You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Aralin Panlipunan 7

(Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan)

I. Layunin:
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay maipamamalas ng mag-
aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon
na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at
sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga


kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigaydaan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano

Pamantayan sa pagkatuto:
Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang mga pangunahing Relihiyon na umusbong sa Asya.
(AP7KSA-IIe1.6)
b. Napapahalagahan ang mga turo at aral ng relihiyon sa buhay ng tao.
c. Naipapaliwanag ang impluwensya ng isang relihiyon sa buhay at pamumuhay ng
mga Asyano.

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Relihiyon sa Asya
Sangunian : Curriculum Guide : (AP7KSA-IIe1.6)
: Asya: Pagusbong ng Kabihasnan, 2008. Pp.155-161
Kagamitan : Manila Paper, marker, larawan, at powerpoint presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtatala ng liban sa klase
3. Balik Aral
4. Pagganyak
Magpapakita ng larawan at magtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang
masasabi nila dito.

B. Paglalahad
Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat (4) na grupo. Bawat grupo ay may “Task
Card”. Gagawa sila ng Data Retrieval Chart gamit ang impormasyon na nasa task card.
Punan lamang ang mga impormasyon na kailangan sa chart. Pipili ng taga-ulat sa kanilang
gawain.
Data Retrieval Chart
Relihiyon Bansang Nagtatag Mga Batayan Turo, Aral, at
Sinilangan Paniniwala

Criteria:
Wastong nilalaman = 10 pts
Pagtutulungan at tahimik sa paggawa = 5 pts
Malinis at natapos sa tamang oras = 5 pts
Total 20 pts
C. Pagtatalakay
Tatalakayin sa klase ang paksa tungkol sa mga Relihiyon sa Asya at ginampanan ng
mga ito sa ating buhay batay sa kanilang Gawain.
Pamprosesong Tanong.
1. Anong bansa ang may masmaraming umusbong na relihiyon?
2. Ano-anong mga aral ang nakukuha natin sa bawat relihiyon?
3. Aling relihiyon na tinalakay ang higit na pinaniniwalaan at niyayakap ng mga
Asyano? Bakit?
4. Paano nakatulong ang mga relihiyon sa pagbuo at paghubog ng kabihasnan?
5. Bakit nagkakaiba ang relihiyon at paniniwala ng mga tao sa Asya?

D. Paglalahat
“ Ano ang mga natutunan niyo sa leksyon natin ngayong araw”
“ Paano mu pinili ang kasalukuyan relihiyon na iyong pinaniniwalaan?
“ Aling turo o aral ng iyong relihiyon ang higit na nakakaapekto sa iyong buhay?
Bakit?

E. Paglalapat
Hahatiin sa apat (4) na grupo ang mga mag-aaral at bibigyan ng guro ang bawat
grupo ng manila paper at marker. Ang gagawin nila ay magbigay ng limang
halimbawa kung paano naka impluwensiya ang relihiyon sa buhay at pamumuhay
ng mga Asyano sa loob ng 5 minuto. Pipili ng taga ulat sa kanilang sagot.
Criteria: 1 ang pinakamababa at 5 bilang pinakamataas

Wastong paglalapat ng kaalaman =1 2 3 4 5


Nasagutan sa tamang oras =1 2 3 4 5
Bilang ng naibigay na sagot =1 2 3 4 5
Nagtutulungan at Tahimik sa paggawa =1 2 3 4 5

F. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang “T” pagtama at “M” naman
pagmali.
1. Sa Pilipinas umusbong ang unang relihiyong pandaigdig.
2. Ang Hinduismo ang pinaka unang relihiyon na umusbong sa Asya.
3. Malaki ang ginampanan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga tao sa Asya.
4. Ang paniniwala at kultura ng iba’t ibang relihiyon ay parehas lamang.
5. Ang relihiyon ay isang anyo ng pagsamba at paniniwala sa Diyos o maraming Diyos.
6. Sa bansang India umusbong ang maraming relihiyon.
7. Ang Kristiyanismo ay hango sa relihiyomg Judaism.
8. Ang Islam ay tinatag ni Siddharta Gautama.
9. Ang Hinduismo ay sumasamba sa iba’t ibang Diyos..
10. Ang ibig sabihin ng Polythesim ay iisa lang ang Diyos.

G. Takdang Aralin
Magsaliksik sa internet tungkol sa mga Pilosopiya sa Asya.

Fatima Grace A. Edilo


Prepared by:

You might also like