You are on page 1of 41

EPP VI

Date: ____________
I. Layunin:
Natatalakay ang kahalagahan ng pagpapanatiling maayos at mabikas na paggayak
Pagpapahalaga:

Pagiging maayos

II. Paksang Aralin:


Kahalagahan ng Maayos at Mabikas na Paggayak
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC - A 1.1.1 ph. 1 Agap at Sikap TX, ph. 6


Tsart, mga larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Pagpapakita ng mga gamit sa pagaayos ng sarili.
Paano ginagamit ang mga ito?
2. Pagganyak
Pagtawag sa mga batang may maayos na paggayak.
Ano ang masasabi ninyo sa mga bata sa inyong harapan?
Ano ang kapansin-pansin sa kanila?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan ng isang batang may maayos na gayak o kaanyuan at ang isa ay
hindi.
Alin sa dalawa ang inyong nais parisan? Bakit?
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Anu-ano ang mga katangian ng Isang taong may maayos na kaanyuan?
Anu-ano ang mga kahalagahan ng pagpapanatiling maayos at mabikas na paggayak?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Bakit mahalagang panatilihin ang pagiging maayos at mabikas na paggayak?
2. Paglalapat
Kayo ay sasama sa field trip ng inyong paaralan, ano ang dapat ninyong isuot at bakit?
IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap ng Oo o Hindi.
_____ 1. Nakadaragdag ba sa personaiidad ng isang tao ang maayos at mabikas na paggayak?
_____ 2. Marami bang kaibigan ang isang batang may maayos at mabikas ang paggayak?
_____ 3. Magaan ba ang pakiramdam ng Tsang taong maayos at mabikas ang gayak?
V. Takdang-Aralin:
Magbigay ng limang kahalagahan ng isang batang may mabikas at maayos na kaanyuan/gayak.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Natutukoy ang mga kailangan upang maging maayos at mabikas ang tindig
Pagpapahalaga:

Pagiging maayos sa sarili

II. Paksang Aralin:


Mga Kailangan Upang Maging Maayos at Mabikas ang Tindig
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC - A 1.1.2 ph. 1 Agap at Sikap, ph. 9


Larawan ng batang maayos at mabikas ang tindig at isang batang di maayos ang
bikas at tindig

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang mga kailangan upang magkaroon ng maayos at mabikas na pagganyak?
2, Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng isang batang maayos ang tindig at isang batang di maayos ang
tindig.
Ilarawan ang mga batang nasa larawan.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Tatawag ng mga bata sa harapan na may mabikas na tindig.
Paano sila tumayo, umupo at lumakad?
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Ano sa palagay ninyo ang mga bagay na kailangan o makakatulong upang mgaing
maayos ang kanilang tindig?
Ano ang ibig sabihin ng wastong tindig? Ng pagiging maayos sa sarili o kaanyuan?
Paano ito gagawin o ipakikita?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Anu-ano ang mga kailangan upang maging maayos at mabikas ang tindig?
2. Paglalapat
Ipakita sa wastong pagkilos ang mga sumusunod upang magkaroon ng wastong tindig.
a. paglakad
d. pagdampot ng mabigat na bagay
b. pag-upo
e. pagdampot ng maliit na bagay
c. pagtayo
IV. Pagtataya:
Sumulat ng limang bagay na nararapat gawin upang maging maayos ang bikas at tindig?
V. Takdang-Aralin:
Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng maayos at mabikas na tindig.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Naipakikita ang maayos at mabikas na paggayak
Pagpapahalaga:

Pagiging maayos

II. Paksang Aralin:


Maayos at Mabikas na Paggayak
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC - A 1.1.3 ph. 1 Agap at Sikap, ph. 6-9


Larawan ng mga taong may ibat ibang uri ng kasuotan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Anu-ano ang mga kailangan upang maging maayos at mabikas ang tindig?
Bakit mahalagang magkaroon ng maayos at mabikas na tindig?
2. Pagganyak
Gusto ba ninyong malaman ang mga damit na angkop sa lugar at okasyon na inyong
pupuntahan? Bakit?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ngayon ay humanda sa pagpapakita ng isang fashion show. Pumunta kayo sa inyong mga
grupo at alamin sa inyong lider ang gagawin.
Unang Grupo
- yari ng damit para sa okasyon
Pangalawang Grupo - kulay ng damit sa kulay ng kutis
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Anu-ano ang mga tuntunin na dapat isaalang-alang sa pamimili ng kasuotang nababagay
sa kanya?
C. Pangwakas na Gawain
1 Paglalahat
Paano mo matitiyak na maayos at mabikas ang inyong gayak?
2. Paglalapat
Pagpapamalas ng isang bata ng pampormal na kasuotan.
IV. Pagtataya:
Sagutin ang pamantayan sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (^) sa tapat ng kolum.
Pamantayan
Oo
Paminsan minsan
1. Nababagay ang yari ng damit sa okasyon
2. Nababagay ang kulay ng damit sa kulay ng kutis
3. Tama ang lapat at sukat
V. Takdang-Aralin:
Laging magsuot ng maayos na angkop sa lugar at okasyon no pupuntahan.

Hindi

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Natatalakay ang pang-araw-araw no gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan
Pagpapahalaga:

Pagiging maingat sa mga kasuotan at kagamitan

II. Paksang Aralin:


Pang-araw-araw na Pangangalaga sa Kasuotan at Kagamitan
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC -A 1.2.1 ph. 1 Agap at Sikap, ph. 16-19


Tsart, plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Sabihin kung ang mga sumusunod ay kagamitan o kasuotan.
abaniko
sinturon
alahas
blusa
pantalon
relo
T-shirt
payong
duster
2. Pagganyak
Ano ang ginagawa ninyo sa inyong hinubad na damit upang maisuot na muli?
Sa mga kagamitan upang magmukhang bago?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Tingnan/Masdan ang mga kasuotan at kagamitan sa ibabaw ng mesa na marumi, may
punit, may butas at may tastas.
Paano natin mapangangalagaan ang mga ito?
Pagsulat sa pisara ng mga sagot ng bata.
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Alin sa mga nakasulat sa pisara ang isinasagawa araw-araw at paminsan-minsan?
Bakit kailangang isagawa ang wastong pangangalaga ng mga kasuotan at kagamitan
arawaraw?
Magbigay pa ng mga pang-araw-araw na gawain sa pangangalaga ng kasuotan at
kagamitan.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Bakit dapat pangalagaan ang mga kasuotan at kagamitan araw-araw?
2. Paglalapat
Paano mo pinangangalagaan ang inyong kasuotan at kagamitan arawaraw?
IV. Pagtataya:
Isulat kung anong pangangalaga sa kasuotan/kagamitan ang iyong magagawa sa mga sumusunod:
1. nasabit sa pako ang laylayan ng palda at natastas

