You are on page 1of 25

Araling Panlipunan 4

Makasaysayang
Araw
Ikalawang Linggo
Unang Araw
PRESIDENT SAYS
Mekaniks
Tatawagin ng guro ang presidente ng klase sa
harap.
Magbibigay ng (utos) alituntunin ng isang ang
presidente sa klase at kailangan nilang sundin
ito. Hal. Ayusin ang upuan.
Pagkatapos, sagutin ang gabay na tanong.
Mga Gabay na Tanong
Nasunod niyo ba ang mga utos ng inyong
presidente?

Bakit kinakailangang masunod natin ang


alituntuning ito?

Kung sakaling may mga hindi susunod sa


alituntunin ng inyong mayor,magkakaroon ba ito
ng epekto sa inyo?
MANOOD AT
MAGSURI
Panuto: Panooring mabuti ang bidyo, magtala ng
mahahalagang detalye sa iyong kuwaderno at
sagutin ang mga gabay na tanong.

https://youtu.be/L-B1sLr4-fY
Mga Gabay na Tanong
Tungkol saan ang bidyong napanood?

Ano-ano ang mga mahahalagang detalye o


impormasyon ang iyong naitala? Ibahagi sa
klase.
Sangay ng
Tagapagpaganap
Araling Panlipunan 4
Ang Sangay ng
Tagapagpaganap
Ayon sa ating Konstitusyon o Saligang Batas,
ang kapangyarihang tagapagpaganap sa
ating bansa ay hawak ng ating Pangulo.

Tungkulin ng pangulo na tiyaking ang mga


batas ay matapat na naipatutupad.
Ano ano ang mga tungkulin
at kapangyarihan ng
Pangulo?
Mga Tungkulin at
Kapangyarihan ng Pangulo
Ipatupad ang mga batas ng bansa. Maari siyang
maglabas ng mga kautusang tagapagpaganap
(executive orders) upang ipatupad ang batas.

Magpanukala ng batas sa Kongreso

Magsumite sa Kongreso ng panukalang badyet


Humirang ng mga opisyal ng bansa at ng militar.

Tumiyak sa mga ugnayang panlabas ng bansa.

Makipagsundo sa mga international financial


institution sa pag-utang para sa kapakanan ng
bansa kung kinakailangan lamang.

Maggawad ng kapatawaran, palugit, o


pagbababawas ng parusa ng mga nagkasala sa
batas.
Maaaring gamitin ang kanyang veto power
upang pigilan ang alinmag panukalang batas na
ipinasa ng kongreso.

Gumanap bilang kumander ng Sandatahang


Lakas
Ano ang Veto Power?
Ang isang beto(sa Ingles ay veto na mula sa
Latin na "aking pinagbabawalan") ang
kapangyarihan ng isang opisyal ng estado gaya
ng pangulo na pigilan ang isang opisyal na
aksiyon lalo na ang pagpasa ng isang
panukalang-batas.
Sino ang gumaganap bilang
kumander ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas?
Mga Limitasyon sa
Kapangyarihan ng Pangulo
Upang mabawasan ang pang-aabuso ng Punong
Tagapagpaganap at tiyakin ang check and
balance sa kapagyarihan nito, itinakda ng
Konstitusyon ang mga limitasyon sa
kapangyarihan ng Pangulo.
Hindi siya maaaring humawak ng anumang
tungkulin o negosyo sa panahon ng kanyang
panunungkulan.

Ang asawa at kamag-anak ng Pangulo hanggang sa


ikaapat na antas na sibil ay hindi maaring hirangin
sa sumusunod na mga posisyon sa pamahalaan:
Kagawad ng Komisyong Konstitusyonal
Tanggapan ng Ombudsman
Kalihim
Pangalawang Kalihim
Tagapangulo o Puno ng mga Kawanihan o
Tanggapan ng Pamahalaan
Hindi siya makahihirang ng mga pinuno ng
pamahalaansa loob ng siyamnapung araw mula sa
kanyang paghawak ng katungkulan.

Walang bisa ang anumang kasunduan na pinasukan


ng Pangulo, kasunduang panloob man ito o panlabas o
pandaigdigang kung wala itong pagsang-ayon ng
dalawang-katlo ng mga kagawad ng Senado.
Hindi siya maaaring mangutang o gumarantiya man
lang sa pangungutang, kahit ito ay para sa kapakanan
ng bansa kung walang pagsang-ayon ng Monetary
Board at iba pang ahensiyan itinalaga ng batas.

Hindi lalagpas sa 60 araw ang pagsususpinde ng


Pangulo ng pribiliheyo ng writ of habeas corpus kung
sakaling may pananalakay o paghihimagsik sa bansa.
Maaaring ipalawang-saysay o palawigin ng Kongreso
ang pagsususpinde ng pribilehyong ito ito kung
kinakailangan upang tiyakin ang kaligtasan ng bansa.
Maaari din siyang alisin sa kanyang puwesto matapos
mapatunayang nilabag niya ang Konstitusyon,
tumanggap ng siya ng suhol, nataksil siya sa bansa, o
nakagawa siya ng iba pang malubhang krimen.
Idadaan ito sa proseso ng impeachment.

Hindi siya maaaring magdeklara ng batas-militar nang


hindi sumasang-ayon ang Kongreso.
Ang Pangalawang Pangulo
Ang panunungkulan ng Pangalawang Pangulo ay
katulad din ng sa Pangulo.

Ang kanyang pangunahing tungkulin ay palitan


ang Pangulo kung siya a yumao, mawalan ng
kakayahang gumanap ng tungkulin, o magbitiw sa
tungkulin.

Maaari rin siyang hirangin bilng kagawad ng


gabinete.
Mga Gabay na Tanong
Ano ang tungkulin at kapangyarihan ng sangay
ng tagapagpaganap?

Ano ang kahalagahan ng sangay ng


tagapagpaganap?
POSTER
MAKING
Panuto: Gumawa ng isang poster na
sumasalamin sa mabuting pamumuno.
Pagkatapos ay sagutin ang mga
katanungan.
Mga Gabay na Tanong
Ano ano ang katangian ng mabuting pinuno?
Sa iyong palagay, alin sa mga ito ang
pinakamahalaga? Ipaliwanag.
Bakit kaya dapat taglayin ng mga pinuno ang
mga katangiang ito?
Taglay ba ng kasalukuyang sangay
tagapagpaganap ng ating bansa ang mga
katangian ito? Oo o Hindi? Bakit?
SEATWORK #7
Sagutan ang Tiyakin: Magsuri at
Magpahayag B, d.270
PAGTUTULAD
Umisip ng isang bagay kung saan
maikukumpara ang isang bansa na
walang pamahalaan.
QUICK WRITE
Panuto: Isulat ang iyong mga
natutunan sa kuwaderno sa loob ng
isang minuto at ibahagi ito sa klase.

You might also like