You are on page 1of 12

Si Ibarra: Ang kuwento ay umikot sa

paghingi ni Ibarra ng payo sa matandang


SiTasyo:na siya namang direktang
sinagot ni Tasyo at nagpahiwatig na
mahina ang mga tulad ni Ibarra lalo na
sa harap ng mga Kastila.
Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni
Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng
heroglapiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais
niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna
nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinbi ni
Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan
ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay
maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na
matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng
kanilang mga ninuno.
Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan
at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao.. Kung
kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa
pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na
huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang
baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata
ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng
mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga
taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang
payo subalit ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan
ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at
ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa
Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang
kanyang payo peero mahirap gawin sapagkat
kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang
isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang
matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan
ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung
ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng
kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa
matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala
ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at
pamahalaan.
Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana.
Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni
Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng
bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay
magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na
mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na
puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na
puno ang itinanim.
Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa
kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay
itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay
sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay
Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing
mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang
sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa
dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng
sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.
Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya.
Nag-aalala na baka pakitang –tao lamang ang pagtulong sa
kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng
kumbwento sa kayamanan ng bayan.

Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si


Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may
lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang
binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na
natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo
at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi
naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din
niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga
anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.

You might also like