2. nasunog sa plantsa ang iyong shorts


3. napasandal at naputikan ang iyong damit
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng plano sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Nakagagawa ng plano ng pang-araw-araw na gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan
Pagpapahalaga:

Pagiging masinop sa sariling kasuotan at kagamitan

II. Paksang Aralin:


Plano sa Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC - A 1.1.1 ph. 1 Agap at Sikap TX, ph. 6


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan ph, 11-13
Larawan ng iba't ibang gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Paghula sa ginagawang pantomina ng guro.
naglalaba
nanunulsi ng damit
namamalantsa
naghahanger ng damit, atbp.
2. Pagganyak
Anu-ano ang mga dapat gawin upang mapangalagaang mabuti ang ating kasuotan at
kagamitan arawaraw?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan/tsart ng mga gawain sa pangangalaga ng kasuotan
Alin sa mga gawaing to ang isinasagawa mo araw-araw?
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Paano mo gagawin ang pangangalaga ng kasuotan at kagamitan ng hindi malilimutan?
Paggawa ng pangkalahatang plano na dapat sundin araw-araw ng bawat pangkat.
Pag-uulat ng bawat pangkat
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Bakit mahalagang mayroong plano sa pang-araw-araw na gawain sa pangangalaga ng
kasuotan at kagamitan?
2. Paglalapat
Gumawa ng pansariling plano sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng () ang araw kung kailang binabalak gawiang ang mga nakalistang gawaing.
Gawain
L
L
M
M
H
B
S
1. Paglalaba
2. Pananahi/Panunulsi
3. Pag-aalis ng mantas
4. Paglalaba ng panloob

V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng pampamilyang plano sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan.
Magdala ng mga halimbawa ng pansariling kagamitan.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Nakasusunod sa plano ng paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan
Pagpapahalaga:

Pagpapahalaga sa kasuotan

II. Paksang Aralin:


Pangangalaga sa Kasuotan
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC - A 1.2.3 ph. 2;Agap at Sikap, ph. 20


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan, ph. 11-13
Larawan ng iba't ibang gawain sa paglilinis ng mga kasuotan at kagamitan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Bakit mahalagang mayroong plano sa pang-araw-araw na gawain sa pangangalaga ng
kasuotan at kagamitan?
2. Pagganyak
Kailangan ba nating pagplanuhan ang paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at
kagamitan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagpapakita ng plano ng paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan.
Alin sa mga ito ang isinasagawa mo araw-araw?
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Paano mo pinaplano ang paglililnis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan?
Paggawa ng pangkalahatang plano na dapat sundin araw-araw ng bawat pangkat.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Bakit mahalagang magkaroon ng plano sa paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at
kagamitan?
2. Paglalapat
Gumawa ng pansariling plano sa paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek () kung tama ang pangungusap at ekis (x) kung mali.
_____ 1. Gamitin ang angkop na damit para sa panahon at okasyon.
_____ 2. Magpalit ng damit panloob araw-araw.
_____ 3. Maging maingat sa pagbibihis upang hindi mapunit.
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng pansariling plano sa paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paglilinis/pag-aayos ng
kagamitan
Pagpapahalaga:

Kalinisan ay kaayusan

II. Paksang Aralin:


Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paglilinis/Pag-aayos ng Kagamitan
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC - A 1.2.3 ph. 2 and 3 Agap at Sikap, ph. 19


Mga larawan/tunay na pansariling kagamitan tulad ng sapatos, sinturon, abaniko,
atbp,

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Anu-ano ang mga gawain ng pansariling kagamitan?
2. Pagganyak
Mahalaga ba ito sa atin? Bakit?
Magbigay ng isang pansariling kagamitan at sabihin ang kahalagahan nito.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Isa-isahin ang mga pansariling kagamitan na nasa harapan.
Ano ang mga dapat gawin upang mapahalagahan ang mga ito?
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Anu-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paglilinis /pag-aayos
ng kagamitan?
Pagtawag sa mga bata at ipakita kung paano ang paglilinis at pagaayos ng pansariling
kagamitan tulad ng bag, sapatos, belt, hair band, abaniko, atbp.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Bakit dapat isaalang-alang ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paglilinis/ pag-aayos ng kagamitan?
2. Paglalapat
Paglilinis at pag-aayos ng mga dalang pansariling kagamitan ng mga bata.
IV. Pagtataya:
Paggamit ng tseklist.
Pamatayan
1. Nailalagay ko ba sa tamang lalagyan ang
tsinelas pagkahubad?
2. Binabrush ko ba ang sapatos bago itago?
3. Sinusuklay at pinananatiling maayos ang buhok

Oo

Paminsan- minsan

Hindi

V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng talatakdaan sa pangangalaga ng pansariling kagamitan.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Naisasagawa ang wastong paglilinis / pagaayos ng kasuotan/kagamitan ayon sa plano/iskedyul
Pagpapahalaga:

Pagpapahalaga sa kalinisan at kaayusan Pagkakaroon ng sariling talatakdaan ng


mga gawain

II. Paksang Aralin:


Wastong Paglilinis / Pag-aayos ng Kasuotan / Kagamitan ayon sa Plano / Iskedyul
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC - A-a.2.3.2 ph. 3; Agap at Sikap, ph. 20-21


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan ph. 11-12
Halimbawa ng plano sa pangangalaga ng kasuotan/kagamitan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Ipakita ang mga larawan ng gawain at sabihin kung ang gawain ay ginagampanan arawaraw, lingguhan, paminsan-minsan.
2. Pagganyak
Ipakita ang tsart ng talatakdaan sa pangangalaga ng kasuotan kagamitan.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pangkatin ang mga bata at ibigay ang sitwasyon kung paano isasagawa ang wastong
paglilinis / pag-aayos ng kasuotan/kagamitan ayon sa piano/iskedyul.
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Pagsasagawa ng mga bata sa ibinigay na sitwasyon.
Pagbibigay ulat ng bawat pangkat at isusulat sa pisara upang talakayin ng buong klase.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paglalagay ng tsek () ang araw kung kailan dapat isagawa ang mga nakalaang gawain.
2. Paglalapat
Paano mo isinasagawa ang wastong paglilinis/pag-aayosng kasuotan/kagamitan ayon sa
plano/iskedyul?
IV. Pagtataya:
Paggamit ng tseklist.
Pamatayan
1. Namamalantsa ba ako kung araw ng Linggo?
2. Naglilinis ba ako ng sapatos kung araw ng Sabado?
3. Nag-aayos ba ako ng bag pampaaralan araw-araw?

