You are on page 1of 8

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang

ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni


Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay
hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad.
Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba
siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin
sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril.
Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na
naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag
si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino
man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa
halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni
Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si
Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid
sa kamay ng Sakristan Mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa
sa anak. Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila ang
nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng
pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang
malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating
ang ama tumitikim ng bugbog ang ina nito. Nabanggit ni
Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan,
kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay
pinagdamdam ni Sisa.
Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang
pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at
paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil


na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng
sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na
napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga
balak ang kanilang ama.
wag husgahan and taong di natin alam ang background
story of his or her life wag natin husgahan ang taong
walang kapangyariha at hindi pantay ang estado sa
buhay

You might also like