You are on page 1of 3

College of the Immaculate Conception ARALING PANLIPUNAN 7

3100 Cabanatuan City, Philippines Pampinal na Pagsusulit


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Ikalawang Markahan, A.Y. 2017 – 2018
Transforming Lives for God and Society

Pangalan: __________________________ Nakuha: _____________


Taon at Pangkat _____________________ Petsa: _______________

I. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at alamin kung ano o sino ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang
tamang sagot sa kahon at isulat ang titik ng tamang sagot patlang bago ang bilang. (10 puntos)

A. Calligraphy E. Emperador I. Mencius


B. Confucius F. Great Wall of China J. Oracle Bone
C. Dinastiyang Shang G. Lao Tzu K. Shi Huang Ti.
D. Dinastiyang Zhou H. Liu Bang L. Xian Jang

_______1. Ito ang tinaguriang Dinastiyang Alipin sa bansang Tsina.


_______2. Ito ang tinaguriang Dinastiyang Pilosopiya sa bansang Tsina.
_______3. Ito ang lugar na kung saan tinaguriang sentro ng lungsod sa bansang Tsina.
_______4. Siya ay isang mahusay na emperador sa bansang Tsina na nagtatag ng Dinastiyang Han.
_______5. Siya ay isang pilosopo sa Dinastiyang Zhou na nagtaguyod ng limang bertud o tamang asal.
_______6. Ito ang tawag sa sinaunang tao sa Tsino na pinaniniwalaang taglay ang “Basbas mula sa Langit”.
_______7. Ito ay isang bagay na ginagamit sa ritwal upang mabatid ng mga Tsino ang mensahe ng kanilang namatay na
ninuno.
_______8. Siya ay isang emperador sa Dinastiyang Chi’n na natakot sa kamatayan kaya piniling magtago sa
hinala na siya ay papatayin
_______9. Ito ang tawag sa sistema ng pagsusulat sa bansang Tsina na higit pang pinaunlad at pinagyaman upang
mapabuti ang kalagayan ng tao.
______10. Ito ay isang imprastraktura na pinatayo ng bansang Tsina upang maprotektahan ang kanilang bansa mula sa
mga taga hilagang barbaro

II. Basahin ang mga sumusunood na pahayag. Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag ay hindi wasto. Isulat sa patlang ang tamang sagot bago ang bilang .
Gawing batayan ang salitang pararilang may salangguhit. (10 puntos)

_________11. Ang Dinastiyang Yuan ay pinamumunuan ng isang mahusay na pinuno na si Kublai Khan.
_________12. Ang Diamond Sudra ang tinaguriang pinakaunang aklat na nailimbag sa kasaysayan ng ating mundo.
_________13. Ang Peking Gazzette ang pinakaunang pahayagan na nailimbag sa China sa panahon ng Tang Dynasty.
_________14. Ang Rebelyong Taihping ay naging ugat sa kahirapang naranasan ng Tsino sa pamunuan sa panahon ng
Qing Dynasty.
_________15. Ang Grand Canal ay pinatayo sa panahon ng Sui Dynasty upang higit na maging epektibo ang sistemang
pangtrasportasyon.
_________16. Si Genghis Khan ay isang kilalang pinuno sa pagiging mahusay at magaling na mandirigma sa panahon ng
Dinastiyang Yuan.
_________17. Ang tagumpay ni Emperor Hung-Wu ang naging hudyat upang muling maghari ang Tsino sa kanilang lupain
sa panahon ng Qing Dynasty.
_________18. Ang woodblock printing ay isang bagay na naging daan upang higit na mapabilis ang sistema ng pag-
iimprenta sa panahon ng Tang Dynasty.
________ 19. Ang mga Rebelyong Boxer sa panahon ng Qing Dyansty ay binubuo ng mga pangkat ng Tsinong may
kaalaman at kasanayan sa gymnastic at martial arts
_________20. Ang Black Death ay isang epidemya na lumaganap sa panahon ng Yuan Dyansty na naging sanhi ng
kamatayan ng maraming tao sa China at Mongolia .
III. Bumuo ng isang poster na magpapakita ng pagkakaiba ng katayuan ng kababaihan sa lipunan noon at ngayon.
Iguhit sa espasyong nakalaan sa ibaba ang iyong poster. (15 na puntos)

Pamantayan Puntos Nakuha


Pagkamalikhain 10
Kaangkupan sa Tema 5
Kabuuan 15

IV. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ipaliwanag ang mga ito sa loob ng tatlo hanggang limang
pangungusap. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.( 15 na puntos)

A. Sa paanong paraan nakatulong ang bawat dinastiya na umusbong sa Tsina sa pag-unlad ng kanilang sibilisasyon?

B. Bilang isang mag-aaral ,paano ka makatutulong sa patuloy na pagpapayaman at pag-unlad ng sibilisasyong Asyano?

C. Sa iyong palagay ano- ano ang mga pagbabagong naganap sa mga kababaihan sa ating lipunan ngayon ?

Pamantayan Puntos
Nilalaman 3
Organisasyon ng mga salita 2

--------------------Dulo ng Pagsusulit--------------------
Goodluck and Gobless! 
“-Bb.Diamyca Dhen S. Carmen-

You might also like