Oo

Paminsan-minsan

V. Takdang-Aralin:
Isagawa ang wastong paglilinis/pag-aayos ng kasuotan/kagamitan ng ayon sa piano/iskedyul.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Natatalakay ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin at pananagutan ng ibang kasapi tungo sa
kasiya-siyang pamumuhay ng mag-anak
Pagpapahalaga:

Mapagmahal, magalang, matulungin at masunurin

II. Paksang Aralin:


Kahalagahan ng Pagtupad sa Tungkulin at Pananagutan ng Kasapi ng Mag-anak
Sanggunian:
Kagamitan:

PELC - A 2.1.1 ph. 3; Agap at Sikap, ph. 24-27


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan ph. 25-28
Mga larawan ng pamilya na nagtutulungan sa gawaing bahay, tsart, istrip ng papel

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1.
Balik Aral
Kumuha ng istrip sa kahon na may nakasulat na tungkulin ng bawat kasapi ng mag-anak.
Sabihin kung sinong kasapi ang may tungkulin sa pagganap ng gawain.
2.

Pagganyak
Pagmasdan ang larawan ng isang pamilya na abala sa iba't ibang gawain sa loob at labas
ng tahanan. Ano kaya ang magiging epekto nito sa maganak? Paano kung ang mga gawaing
ito ay hindi magampanan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan (isang pamilyang maligaya at maakakasundo-sundo at ang isa ay
magulo at nag-aaway)
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Ano kaya ang dahilan kung bakit mayroong di-pagkakaunawaan ang mag-anak?
Paano ninyo mapauunlad ang mabuting pagsasamahan ng mag-anak?
Bakit mahalagang gampanan ng bawat kasapi ng mag-anak ang kanilang tungkulin? Anuano ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin para sa kasiya-siyang pamumuhay ng
mag-anak?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Anu-ano ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng bawat miyembro ng mag-anak?
2. Paglalapat
Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang kahalagahan / kabutihang dulot ng pagganap
sa mga tungkulin ng bawat kasapi ng mag-anak.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek () ang bawat bilang kung ito ay nagsasaad ng kagandahang pagtupad sa
tungkulin ng bawat kasapi ng mag-anak at ekis (x) kung hindi.
_____ 1. Naitaguyodang kasiya-siyang pagsasamahan ng mag-anak.

_____ 2.
_____ 3.

Nagkakaroon ang alitan at di pagkakaunawaan.


Lalong nagkakabuklod ang mag-anak.

V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng poster o islogan tungkol sa aralin.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Naipapakita ang wastong pagtupad ng tungkulin ng ibang kasapi ng mag-anak kapag
kinakailangan tungo sa kasiya-siyang pamumuhay
Pagpapahalaga:

Pagtupad sa tungkulin

II. Paksang Aralin:


Pagtupad ng Tungkulin ng Ibang Kasapi ng Mag-anak
Sanggunian:
Kagamitan:

Agap at Sikap, ph. 24-27


Istrips, dula-dulaan (role playing)

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Paggamit ng plaskard
Sabihin kung kaninong tungkulin ang mga sumusunod:
pamamahala ng gawaing bahay
kumita ng pera para sa mag-anak
mag-budget ng kita ng mag-anak tumulong sa mga gawaing bahay
2. Pagganyak
Anu-anong gawain ang kaya mong gampanan sa inyong tahanan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Magbigay ng mga pagkakataong di maiwasan sanhi ng di pagtupad sa tungkulin.
Halimbawa:
Biglang pagkakasakit
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Pagro-role play ng iba't ibang sitwasyon tulad ng:
Biglang pagpunta ng nanay mo sa probinsya, bilang panganay, ano ang gagawin mo?
Nagkasakit ang iyong tatay at kinakailangang ,nagpahinga ng isang buwan. Bilang
panganay na anak na lalaki, ano ang gagawin mo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano mo maipakikta any wastong pagtupad ng tungkulin ng ibang kasapi ng mag-anak
kapag kinakailangan tungo sa kasiya-siyang pamumuhay?
2. Paglalapat
Bilang nakakatandang kapatid, ano ang gagawin ma kung biglang may pinuntahan ang
nanay ma ng dalawang araw?

IV. Pagtataya:
Isulat ang magagawa kung sakali't ang sumusunod na kasapi ay di makatupad sa kanilang
tungkulin,
1. ama
2. ina
3. katulong
4. nakatatandang kapatid
V. Takdang-Aralin:
Magdala ng iba't ibang larawan ng sanggol.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Naisasagawa ang wastong pangangalaga sa sanggol
Pagpapahalaga:

Mapamaraan / Matiyaga

II. Paksang Aralin:


Wastong Pamamaraan sa Pag-aalaga ng Sanggol
Sanggunian:
Kagamitan:

Agap at Sikap, ph. 32-36


Manika, lampin, pardible, damit, gamit sa pagpapakain at pagpapaligo sa sanggol

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Pagpapakita sa aktwal na kagamitan ng sanggol at sabihin kung saan at paano ito ginagamit.
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang may kapatid na sanggol?
Paano n'yo ito inaalagaan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan ng wasto at magiliw na pag-aalaga ng sanggol.
Paano ipinapakita sa larawan ang wasto at magiliw na pag-aalaga sa sanggol?
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
a. Pagpapakitang turo at magiliw na pag-aalaga sa sanggol sa pamamagitan ng paggamit ng
manika.
Pagpapakain sa sanggol
Pagpapatulog
Pagpapaligo
Pagbibihis ng sanggol
b. Ano ang napapansin mo sa ginawang pakitang turo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Pagpapakitang gawa ng bang bata kung paano ang wastong pamamaraan ng pagpapaligo
at pagbibihis ng sanggol.
2. Paglalapat
Paano mo maipapakita ang wasto at magiliw na pag-aalaga sa sanggol?
IV. Pagtataya:
Sagutin kung Tama o Mali.
_____ 1. Bigyan agad ng pagkain ang sanggol kung ito ay iiyak.
_____ 2. Palitan kaagad ang basang lampin ng sanggol.
_____ 3. Patulugin ang sanggol sa mahinay na tapik at himig.
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng laruan para sa sanggol.

