAN

Pangalan: ___________________________________________________________ LRN: _________________

MODULE 24
PAGKILALA SA PANTASYA AT KATOTOHANAN
MGA BAHAGI NG AKLAT
Ang nilalaman ng araling ito ay patungkol sa pagkilala sa pantasya at katotohanan,
mga bahagi ng aklat at ang kahalagahan ng wastong pangangalaga sa aklat.
Bago natin talakayin ang mga iyan, atin na munang alamin ang ating layunin sa araling ito.
Layunin:
Sa dulo ng araling ito ikaw ay inaasahang:
a. Nakikilala ang kaibahan ng pantasya sa katotohanan;
b. Nakikila ang mga bahagi ng aklat;
c. Nalalaman ang wastong pangangalaga sa aklat.

Bago natin talakayin ang ating aralin, inyo munang sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

Ano ang ngalan ng larawan sa kahon?


Ano ang iba’t-ibang bahagi ng aklat?

Upang mas mapalawak pa ang iyong kaalaman sa mga katanungang iyan,


Halina na’t sabay nating alamin at tuklasin.

MGA BAHAGI NG AKLAT


Ang aklat ay may iba’t-ibang bahagi.
1. PABALAT
- Dito matatagpuan ang pangalan o pamagat ng aklat at kung sino ang sumulat nito.
2. KARAPATANG SIPI
- Dito makikita ang mga sumusunod:
 Taon kung kailan inilimbag ang aklat.
 Pangalan ng kumpanyang naglimbag nito.
 Paalala na ang aklat ay hindi maaaring kopyahin at ilathala ninuman nang walang
pahintulot.
3. PAUNANG SALITA
- Nakasaad sa bahaging ito ang dahilan kung bakitn isinulat ang aklat. Inilalarawan din dito
ang kabuuan ng aklat at mga katangian nito.
4. TALAAN NG MGA NILALAMAN
- Dito nakatala ang pamagat ng bawat yunit at aralin na nakaayos nang sunod-sunod, pati na
ang pahina ng mga ito.
5. NILALAMAN
- Sa bahaging ito ay tinatalakay ang bawat paksa o liksyong nakapaloob sa aklat.
6. INDEX o TALATUNTUNAN
- Ito ay talaan ng mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos nang paalpabeto. Nakasaad din
ang mga pahina kung saan matatagpuan ang mga ito.

Ngayon ay naunawaan at naintindihan mo na ang mga bahagi ng aklat. Sunod


namang talakayin ang kaibahan ng pantasya at katotohanan.

Pahina 1
PANTASYA KATOTOHANAN
P 1. Nagalit ang aklat dahil siya ay nabasa ng ulan. K
P 2. ay
Ngayon Napunit ang isang
naunawaan pahina ng diksyunaryo.
at naintindihan K kana
mo na ang ating aralin. Batid kong handa
P para sagutansiang
3. Humiram ating
Jolina ng mga
aklat gawain at upang subukin ang iyong kaalaman.
sa aklatan. K
P 4. Nagtago ang aklat upang hindi siya mahiram ni Rico. K
P1 Panuto: Basahin
5. Nag-ingay angang
mgamga sumusunod.
aklat sa aklatan.Kilalanin kung ang pahayag ay pantasya
K o
Gawain
katotohanan. Bilugan ang tamang sagot.
P 6. Ibinigay ni Liza ang mga lumang aklat sa mga mahihirap. K
P 7. Natapos ding basahin ni Lea ang Harry Potter. K
P 8. Napuyat ang aklat dahil sa ingay ng mga bata. K
P 9. Nagkabuhay ang mga hayop sa aklat. K
P 10. Sampung aklat ang hiniram ng aking pinsan. K

Magaling! Mukhang handa kana para sa ating susunod na gawain.

Gawain 2 Panuto: Kunin mo ang iyong aklat sa Filipino. Hanapin sa aklat ang mga sumusunod
na impormasyon sa bawat bilang.

1. Pangalan ng aklat ____________________________________________________________

2. Awtor o sumulat ng aklat __________________________________________________________

3. Taon kung kailan ito inilimbag _______________________________________________________

4. Kumpanyang naglimbag nito _________________________________________________________

5. Pamagat ng bawat Yunit

Yunit 1:

__________________________________________________________________________

Yunit 2:

__________________________________________________________________________

Yunit 3:

__________________________________________________________________________

Yunit 4:

__________________________________________________________________________

Mahusay! Ipagpatuloy ang iyong kahusayan sa ating susunod na gawain.

Pahina 2

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong


Gawain 3
pangangalaga sa aklat. Kung hindi, isulat ang ekis X.
__________1. Sulatan ang bawat pahina ng aklat.

__________2. Lagyan ng takip ang aklat.

__________3. Itago ang aklat pagkatapos itong basahin.

__________4. Itupi ang pahina ng aklat nan ais tandaan.

__________5. Iwan sa hapag-kainan ang aklat.

__________6. Hawakan nang maayos ang aklat habang binabasa.

__________7. Hayaang Mabasa ng ulan ang mga lumang aklat.

__________8. Punitin ang pahina ng aklat na kailangan.

__________9. Hayaang paglaruan ng nakababatang kapatid ang aklat.

__________10. Iayos ang mga aklat sa cabinet pagkatapos basahin.

Mahusay! Binabati kita sapagkat iyong natapos ang lahat ng mga gawain. Nagpapakita
ito na ganap mo na ngang naunawaan at naintindihan ang ating aralin.
Paglalahat

Ating tandaan na ang sarisaring kwento na ating mababasa sa mga aklat ay maaaring
pantasya at katotohanan. Atin ding tandaan na may iba’t-ibang bahagi ng aklat.

Sangguian:
Gabay sa Makabagong Pag-aaral(MTB-MLE) Tagalog, Ikatlong baitang (Grade 3 Level)

Pahina 3

You might also like