You are on page 1of 24

INIULAT NI: ANGEL ANN LINGGAS

IPINASA KAY: GABRIEL ANGELO DADULA

KABANTA 15

“ANG MGA SAKRISTAN”


Habol-hininga
buntong-hininga
Hiyaw
sigaw
Inalo
inaruga
Kalumbayan
kalungkutan
Nagpatibuwal
nagpadalus-dalos
Nananalasa
sumisira
Palahaw
pananangis
Panaghoy
Daing
Tinutulan
hindi sinang-ayunan
SAKRISTAN
MAYOR
Binintangan si
Crispin na
nagnanakaw ng
dalawang onsa.
Sa Simbahan
Si Basilio at Crispin ang mga sacristang naatasang
patunugin ang kampana ng simbahan. Sinabihan sila ni
Pilosopo Tasyo na hinahanap sila ng kanilang inang si Sisa
para sila ay maghapunan ng masarap ng gabing iyon. Sa
murang edad, napakabigat ng kanilang hirap na
pinapasan.Napagbintangan si Crispin na nagnakaw. Siya ay
pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpalo. Inisip ni Crispin
na hindi papayag ang kanilang inang si Sisa na sila ay
nasasaktan. Sa suweldong dalawang piso isang buwan,
hindi nila kayang bayaran ang halaga ng sinabing ninakaw
nila. Pinagbabayad pa sila ng multa at sa buwan na yaon ay
tatlong beses nang namultahan. Wala nang matitirang
pambili ng pagkain nila.Kay Crispin, naisip niyang kung
marahil nakapagnakaw nga siya, madali niya itong
maibabalik at sakaling hindi, may maiiwanan siya sa
kaniyang inang si Sisa kung sakaling mamatay siya sa
parusa sa kaniya ng kura paroko.
Kay Basilio, totoo man o hindi ang paratang ay tinitiyak
niyang magagalit ang kaniyang inang si Sisa pag nalaman
ang akusasyon kay Crispin na pagnanakaw.Naniniwala
naman si Crispin na paniniwalaan siya ng kaniyang ina dahil
ipapakita niya ang kaniyang mga sugat at latay na sanhi ng
papaparusa sa kaniya ng pari.Ipapapakita rin niya ang gula-
gulanit niyang damit na may bulsang punit at hindi maaring
pagtaguan ng sinasabing ninakaw.Pati ang kaniyang
pamaskong laman nito ay kinuha pa ng ganid na pari.Ibig na
ibig ni Crispin na matapos na ang kanilang problema para
makauwi na sila sa kanilang tahanan. Gutom na gutom na
sila dahil hindi sila pinapakain hanggang hindi naibabalik ang
sinabing ninakaw.Ang pagbibintang sa kanila ay nag-uugat sa
kanilang ama na lasengero at sabungero.Hindi namalayan ng
magkapatid ang pagdating ng sacristan mayor habang sila ay
nag-uusap.Kaagad itong nagalit at pinagmumulta niya si
Basilio dahil sa maling pagtugtog ng kampana.
Sinabihan naman niya si Crispin na hindi pa rin ito
makakauwi hanggang hindi ibinabalik ang ninakaw nitong
dalawang onsa.Pilit nangatwiran si Basilio pero sinabihan
siyang hindi siya makakauwi hanggang alas diyes ng gabi.
Bawal na ang maglakad ng gabi paglampas ng alas nuwebe
ng gabi kayaHindi makapaniwala si Basilio sa lanyang
narinig.Pagkatapos pagsabihan si Basilio na hindi na
nakuhang makiusap sa sacristan mayor,hinila ng huli si
Crispin. Pakaladkad niya itong ipananaog sa hagdan
habang ito ay nagpapalahaw. Walang nagawa si Basilio na
naiwanang nakatulala.
Hindi niya Makita ang kapatid sa kadiliman pero naririning
niya ang mga pagdaing nito sa sakit sa pananakit ng
sacristan mayor.Nagpigil sa sarili si Basilio at nanggangalit
sa hirap na dinanas ng kaniyang kapatid.Naisip niyang mag-
araro ng bukid habang naririnig niyaang panaghoy ng
kapatid paghingi ng tulong.Umakyat siya sa ikalawang
palapag ng kampanryo at doon sa pamamagitan ng lubis na
kinalag niya sa pagkakatali ay nagpadausdos siya
pababa.Tumigil na ang ulan at ang langit ay nagpapakita ng
kaunting liwanag.
PERSONAL

Di ka dapat gumawa ng mali para makuha ang


gusto mo lalo na't kung ikaw ay mahirap at walang
kakayahang maipagtanggol ng iyong sarili.

Kung ikaw ang may pinagkakautangan o


kailangan bayaran, di paraan ang pagnanakaw.
Layunin ni Rizal dito sa kabanata na
ang mga kabataan noon ay
maagang nagtatrabaho.
1.Ano ang kahulugan ng inalo.

2.Ano ang kahulugan ng panaghoy.

3.Ibigay ang tagpuan.

4.Ibigay ang implikasyon.


5. Ibigay ang simbolismo.

6. Bunsong anak ni Sisa.

7. Nakatandang kapatid ni Sisa.


8. Sino ang humila sa bunsong anak ni Sisa?

9. Ano ang pamagat ng kabanatang ito?

10. Anong oras ang hindi na pwede maglakad sa gabi.

You might also like