EPP VI
Date: ____________
I. Layunin:
Natutukoy ang pagkakaiba ng nnga katangian ng mga sanggol
Pagpapahalaga:

Naipakikita ang pagpapahalaga sa katangian ng sanggol

II. Paksang Aralin:


Mga Pisikal na Katangian ng Sanggol
Sanggunian:
Kagamitan:

Agap at Sikap, ph. 29


Tsart, larawan ng sanggol, pagpapantomina, plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Pahulaan
Pagsasagawa ng tungkulin ng mga kasapi ng mga mag-anak sa pamamgitan ng
pagpapantomina at sabihin kung ano ang isinasagawa.
2. Pagganyak
Sinu-sinu ang may kapatid na sanggol?
Anu-ano ang mga edad ng mga ito?
Pare-pareho ba sila ng katangian? Bakit?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan ng sanggol mula pagsilang hanggang labing limang buwan.
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Paglalarawan/ pagpapantomina sa mga katangian ng sanggol na nakasaad sa plaskard.
Pagpapaliwanag ng guro sa mga katangian ng sanggol mula 1 hanggang 15 buwan,
Paghahambing ng mga katangian ng sanggol sa isang apat na taong gulang na bata.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang katangian ng mga sumusunod na sanggol:
1 hanggang 2 buwang sanggol
6 buwan
3 hanggang 4 na buwang sanggol
9 - 10 na buwan
5 buwan
12 - 15 na buwan

2.
Paglalapat

Ano ang napansin ninyo sa inyong kapatid na sanggol na naiiba sa larawan?

IV.
Pagtataya:

Ibigay ang pagkakaiba ng katangiang pisikal ng sanggol sa edad mula 1 - 15 na


buwan.

V.
Takdang-Aralin:

Magdala ng manika na katulad ng sanggol.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Naipapakita ang wastong pamamaraan/panuntunang pangkalusugan, pangkaligtasan sa pagaalaga ng sanggol

Pagpapahalaga:
Naipakikita ang kakayahan sa pag-aalaga ng sanggol

II. Paksang Aralin:

Wastong Pamamaraan/Panuntunang Pangkalusugan/Pankaligtasan sa Pag-aalaga ng


Sanggol

Sanggunian:
Agap at Sikap, ph. 35-36
Kagamitan: Plaskard, manika, tsart

Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
1.
Balik Aral

Kumuha ng istrip sa pocket tsart at sabihin kung anong pisikal na katangian ng


sanggol ang namamalas sa edad na nakasaad.

III.

2.
Pagganyak
Sinu-sino ang may kapatid na sanggol?
Tumutulong ba kayo sa pag-aalaga? Paano?

B.
Panlinang na Gawain:
Paglalahad
Magbigay ng wastong pamamaraan na dapat isaisip kapag nag-aalaga ng
sanggol. Isulat sa pisara ang sagot ng bata.
Ipakita sa paggamit ng manika ang wstong pamamaraan/panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng sanggol.
1.

2.
Pagsusuri/Pagtatalakay

Sabihin kung panuntunang pangkalusugan o pangkaligtasan sa wastong


pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol.

C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat

Anu-ano ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol?

2.
Paglalapat

Kung may kapatid kang sanggol, paano mo maipakikita sa amin sa pamamagitan


ng manika ang wastong pamamaraan sa pag- aalaga ng sanggol?

IV.
Pagtataya:

Isulat sa papel kung tama/mali ang isinasaad ng mga sumusunod


na
pangungusap.
_____ 1.
Painumin ng sariwang gatas ang sanggol.

_____ 2.
_____ 3.

V.

Bihisan ng angkop na damit ang sanggol upang maginhawa siya sa pagkilos.


Iwasan ang paghalik sa bibig ng sanggol.
Takdang-Aralin:
Magdala ng kagamitan ng sanggol.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa mabisang pangangasiwa sa mga gawaing
pantahan.

Pagpapahalaga:
Naipakikita ang pagpapahalaga sa pangangasiwa sa tahanan.

II. Paksang Aralin:

Mga Salik na Dapat Isaalang-alang sa Mabisang Pangangasiwa sa mga Gawain sa


Tahanan

Sanggunian:
Agap at Sikap, ph. 38-41

Kagamitan: Larawan ng pamilya/tsart

III.
Pamamaraan:

A.
Panimulang Gawain:

1.
Balik Aral

Upang magkaroon ng kasiya-siyang pamumuhay sa loob ng tahanan, anong


katangian ang dapat taglayin ng bawat kasapi ng maganak?

2.
Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng mag-anak na may kani-kanilang gawain.


Ano ang ginagawa ng bawat kasapi ng mag-anak?
Paano nila ginagawa ang kanilang tungkulin?
Angkop ba ang gawain sa bawat isa?

B.
Panlinang na Gawain:

1.
Paglalahad

Pag-usapan ang nakasulat satsart ng mga hakbang sa pangangasiwa sa


gawaing pantahanan.
Pagbabalak
Pagsasagawa at pamamtnubay
Pagbuo at pagtatalaga ng tungkulin
Pagpapahalaga

2.
Pagsusuri/Pagtatalakay
Paano isinasagawa ang mga gawain sa tahanan?
Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa mabisang pangangasiwa ng gawaing
pantahanan? Isulat sa pisara ang sagot.
1. pangangailangan
3.
gulang
2. kakayahan
4.
panahon
Bakit kailangang malaman o isaalang-alang ang mga salik sa pangangasiwa ng gawaing
pantahan?

C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat


Bakit kailangang pahalagahan ang mga salik sa pagbibigay ng gawain sa
miyembro ng mag-anak?

2.
Paglalapat

Paano magiging mabisa ang pangangasiwa ng magulang sa mga gawain sa


inyong tahanan?
IV.
Pagtataya:

Bakit kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod na salik sa pangangasiwa


ng gawain sa inyong tahanan?

gulang

kalusugan

pangangailangan

panahon

kakayahan

V.
Takdang-Aralin:

Sumulat ng karaniwang pinagkukunan ng mag-anak.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Natatalakay ang mga paraan sa paggawa sa tahanan at mga pinagkukunan ng kailangan

Pagpapahalaga:
Pagiging maagap

II. Paksang Aralin:

Lawak: Pangangasiwa ng mga Gawain sa Tahanan at mga Pinagkukunan

Aralin: Talatakdaan ng mga Gawain at mga Pinagkukunan

Sanggunian:
PELC 2.2.2.2;
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 41-50; 53-55
Manwal ng Guro sa UP 5 pp. 30-31; pp. 43-45
Kagamitan: Tsart ng huwarang talatakdaan, larawan ng isang pamilya na may iba't
ibang gawain, iskor kard
Saloobin:
Pagtutulungan, Pagkakaisa, Pagkamasunurin

III.

1.
2.

Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
Paghahanda
Pagsasanay
Sinu-sino ang bumubuo sa isang pamilya? Anu-ano ang tungkulin ng bawat isa?

3.
Balik Aral

Iguhit ang mukhang masaya kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at


mukhang malungkot kung mali ang pangungusap sa bawat bilang.
____ 1.
Ang lahat ng kagamitan ng sanggol ay dapat na malinis.
____ 2.
Dapat na matitigas ang mga pagkaing ibibigay sa sanggol.
____ 3.
Walang masamang idudulot ang pagkabasa ng pusod ng isang sanggol.

B.
Panlinang na Gawain:
1.
Pangganyak

Pagpapakita ng larawan ng isang mag-anak na may iba't ibang gawain gayundin


ang huwarang talatakdaang pangmag-anak sa tsart. Pag-uusap tungkol dito.
2.
Suliranin

Paano ang wastong paggawa ng pansariling talatakdaan at pangmaganak na


talatakdaan?
3.
Pag-aalis ng Sagabal
talatakdaan
pansariling talatakdaan
pangmag-anak na talatakdaan
4.

Karanasan sa Pagkatuto

a.
Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa ng tahimik
b.
Pagbasa ng tahimik sa teksto.
c.
Pagsagot sa mga tanong sa Alamin mo.
d.
Pagsagot 'sa suliranin.

C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat
Ang talatakdaan ay talaan ng mga gawain na dapat gampanan sa takdang oras at panahon.
Ang paghahati-hati ng mga gawain sa tahanan ay dapat ibatay sa kakayahan, kalusugan at
oras na bagay o angkop sa taong gaganap nito.
Ang paggawa at pagsunod sa talatakdaan ay magpapagaan at magpapabilis ng paggawa.

2.
Paglalapat

Pagpangkat-pangkatin ang klase sa lima. Papagbuuin sila ng pangmag-anak na


talatakdaan na may 5 kasapi para sa araw ng Linggo.

IV.
Pagtataya:

Iskor Kard sa Pagmamarka ng Gawain

Pamantayan
Oo
Hindi
1.
Inilista ba namin ng maayos ang lahat ng gawaing dapat

isagawa ng isang mag-anak sa araw ng Linggo?


2.
Sapat ba ang oras na itinakda namin para sa bawat gawain?
3.
sinaalang-alang ko ba ang kakayahan at karanasan ng mga

taong nakatakdang gumawa?

V.
Takdang-Aralin:

Gumawa ng inyong pansariling talatakdaan para sa araw ng Lunes. Tiyakin na sapat ang
pagkakahati-hati ninyo ng oras para sa bawat gawain.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Nakasusunod ang talatakdaan ng mga gawain sa maayos at matipid na pangangasiwa ng mga
gawaing pantahanan at ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan.

Pagpapahalaga:
Pagsunod sa plano ng gawain

II. Paksang Aralin:

Lawak: Pangangasiwa ng mga Gawain sa Tahanan

Aralin: Pagsasagawa ng mga Talatakdaan ng mga Gawain at Pangkalusugan at


Pangkaligtasang Panuntunan sa Paggawa sa Tahanan

Sanggunian: PELC 2.2.2.3


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 43-45
Umunlad sa Paggawa pp. 43-45
Kagamitan: Tsart ng mga ginawang talatakdaan ng mga bata
Saloobin:
Pakikiisa, Pagkamasunurin

III.
Pamamaraan:

A.
Panimulang Gawain:
1. Paghahanda
2. Pagsasanay
Punan ang patlang ng pinakatamang sagot.
ate
tatay
kuya nanay
bunso
1.
Ang _____ ay siyang tagapaghanapbuhay sa pamilya.
2.
Ang _____ ay siyang tagapangasiwa ng lahat ng mga gawain sa tahanan.
3.
Si _____ ang nag-aalaga sa kanyang bunsong kapatid.

3.

Balik Aral
Pagbibigay puna ng mga bata sa huwarang talatakdaan at ang kahalagahan nito.

B.
Panlinang na Gawain:
1.
Pangganyak

Bakit mahalaga ang magkaroon tayo ng talatakdaan ng mga gawain? Sinu-sino sa


inyo ang susunod sa inyong pansariling talatakdaan at pangmag-anak na talatakdaan?
2.
Suliranin

Paano mo masusunod ang talatakdaan ng mga gawain upang maging maayos at


matipid ka sa pangangasiwa ng mga gawaing pantahanan?

3.
Pag-aalis ng Balakid
aksidente
regulator
ason
octopus plug

4.
Karanasan sa Pagkatuto
a.
Tumawag ng ilang bata na magbabasa ng kanilang pansariling talatakdaan na
kanilang ginawa.
b. Pagtatanong sa mga bata kung paano nila masusunod ang kanilang pansariling
talatakdaang ginawa.
c.
Pagtatalakayan sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang panuntunan sa
paggawa sa tahanan.
d.
Pagsagot sa mga pangganyak na tanong at ang mga tanong sa Alamin Mo.

C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat

Makatitipid ng oras, lakas at panahon sa paggawa kung susundin ng maayos ang


tamang oras na itinakda sa talatakdaan ng mga gawain.

Dapat isaalang-alang ang pangkaligtasan at pangkalusugang gawi habang


gumagawa upang maging ligtas ang paggawa.

2.
Paglalapat

Pagbibigay ng ilang sitwasyon sa mga bata at pagtatanong kung ano ang higit
nilang pahahalagahan at bakit?

IV.
Pagtataya:

Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.


1.
Nakalimutan mong iligpit ang iyong higaan. Nakalampas na ang takdang oras ng
iyong pagliligpit, ano ang marapat mong gawin?

a.
Pabayaan na lang.

b.
Ligpitin ito ng madalian.

c.
Ipaligpit ito sa iyong nanay.

d.
Isara ang kuwarto nang hindi makita ng iyong nanay.
2.
Tinanghali ka ng gising kung kaya't hul ka na sa pagpasok sa paaralan. Ano ang
mabuti mong gawin?

a.
Papasok ako sa klase kahit ako ay huli na.

b.
Bukas na lang ako papasok.

c.
Itutuloy ko na lang ang aking tulog.

d.
Makikipaglaro na lang ako at hindi na papasok.

