You are on page 1of 9

Batas Militar

Noon September 23, 1972 ay inanunsyo nang dating


Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapasailalim
nang Bansang Pilipinas sa Batas Militar o Martial Law.
Sa ilalim nang Batas Militar, ang Hukbong Sandatahan
nang Pilipinas ang siya munang magpapanatili nang
kapayapaan sa bansa hangga't mayroon malawakang
kaguluhan, rebelyon o pananakop. Ibig sabihin, hindi
ang mga pulis ang siya magiging taga-pag-ayos nang
kaguluhan, kundi ang mga Militar, sa pamumuno na
Pangulo nang Pilipinas, bilang Chief Commander in
Chief nang Hukbong Sandatahan.
At sa panahon nang Martial Law ay
maaaring hulihin na lang kaagad ang mga
taong pinaghihinalaan kasali sa kaguluhan
kahit na walang warrant of arrest, at hindi
din sila basta maaaring ilabas sa mga
kamag-anak dahil sa pinatitigil muna nang
batas ang pag-bibigay nang Writ of Habeas
Corpus, o kautusan ipakita sa korte ang
taong nahuli.
Ang mga sumusunod ang mga patakaran o polisiya sa
pagpapatupad nang Batas Militar:

1. Sa mga sumusunod na sitwasyon lamang maaari


magdeklara nang Batas Militar:
-Malawakan na kaguluhan na labag sa ating batas,
halimbawa, malawakan patayan o paninira nang mga
kagamitan.
-Pananakop sa Pilipinas
-Rebelyon
2. Hanggang 60 na araw lamang epekto nang
pagpapasailalim nang Bansa sa Martial Law,
maliban na lang kung daragdagan nang kongreso
ang araw nito.

3. Sa loob nang 48 na oras, ay dapat magsumite


ang Pangulo nang pag-uulat sa Kongreso na
nagpapaliwanag nang basehan nang pagdedeklara
nang Martial Law. Ang kongreso naman ang may
kapangyarihan ipatitigil agad ang Martial Law, o
maaaring paiksihin ang epekto nito o pahabain ito.
4. Hindi lang ang kongreso ang may karapatan na
kwestiyunin ang Martial Law, pati ang kahit na sinong
Pilipino ay maaaring maghain nang petisyon sa Korte
Supreme na magke-kwestion sa basihan nang pagdedeklara
nang Martial Law. Ang Korte Supreme naman ay dapat
maglabas nang kanilang desisyon sa loob nang 30 days kung
nararapat ba o hindi ang pagdedeklara nang Martial Law.

5. Kapagnagdeklara nang Batas Militar, ang unang epekto


lang nito ay ang pag-take over nang Military sa pangagasiwa
nang peace and order situation nang bansa, hindi naman
kaagad kaakibat ang pagsuspende nang karapatan sa writ of
habeas corpus.
6. Kapag nagkaroon naman nang pagsuspende naman nang
karapatan sa Writ of Habeas Corpus, ang mga taong nahuli
lamang sa kasong rebelyon o pananakop, o krimen ginawa para
sa rebelyon o pananakop ang nawawalan nang karapatan sa Writ
of Habeas Corpus, ibig sabihin, kung nahuli ka dahil sa pagsali mo
sa mga rebelde nang panahon nang Martial Law, ay hindi
maaaring utusan nang korte ang Military na ilabas ka at ipakita,
pero kung snatcher ka, maaaring utusan nang korte ang military
na ilabas ka at ipakita sa korte.

7. Ang mga taong nahuli sa panahon nang Martial Law dahil sa


mga gawaing konektado sa rebelyon o pananakop, ay dapat
makasuhan sa loob nang tatlong (3) araw, dahil kung hindi
kinasuhan ang taong nahuli ay dapat agad itong palayain.
8. Sa panahon nang Martial Law, may
kapangyarihan pa rin ang mga korte na dinggin
ang mga kasong hindi konektado sa Rebelyon,
Pananakopp o malawakang illegal na pang-
gugulo.

9. May kapangyarihan pa rin ang Kongreso na


gumawa nang batas sa panahon nang Batas
Militar. At ang Pangulo naman ay hindi
binibigyang kapangyarihang gumawa nang batas.
Kongreso pa rin ang dapat gumawa nang batas.

You might also like