You are on page 1of 2

PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL

Maraming maipagmamalaking yaman ang ating bansa. Isa sa mga yamang ito ay ang mga halamang
ornamental. Ang mga halamang ito ay maaaring namumulaklak o hindi.

Natatangi ang mga halamang ornamental mula sa mga yerba (herb). halamang-baging (vine), palumpong
(shrub), at mga puno. Ang waling- waling, na isang uri ng orkidya, ay kilala sa buong mundo dahil sa taglay
nitong ganda. Ito ay matatagpuan sa ating kagubatan lalo na sa bahaging Mindanao. Matatagpuan din sa bansa
ang mga halamang gaya ng rosas, gumamela, dama de noche, yellow bell o alamanda, bleeding heart, calla lily,
pako, san francisco, xanadu, rosal, at mara pang iba.

Sa ngayon, ang paghahalamang ornamental ay isang lumalaking industriya ng bansa. Maraming namimili ng
mga ito. Maaari kasing magamit ang mga halamang ornamental sa iba't ibang pagdiriwang gaya sa panahon
ng kapaskuhan, araw ng mga puso, araw ng mga patay, araw ng mga ina, pagtatapos ng pag-aaral, kasalan,
anibersaryo, at i0a pang okasyon. Kung pag-iibayuhin ang paghahalamang ornamental, maaari itong
pagkakitaan at makatutulong sa kabuhayan ng pamilya.

Kahalagahan ng paghahalamang Ornamental

HANAPBUHAY

Maraming halamanan ngayon ang kilala dahil sa mga halamang ornamental. Ang mga halamanang ito ay
nagbibigay ng hanapbuhay. Inaalagaan at ipinagbibili ang mga halamang gaya ng bugambilya, anthurium,
bromeliad, Vandas, phalenopsis, cattleya, pako, palm, kamuning, song of Jamaica, song of India, at
marami pang iba.

PAGPAPAGANDA SA PALIGID

Ang mga halamang ornamental ay ginagamit sa landscaping o ang pagpapaganda ng paligid. Ito ay ginagawa
ng propesyunal na landscaper sa mga bakuran, gusali, paaralan, at pasyalan. Ang mga puno, palumpong, at
yerba ang mga pangunahing halaman na ginagamit sa landscaping. Kung maganda ang napiling halaman,
naitanim ito nang maayos, at naalagaan, tiyak na magiging maganda at kaaya-aya ang isang lugar.

PANG-ALAALA

Ang mga halamang ornamental, lalo na iyong may mga bulaklak, ay ginagamit ding pang- alaala sa mga
okasyon. Nagbibigay tayo ng bulaklak kung Pasko, araw ng pagtatap0S, kaarawan, araw ng mga ina, araw ng
kasal, araw ng mga patay, at iba pa.

LIBANGAN

Tulad ng paghahalamang gulay, nakalilibang din ang ornamental. Nakaaaliw makitang tumutubo nang
malusog o namumulaklak ang mga ito. Ang pagdidilig, pagbubungkal ng lupa, pag- aabono, at pagbubunot ng
damo pagtatanim at pag-aalaga ng halamang ornamental ay maituturing na paraan ng pag-cehersisyo.

GAMOT

Maraming halamang ornamental ang nagagamit ding pangunahing lunas sa iba't ibang sakit at karamdaman.
Ilan sa mga ito ang sabila, mayana, gumamela, banaba, sampagita, kataka-taka, soro-soro, mansanilya,
lantana, kamantigue, kalatsutsi, golden shower, at yellow bell.

May mga halamang ornamental din na ginagamit upang masugpo o mabawasan ang mga insekto sa paligid.
Ang neem tree ay nakapagtataboy ng mga lamok. Ang madre de cacao o marikakaw, oregano, at amarilyo
naman ay nakapagtataboy ng mga kulisap na pumipinsala sa ibang halaman.

NAIPAGBIBILI SA IBANG BANSA

Ang mga halamang ornamental ay nailuluwas o naipagbibili sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos at Hapon.
Malaki ang kinikita rito. Ang mga iniluluwas na halamang ornamental ay karaniwang ginagamit sa mga floral
arrangement.

Ang floral arrangement ay isang sining ng paglikha ng pumpon ng bulaklak at iba pang disenyo ng mga
halamang ornamental. Ang taong nagdidisenyo ng floral arrangement ay tinatawag na florist.