V.
Takdang-Aralin:
Magtala ng mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi na inyo nang naisagawa sa
bahay kung kaya't naiwasan ang aksidente.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Nailalapat ang mga paraan ng mabisang pangangasiwa sa gawaing pantahanan

Pagpapahalaga:
Pagiging mapamaraan

II. Paksang Aralin:

Lawak: Pangangasiwa ng Tahanan

Aralin: Matalinong Pangangaasiwa ng mga Pinagkukunan

Sanggunian:
PELC 2.2.2.4 - RBEC
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 56-59
Kagamitan: Halimbawang badyet ng isang pamilya na nakasulat sa tsart, buzz session
Saloobin:
Pagtitipid, Pagkamatalino

Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
1.
Paghahanda
2.
Pagsasanay

Iguhit ang mukhang masaya kung wasto ang pangungusap at mukhang


malungkot kung mali ang pangungusap.
_____ 1.
Hayaang nakakalat ang posporo kahit saan.
_____ 2.
Lagyan ng pangalan ang iba't ibang sangkap ng pagkain sa bahay upang
maiwasan ang aksidente.
_____ 3.
Laging bunutin ang plug ng mga kuryenteng hindi ginagamit.

III.

3.
Balik Aral
Panuto: Punuan ang patlang ng tamang sagot. Pumili sa mga salita sa ibaba.
matalinong

talatakdaan
pagpapahalaga ligtas

pinagkukunan
1. Ang _____ ay talaan ng mga gawain na dapat gampanan sa takdang panahon.
2. Ang _____ pangangasiwa ay mahalaga upang maging maayos ang paggawa.
3. Ang mga _____ ay mga bagay na ginagamit ng tao at mag-anak upang mapabuti at
mapaayos ang kanilang pamumuhay

B.
Panlinang na Gawain:
Pangganyak
Sino ang tagapangasiwa ng tahanan? Anu-anong mga pinagkukunan ang
kanyang pinangangasiwaan? Bakit mahalaga ang matalinong pangangasiwa ng mga
pinagkukunan?
1.

2.

Suliranin
Paano ang mabisang pangangasiwa ng (a) oras, lakas at panahon (b) pera
at kita ng mag-anak (c) kagamitan at panustos?
Paano ginagawa ang badyet ng mag-anak?

3.
Paghawan ng Balakid
pangangasiwa
pera
badyet
pangangailangan
4.
Karanasan sa Pagkatuto
a.
Hayaang mag-usap-usap ang bawat pangkat (buzz session) tungkol sa kanilang
palagay o opinyon sa matalinong pagbabadyet ng pera ng maganak.
b.
Pag-uulat ng bawat lider ng pangkat sa kanilang nabuong kaisipan.
c.
Pagbasa nang tahimik sa aklat pp. 56-59.
d.
Paghahambing sa kanilang nabuong kaisipan at ang nakasulat sa aklat.
e.
Pagbibigay-lagom sa suliranin.

C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat

Mahalaga ang mabisa at mahusay na pangangasiwa ng mga pinagkukunan upang


mapaunlad ang kabuhayan ng mag-anak at bansa.

Ang badyet ay ang matalinong paghahati-hati ng salapi at kita ng mag-anak.

2.
Paglalapat

Pagawin ang bawat pangkat ng badyet para sa isang buong mag-anak na may 3
anak. Ang kita ng mag-anak ay P10 000 kada buwan. Ipapaliwanag ang pagkakahati-hati o
bahagdan ng badyet na kanilang ginawa.

Bahagdan
Pera
Pagkain
_________
_________
Kuryente
_________
_________
Tubig
_________
_________
Edukasyon
_________
_________
Damit
_________
_________
Ipon
_________
_________
Iba pang gastusin
_________
_________

IV.
Pagtataya:

Lagyan ng tsek () ang patlang kung matalinong pangangasiwa at ekis (x) kung maling
pangangasiwa ang ipinahihiwatig sa bawat pangungusap.
_____ 1.
Napanis ang pagkain sa dahilang maraming ulam ang iniluto ng kanyang nanay.

_____ 2. Nagahol sa oras ng pagluluto si nanay sa dahilang napasarap siya ng kuwentuhan


sa kanyang kumare.
_____ 3.
Natapos sa takdang oras ng paglalaba si ate sapagkat maliksi siya sa kanyang
pagkusot

V.
Takdang-Aralin:
Gumawa ng badyet ng inyong baon batay sa napag-aralan. Humanda sa
pagpapaliwanag nito bukas.
Kabuuang Baon
P________

B
Pera

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa iba't
bang okasyon

Pagpapahalaga:
Pagiging malikhain

II. Paksang Aralin:

Lawak:
Ang Mag-anak sa Pagdiriwang ng Iba't Ibang Okasyon

Aralin:
Mga Salik sa Pagbabalak ng Pagkaing Angkop sa Iba't Ibang Okasyon

Sanggunian:
PELC 2.2.3.1 - RBEC
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 65-66
Kagamitan: Larawan ng isang mag-anak na may idinadaos na okasyon, mga tunay na
kagamitan sa bahay, iskor kard
Saloobin:
Pakikiisa, Pagtutulungan, Pagmamahal sa Pamilya

III.

1.

Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
1.
Paghahanda
2.
Pagsasanay

Tama o Mali
_____ 1.
Gumamit ng talatakdaan ng mga gawain upang makatipid ng oras, lakas
at panahon,
_____ 2.
Ilagay ang mga kasangkapan kahit saan.
_____ 3.
Ang pera ay hindi kailangang ibadyet.

2.

okasyon?

3.
salik

B.
Panlinang na Gawain:
Pangganyak
Ipakita ang larawan ng isang pamilya n nagdiriwang ng isang okasyon.
Pag-usapan Ito.
Suliranin
Anu-ano ang mga salik sa pagbabalak ng mga pagkaing angkop sa iba't bang

Paghawan ng Balakid
kaugalian

pagdiriwang

bisita

4.
Karanasan sa Pagkatuto
a.
Pagbibigay-pamantayan pagbasa nang tahimik.
b.
Pagbasa nang tahimik sa aklat.
c.
Pagtatalakayan sa bawat salik na dapat isaalang-a!ang sa pagbabalak ng mga
pagkaing angkop sa iba't ibang okasyon.
d.
Pagsagot sa Alamin Mo at sa Suliranin.


C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat

Ang pagbabalak ng pagkain ay nangagnailangan ng masusing pag-aaral upang


matugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng mag-anak.

Ang ikapagtatagumpay ng isang okasyon ay nakasalalay sa maingat na


pagbabalak, paghahanda at pagdudulot ng pagkain na pinagtulungang gawin ng mag-anak.

2.
Paglalapat

Pangkatin ang mga bata sa lima. Bumuo ng isang payak na piano para sa isang
simpleng okasyon na isinasaalang-alang ang mga salik sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa
iba't ibang okasyon.

IV.
Pagtataya:

Ang bawat pangkat ay magmamarka sa kanilang ginawa batay sa mga


sumusunod na tanong.

