You are on page 1of 7

Essential questions:

1. Paano nakakatulong ang pagtatanim ng mga puno


at bungangkahoy at pag-aalaga ng mga hayop sa
pamumuhay ng tao at kalikasan?
2. Bakit mahalagang sundin ang wastong
pamamaraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng
hayop?
3. Paano nagtatagumpay ang ilang entrepreneur sa
pagnenegosyo ng mga hayop o bungangkahoy.
Group activity:
Mga benepisyo sa pagtatanim ng mga punong kahoy at
bungangkahoy:
1. Motibasyon para sa pangangalaga ng kapaligiran.
2. Makakatulong ito sa pamayanan sa pagpapaganda ng
kapaligiran.
3. Ang mga prutas na bunga nito ay masustansya at
nakatutulong labanan ang mga sakit tulad ng kanser dahil
sa taglya nitong anti-oxidant.
4. Maaring pagkakitaan at gawing hanapbuhay sa
pamamagitan ng pagbebenta ng mga punla sa mga
interisadong mag-umpisa ng katulad na negosyo.
Paano nakakatulong ang pagtatanim ng mga
puno at bungangkahoy at pag-aalaga ng mga
hayop sa pamumuhay ng tao at kalikasan?
• Nakatutulong sa ating kalusugan;
• Nagbibigay ng pagkain kagaya ng prutas, gulay, at iba pa
kung kaya’t nakatitipid sa gastusin at pwedeng pagkakitaan;
• Nagsisilbing panlunas ng karamdaman;
• Nagbibigay ng sariwang hangin at lilim;
• Maaring gawing kasuotan at mga kagamitan sa bahay ang
ilan sa mga puno;
• Nagpapaganda ng paligid.
• Sinasalo ang mga patak ng ulan at pinapabagal ang
daloy ng tubig – baha tuwing may bagyo.
• Nag-aalis ng polusyon sa hangin;
• Nagpapataas ng presyo ng bahay mula sa lima
hanggang sa labinwalong bahagdan.
Mga uri ng punongkahoy;
Namumungang punongkahoy:
ito ang mga punongkahoy na namumunga ng mga
prutas tulad ng manga, bayabas,tsiko, mabolo, santol, at iba
pa.
Di namumunga punongkahoy:
ito ang mga punongkahoy na nagbibigay – lilim,
nagbibigay palamuti, pinagkukunan ng panggatong, at
ginagamit para sa pagbubuo ng muwebles at bahay.
ang ilan sa halimbawa nito ay puno ng Acacia, narra,
ipil-ipil, mulawin, yakal, mahogany, at iba pang halimbawa na
makikita sa aklat.
Sagutan ang Pag-usapan natin, sagutan natin.

Takdang aralin:
Magdala ng mga gamit sa paggawa ng poster para
sa Gawain sa susunod na sesyon. (coloring materials
only)

You might also like