PAGKAIN
May mga halamang ornamental na maaaring kainin tulad ng dampalit, pakô, at katuray. Iginugulay ang
mga ito. Ang iba naman gaya ng basil, oregano, laurel, at anis ay ginagamit na sangkap sa mga lutuin.

MGA KAGAMITAN SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL

1. PALA- Ginagamit ang pala sa paghuhukay at paglilipat- tanim ng mga puno at palumpong

2. Palang Tinidor - Ito ay pandurog sa kimpal ng lupa pagkatapos bungkalin.

3. Trowel - Ginagamit ang trowel sa pagbubungkal at paglilipat ng punla.

4. Hand Pruner - Pamputol ng maliliit na tangkay ng halaman at bulaklak ang hand pruner

5. Lopping Shears - Ang lopping shears ay pamputol ng malalaking tangkay ng halaman hanggang 1 4 na
pulgada o 3.8 sentimetro ang kapal

6. Hedge Shears - Ginagamit ang hedge shears sa pagputol ng medyo malalambot na tangkay ng mga halaman.

7. Lagaring Panghalaman - Ang lagaring panghalaman ay pamputol ng malalaking sanga ng halamano puno.

8. Jack Knife - Maaaring gamitin ang jack knife sa pagsusugpong ng dalawang halaman o grafting Maaari din
itong pamputol ng tangkay ng halaman o bulaklak.

9. Gunting ng Damo - Ang gunting ng damo ay panggupit o pampantay ng damo sa katamtamang taas.

10. Potato Hook - Ang potato hook ay ginagamit na pang-alis ng damo.

11. Asarol - Ang asarol ay ginagamit na pambungkal ng lupa at pang-alis din ng damo.

12. Piko - Ang piko ay ginagamit na panghukay, lalo na kung matigas ang lupa.

13. Sledge Hammer - Ang sledge hammer ay pambasag ng mga batong mahuhukay sa lupa.

14. Karetilya - Ito ang panghakot ng iba't ibang materyales sa halamanan.

15. Timba - Ang timba aylalagyan ng tubig at ginagamit din sa pagdidilig. Pinaglalagyan din ito ng abono.

16. Paso - Ang paso ang taniman ng mga halaman. Iba't iba ang laki nito ayon sa paggagamitan.

Mga panghaliling Gamit


Kung kulang o Walang angkop na gamit sa paghahalamang ornamental, maaaring gumamit ng mga
panghaliling gamit. Halimbawa, kung walang sapat na pasong pagtataniman, maaaring gumawa ng mga
taniman mula sa mga lumang gulong at basyong lata. Maaari ding pagtaniman ang mga plastik na supot kung
marami ang itatanim. Maaari namang gumamit ng mga plastik na baso bilang punlaan. Kung walang lopping
shears, maaaring gumamit ng itak. Kung walang karetilya, maaaring gumawa ng kahon na yari sa kahoy at
isakay ito sa isang lumang kariton. Maraming paraan upang makagawa ng mga panghaliling gamit sa
paghahalaman. Kailangan lang na pag-ingatang mabuti ang paggamit ng mga ito upang makaiwas sa
aksidente.
Pangangalaga sa mga Gamit

Upang mapakinabangan nang matagal ang mga gamit, kailangang pangalagaan ang mga ito nang wasto.
Narito ang ilang paalala.
 Linising mabuti ang mga gamit pagkatapos ng gawain.
 Punasan ng langis ang mga gamit na kahoy ang hawakan o puluhan. Gawin ito dalawa o tatlong beses
isang taon upano tumagal ang gamit.
 Ihasa ang mga gamit na may talim gaya ng itak at pruner upang laging magamit nang maayos ang
mga ito.
 Kung ang mga gamit ay kinakalawang, tanggalin ang kalawang sa pamamagitan ng wire brush.
 Punasan ng krudo ang mga kagamitang metal upang hindi kalawangin sa taguan.
 Ubusin ang laman ng ginamit na sprayer ng pestesidyo at abono. Pagkatapos ay sabunin ito at
banlawang mabuti. Kung itatapon, itapon sa tamang tapunan o ibaon nang malalim sa lupa.

Tandaan: Kapag pinangangalagaang mabuti ang mga gamit, laging nakahanda ang mga ito at maiwasan ang
pagkaantala ng gawain sa paghahalaman.

You might also like