Oo
Hindi

1.
Ang ginawa ba naming plano ay angkop sa uri

ng okasyon o pagtitipon?

2.
Ang dami ba ng pagkaing ihahanda ay kakasya

sa dami ng bisitang darating?


1. Ang mga uri ba ng pagkaing ihahanda ay masarap

at masustansiya?

V.
Takdang-Aralin:

Magbalak ng isang simpleng "Dinner Party" para sa iyong pamilya. Isaalang-alang ang
mga salik sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa iba't ibang okasyon. Humanda sa pagpapaliwanag
nito bukas.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Nakapagbabalak ng masusutaqnsya, mura at sapat na pagkaing angkop sa okasyon.

Pagpapahalaga:
Pagiging masinop

II. Paksang Aralin:

Lawak: Pagkaing Kakainin

Aralin: Pagbabalak ng Pagkain - Pagkaing Angkop para sa Meryenda

Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
1.
Paghahanda

Pagtsetsek ng bawat lider sa isang bahagi ng katawan ng isang bata bilang


gawaing pangkalusugan.

Sanggunian:
PELC 2.2.3.2 - RBEC
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 65-66; pp. 189-190
Umunlad sa Paggawa 5 pp. 70-73
Kagamitan: Tsart ng isang huwarang banghaygawain, iskor kard
Saloobin:
Pagkamatipid, Pagkamalusog
III.

2.

5.
_____
_____
_____
_____
_____

Pagsasanay
Pagsunud-sunurin ang mga bahagi ng isang banghay-gawain. Lagyan ng bilang 1
Pagpapahalaga
Layunin
Pangalan ng Proyekto
Mga Sangkap at Kagamitan
Pamamaraan

3.
Balik-aral

Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkaing


angkop sa iba't ibang okasyon?

B.
Panlinang na Gawain:
1.
Pangganyak

Pagpapakita ng mga tunay na sangkap na gagamitin para sa lulutuing Ginataang


Halu-halo. Paguusap tungkol dito.
2.
Suliranin

Paano ang wastong paraan sa paggawa ng banghay-gawain sa lulutuing


Ginataang Halu-halo?
3.

Paghawan ng Balakid

mapamaraan
kakang gata
4.
a.
b.
c.

balinghoy
galapong

Karanasan sa Pagkatuto
Paggunita sa iba't ibang bahagi ng balangkas ng isang banghay gawain.
Pagpapakita ng isang huwarang banghay-gawain.
Pagpapaliwanag sa bawat bahagi ng banghay-gawain.

C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat

Ang pagbabalak ng pagkain ng mag-anak ay mahalaga upang makatipid ng lakas,


panahon at pera sa pamimili at paghahanda nito.

Ang mga salik sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa iba't ibang okasyon ay


dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa anumang banghay-gawain na nais
isagawa.

Ang banghay-gawain sa pagluluto ng Ginataang Halu-halo ay binubuo ng


pangalang ng proyekto, layunin, kagamitang sangkap at dami, pamamaraan at pagpapahalaga.

IV.
Pagtataya:
Bawat pangkat ay magbibigay ng marka sa kanilang ginawa batay sa mga sumusunod na
kiteryobn

Sago
t
Hind
i
1. Nakibahagi ba ang lahat ng kasapi sa paggawa ng plano?

2. Makabuluhan ba ang mga kaisipang ipinahayag ng bawat


isa?
3. Nakapagsalita ba sila ng malinaw at maayos?

Antas ng Kahusayan
5 100%
4 90%
3 80%
2 70%
1 60%

V.
Takdang-Aralin:

1.
Pag-aralang maigi ang natapos na banghay-gawain at ihanda ang mga sarili sa
pagsasagawa nito bukas

2.
Dalhin ang mga sangkap at kagamitan sa pagluluto bukas.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Nailalapat ang kaalaman sa matalinong pamimili

Pagpapahalaga:
Matalinong pamimili

II. Paksang Aralin:

Paglalapat ng Kaalaman sa Matalinong Pamimili

Sanggunian: RBEC -A 2.2.3.3 ph. 59


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 ph. 173-175
Kagamitan: Tsart ng gabay sa pamimili, mga sariwang pagkain

Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
1.
Balik Aral
Anu-ano ang mga dapat isaalangalang sa pagpili ng masustansiya, mura
at sapat na pagkaing angkop sa okasyon?

III.

2.
Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang may karanasan sa pamimili ng pagkain / sangkap sa palengke?
Sino ang inyong kasama?
Anong oras kayo namili? Paano ninyo pinipili ang inyong binibili?

1.

B.
Panlinang na Gawain:
Paglalahad
Pagpapakita ng tray na may lamang sariwang prutas, gulay, karne, itlog atbp.
Paano natin pinipili ang mga ito kung tayo ay namimili?

2. Pagtalakay
Ano any mga dapat tandaan sa matalinong pamimili?
Anu-ano ang mga tuntuning dapat malaman sa pamimili ng iba't ibang uri ng pagkain sa
pamilihan?
Bakit dapat maghanda ng listahan sa pamimili?
Anu-ano ang mga wastong gawi na dapat ipakita kapag pumipili?

C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat

Ano ang dapat gawin/malaman upang mailapat ang kaalaman sa matalinong


pamimili?

2.
Paglalapat

Ikaw ay naatasang mamili ng pagkaing ihahanda para sa iyong kaarawan. Ano


ang mahalagang kasanayang natutuhan mo ang ilalapat sa pamimili?

Paano mo maipapakita na ikaw ay matalinong mamimili?

IV.

1.
2.
ang badyet.
3.

Pagtataya:
Punan ng tamang salita ang mga patlang sa sumusunod na mga pangungusap.
Kailangang maghanda ng _____ bago pumunta sa palengke upang mamili.
_____ ang dapat gamitin at hindi damdamin kapag namimili upang hindi masira
Malambot na buto sa _____ ng manok na pamprito.

V.
Takdang-Aralin:
Magdala ng mga larawan ng iba't ibang pamamaraan sa paghahanda ng pagkain.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Nasusunod ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng pagkaing angkop sa okasyon

Pagpapahalaga:
Pagtutulungan at pakikiisa

II. Paksang Aralin:

Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Pagkaing Angkop sa Okasyon

Sanggunian: RBEC - A 2.2.3.4 ph. 59


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 ph. 178-180
Kagamitan: Tsart ng katawagan sa paghahanda ng pagkain, mga kasangkapan at
kagamitan sa paghahanda ng pagkain

III.
1.

Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
Balik Aral
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa matalinong pamimili?

2.

