You are on page 1of 1

• Ano ang papel ng ibang sangay ng pamahalaan sa ilalim ng pagpapatupad ng Martial Law?

Ang Pangulo ay ang may kapangyarihan bilang Commander-in-Chief  para mag deklara ng Martial Law
saan pwede niyang gamitin ang sandatahang lakas ng Pilipinas para protektahan at siguraduhin ang
kaligtasan ng mga Pilipino. Maaari niya rin suspindehin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus o ideklara
ang martial law sa kahit na anong parte ng bansa kapag lumaganap dito ang lawless violence, pananalakay, at
paghihimagsik. Ang kapangyarihang ito ay ipinagkaloob sa Pangulo para gamitin sa mga panahong talagang
kailangan ito: kapag nanganganib na ang buhay ng mga tao at kinakailangan ang mga kapangyarihan na ito
para siguraduhing ligtas sila
Ang Kagawarang tagapagbatas o lehislatibo at kagawarang panghukuman sa pagprotekta ng ating mga
karapatan. Sa pamamagitan ng paglimita sa mga dahilan para ideklara, ipatupad, at pahabain ang batas
militar, binibigyan sila ng kapangyarihan para pigilan ang mga maaaring paglabag ng Pangulo sa totoong
layunin ng batas militar
Sa loob ng apat na pu’t walong oras mula sa pagdedeklara ng batas militar, dapat magpasa ang Pangulo
ng ulat sa Kongreso. Ang Kongreso naman ay dapat bumoto ng sabay sa tanong na kung papayagan ba nilang
magdeklara ang Pangulo ang ng batas militar. Para matuloy ang pagdedeklara ng batas militar, kinakailangan
na karamihan ng mga miyembro ng ating Kongreso ang sumang-ayon dito.
Sa pangunguna ng Pangulo, kung kinakailangang lumagpas ng 60 na araw ang pagpapatupad ng batas
militar, kailangan din ito pagbotohan ng Kongreso. Ang haba ng ekstensiyon ay tutukuyin din ng Kongreso.
Ang Korte Suprema ay naatasang suriin kung mayroong sufficient factual basis o sapat na tamang
batayan para ideklara ang batas militar kapag nagsampa ng kaso ang isang ordinaryong mamamayan sa
hukumang ito. Kailangan maglabas ng desisyon ang Korte sa loob ng 30 na araw mula sa pagsampa ng kaso.

• Bakit kailangan nating malaman ang tamang proseso ng pagpapatupad ng Martial Law?

Ito ay para siguraduhin na hindi maabuso ng Pangulo ang mga kapangyarihan ng batas militar. Sa
pamamagitan ng mga checks and balances, maaari lamang ideklara ang batas militar kapag may sufficient
factual basis o sapat na tamang batayan para gawin ito, na susuriin ng Korte Suprema. Bukod pa dito,
sinisigurado ng batas na ligtas ang mga mamamayan mula sa pang-aabuso kapag sinuspinde ang writ of
habeas cors.

• Sa panahong ito, ang pagdeklara ba ng Batas Militar ang pinakamabuting paraan ng


pagpapatakbo ng bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Hindi dahil walang nagaganap na lawless violence, pananalakay, at paghihimagsik sa panahong ito.

• Batay sa mga pagpapahalagang iyong natutunan bilang isang Theresian, gagawin mo ba ito kung
ikaw ang pinuno ng bansa?

Ang pagpapatupad ng Martial law ay dapat bilang panghuling pamamaraan lamang para sa
paglutas ng problema. Bilang isang Theresian, dapat gamitin ang pagdadayagolo sa ibang tao para
malaman ang kanilang mga hinaing. Dapat din ibigay ang tamang serbisyo sa mga tao para hindi sila
umabot sa pag-iisip ng lawless violence, pananalakay, at paghihimagsik

You might also like