Pagganyak
Anu-ano ang mga ginagawa sa pagkain pagkatapos bilhin at bago ito bilhin?

B.
Panlinang na Gawain:
Paglalahad
Pagpapakita ng ibat ibang kagamitan at kasangkapan na ginagamit sa
paghahanda ng pagkain?
Paano natin ginagamit ang mga ito?
1.

2.
Pagtatalakay
Pagbasa at pagpapaliwanag ng mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain.
Pagpapakitang-turo ng guro ng mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain.
Paghahanda ng bawat pangkat ng mga gawaing itinakda sa kanila.
Pangkat 1 - pagtatalop,
pagbabalat, paghihiwa
Pangkat 2 - paghihimay, pagtatadtad, pagdidikdik
Pangkat 3 - pagbabati, pagsasala
Pangkat 4 - pagkukudkod, pagsusukat
Pangkat 5 - pagkakaliskis, paghihiwa

C. Pangwakas na Gawain

1.
Paglalahat

Anu-ano ang mga wastong pamamaraan ng paghahanda ng pagkaing angkop sa


okasyon?

2.
Paglalapat
Pagsasagawa sa itinakdang gawain ng bawat pangkat.

Bilang miyembro ng pangkat, ano ang dapat mong gawin?

IV.
Pagtataya:
Tseklist sa wastong pamamaraan ng paghahanda ng pagkain.

Sag

1. Naghugas ng kamay bago hawakan


ang pagkain.
2. Maingat sa paghawak ng mga
kasangkapan
3. Naglaan ng supot na paglalagyan ng
pinagbalatan.


Hindi

V.
Takdang-Aralin:

Tumulong sa nanay sa paghahanda ng pagkain at itala ang mga pamamaraang ginamitsa


paghahanda.

Ihandang iulat sa klase.

EPP VI

Date: ____________

I.
Layunin:
Nakapagdudulot ng pagkaing angkop sa okasyo' sa wastong paraan

Pagpapahalaga:
Maayos na pagdudulot ng pagkain

II. Paksang Aralin:

Pagdudulot ng Pagkain sa Wastong Paraan

Sanggunian:
RBEC - A 2.2.3.5 ph. 59 Umunlad sa Paggawa ph. 84-86
Kagamitan: Mga kasangkapan sa pagdudulot ng pagkain, larawan ng Isang cover
menu, istilo ng pagdudulot ng pagkain

III.

1.

Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
Balik Aral
Anu-ano ang mga wastong pamamaraan sa paghahanda ng pagkain?

2.
Pagganyak
Naimbitahan na ba kayo sa iba't ibang handaan?
Ano ang masasabi o napansin ninyo sa pagdudulot ng pagkain?

1.

B.
Panlinang na Gawain:
Paglalahad
PaGpapakita ng mga larawan ng iba't ibang ayos ng hapag-kainan.

2.
Pagtatalakay
a. Pagbasa ng tsart ng iba't ibang istilo sa pagdudulot at iugnay sa ipinakitang larawan.
Family style
Compromise style
Russian style
Buffet style

Paano natin
inaayos ang hapag-kainan?
Paano inilalagay ang mga palamuti sa mesa?

b. Pagpapakitang-turo sa wastong paraan ng pag-aayos ng isang cover at ang mga


uri ng pagdudulot ng pagkain sa hapag-kainan

c. Pagpapakitang-gawa ng mga bata (pangkatan).

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
Paano ninyo idinudulot ang pagkain sa angkop na okasyon sa wastong paraan?

2. Paglalapat
Kung kayo ang naatasang magdulot ng pagkain sa isang handaan, paano ninyo Ito
idudulot?
binyagan
kasalan
kaarawan

IV. Pagtataya:

Batay sa ipinakitang pagdudulot ng bawat pangkat, gamitin ang iskor kard sa


pagmamarka.
Sukatan

1. Kumpleto ang kagamitan sa pag-aayos ng cover


2. Wasto at masining ang pag-aayos ng hapag-kainan.
3. Kaakit-akit ang mga palamuting inilagay.

V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng mga listahan ng mga karaniwang natitirang pagkain.

EPP VI

Date: ____________

I. Layunin:
Naipakikita ang wastong paraan ng pagliligpit ng mga tirang pagkain upang mapakinabangan

Pagpapahalaga: Pagtitipid at maparaan

II. Paksang Aralin:

Paraan ng Pagliligpit ng Tirang Pagkain

Sanggunian: RBEC - A 2.2.3.6 ph. 59


Kagamitan:
Tsart, mga sangkap sa pagluluto ng "Isdang may sarsang
kamatis", kagamitan sa pagluluto

III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda at pagdudulot ng pagkain?

2. Pagganyak
Nasubukan ninyo na bang dumalo sa isang okasyon?
Ano ang napapansin sa mga hapag-kainan?

B.
Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ano kaya ang dapat gawin sa mga natirang pagkain upang mapakinabangan pang
muli?
Pagtalakay sa paraan o gawain sa pagliligpit ng natitirang pagkain upang
mapakinabangan pa.

2. Pagtatalakay
Magpakita ng isang hapag na may tirang mga pritong isda. Mga piling mag-aaral ay
hayaang iligpit ang mga tirang pritong isda sa hapag-kainan at ipakitang-turo ang paghahanda
ng "Isdang may sarsang kamatis". Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.

Pangkat 1
paghahanda ng mga kagamitan at sangkap

Pangkat 2 aktuwal na pagsasagawa sa pagsubaybay ng guro

Pangkat 3
pagliligpit ng mga kasangkapang ginamit

Anong sangkap ang inihalo sa "Isdang may sarsang kamatis"?


Maayos ba ang inyong pagkakagawa? Nasunod ba ang mga hakbang?
Nagustuhan ba ninyo ang gawain?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat

Mayroon bang paraan upang mapakinabangan pa ang natitirang pagkain?

Paano maiiwasan ang pagtatapon ng mga pagkaing natira?

2. Paglalapat
Ano ang dapat gawin sa mga pagkaing natira?
Mayroon pa ba kayong alam na paraan maliban sa "Isdang may sarsang kamatis'?
Anu-anong paraan?

IV. Pagtataya:
1. Pasalita
Anu-ano ang mga sangkap na ginamit sa pagluluto ng "Isdang may sarsang kamatis"?

2. Aktuwal na Pagsasagawa
a. Ipaalala ang
pamantayang pangkaligtasan
b. Magsasagawa ng pagluluto ng "Isdang may sarsang kamatis".

na isinagawa.

V. Takdang-Aralin:
Mamili ng isang paraan ng pagliligpit ng tirang pagkain at iulat sa klase ang hakbang

You might also like