You are on page 1of 6

SH1634

Mga Konseptong Pangwika

Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Mula sa pinagsama-samang


makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng
kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong nagagamit sa pakikipagsusap at pagpaparating ng mensahe sa
isa't isa. Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigayan tayo ng ating mga pananaw o ideya, opinyon,
kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang
tao, pasalita man o pasulat gamit ang wika.

Ang salitang Latin na lingua, na may kahulugang "dila'' at "wika" ang pinagmulan ng salitang
Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito'y naging language na ginawang
batayan din ng parehong salita sa Ingles. Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika
at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa
pasalitang pagbigkas dahil ang iba't ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba't ibang posisyon
ng dila. Kaya naman ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng
arbitraryong vokal-simbol na ginagamit ng mga miyembo ng isang pamayanan sa kanilang
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa't isa.

Maraming dalubhasa rin ang nagbigay ng iba't ibang pagpapakahulugan sa wika tulad ng mga
sumusunod:

Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003), ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag
at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit. Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang
pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang tao at maging sa pakikipag-usap sa sarili.

Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang linggwista at propesor emeritus sa University of
Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

Binigyang pagpapakahulugan ng Diksiyonaryong Cambridge ang wika sa ganitong paraan:


ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatika na ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain.

Si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o
pagba-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan
munang pag-aralan bago matutuhan. Gayunpama'y naiiba ito sa mga pangkaraniwang sining dahil ang
tao'y may likas na kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa paggakgak ng mga bata; wala kasing
batang may likas nakakayahang gumawa ng serbesa, mag-bake, o sumulat. Higit sa lahat, walang
philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang inimbento; sa halip, ito ay marahan at hindi
sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso.

Madalas, hindi na natin gaanong nabibigyang pansin o hindi gaanong napag-iisipan ang
kahulugan ng wika sapagkat tila ba likas o natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa
ating pagpapahayag mula pa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit sa ating mga nabasa, marahil
ay napag-isipan nating ang wika pala ay may iba 't ibang pagpapakahulugan at nagiging mahalagang

01 Handout 1 *Property of STI


Page 1 of 6
SH1634

instrumento ng komunikasyon kaya'y nararapat lang pagyamanin at gamitin nang naaayon sa angkop
na layunin.
Ang Wikang Pambansa

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga pilipinong
gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto. Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung
bakit kinailangan magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga
Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at
tatawaging wikang pambansa.

Hindi naging madali ang pagpili sa wikang pagbabasehan ng wikang pambansa. Ang paksang
ito ay mainitang tinalakay at pinagtalunan sa kumbensyong konstitusyunal ng 1934. Maraming mga
delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging
wikang pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa
mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles. Subalit naging matatag ang grupong
nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa
ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.

"Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na


magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino". Dito unang nagamit
ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas. Gayunpama’y hindi
naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng itinatadhana ng Saligang
Batas.

Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating


Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo
XIV, Seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: "Ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino


sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 serye ng 1988. Ito ay "nag-aatas sa
lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya."

Napakalayo na nga nang nalakbay ng ating wikang pambansa upang maging isa itong wikang
nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas at
magamit ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap upang lalo pa
tayong magkaintindihan at mapalawig ang ating pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagtatagumpay.

01 Handout 1 *Property of STI


Page 2 of 6
SH1634

Ang Wikang Opisyal at Wikang Pampagtuturo

Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7 mababasa ang
sumusunod:

"Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng


Pilipinas ay Filipino at, hangga 't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang
mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic."

Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga
paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Kurikulum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay
naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang
pampubliko at pribado man. Tinawag itong "Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education" (MTB-
MLE).

Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, "ang paggamit ng wikang ginagamit
din sa tahanan sa mga unang baytang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan
ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural."

Pinatunayan daw ng mga pag-aaral na lokal at internasyonal na ang paggamit ng wikang


kinagisnan sa mga unang taon ng pag-aaral ay nakalilinang ng mga mag-aaral na mas mabilis matuto
at umangkop sa pag-aaral ng pangalawang wika (Filipino) at maging ng ikatlong wika (Ingles).

Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay nagtadhana ang DepEd ng


labindalawang lokal o pangrehiyon na wika at diyalekto para magamit sa MTB- MLE subalit sa
taong 2015 ay nadagdagan pa ito ng pito kaya't sa kasalukuyan ay labinsiyam na wika at diyalekto
na ang ginagamit tulad ng sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Tioko, Bikol,
Cebuano, Iligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal,
Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon. Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang
paraan: (1) Bilang hiwalay na asignatura at (2) bilang wikang panturo.

Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging
pokus sa kindergarten at unang baytang ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang
ikaanim na baytang ay bibigyang-diin ang iba't iba pang bahagi ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat. Sa mas matataas na baytang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing
wikang panturo o medium of instruction.

Unang Wika, Pangalawang Wika, at iba pa

Unang wika ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, o ng simbolong L1. Sa wikang
ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipabahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at
damdamin.

01 Handout 1 *Property of STI


Page 3 of 6
SH1634

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang
paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga
kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa. Madalas ay sa mga magulang din mismo nagmumula ang exposure
sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika. Mula sa mga salitang
paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon
siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap
sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.

Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami ang mga taong
nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang
napapanood sa telebisyon mga aklat na nyang nababasa, at kasabay nito'y tumataas din ang antas ng
kanyang pag-aaral. Dito'y may ibang bagong wika pa uling naririnig o nakikilala na kalauna'y
natututuhan niya at magagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin
ng wikang ito upang makaangkop siya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang
ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas kung saan may mahigit 180 wika at wikaing
ginagamit sa iba't ibang bahagi ng bansa ay pangkaraniwan na lang ang pagkakaroon ng mga
mamamayan ng ikatlong wika.

Monolinggualismo, Bilinggualismo, at Multilinggualismo

Monolingguwalismo

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng


isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa, kung saan iisang wika
ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa
sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring iiral bilang wika ng komersiyo, wika ng
negosyo, at wikang pakikipagtalastasan at ng pang-araw-araw na buhay.

Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas ay
maituturing na multilingguwal kaya't mahihirapang umiral sa ating sistema ang pagiging
monolingguwal.

Bilingguwalismo

Matatawag mo ba ang sarili mo bilang bilingguwal? Bakit? Anong pagpapakahulugan ang


maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo?

Binigyang pagpapakahulugan ni Bloomfield (1935) ang bilingguwalismo bilang paggamit o


pagkontrol ng tao sa dalawang (2) wika na tila ba ang mga ito ay kanyang katutubong wika. Ang
pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring makategorya sa tawag na "perpektong bilingguwal''
ay kinontra ng pagpapakahulugan ni Macnamara (1967) na nagsasabing ang bilingguwal ay isang
taong may sapat na kakayahan sa isa (1) sa apat (4) na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang
unang wika. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat na pagpapakahulugang ito ay may iba pang
pagpapakahulugan ang naibigay tulad ng kay Weinreich (1953) na nagsasabing ang paggamit ng
dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga
wikang ito ay billingguwal. May mga tanong sa ganitong pagpapakahulugan ni Weinreich dahil hindi

01 Handout 1 *Property of STI


Page 4 of 6
SH1634

nabanggit kung gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa ikalawang
wika upang maituring siyang bilingguwal (Cook at Singleton 2014).

Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang
matatas sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang
wika nang halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika. Balanced
bilingual ang tawag sa mga taong nakagagawa nang ganito at sila'y mahirap mahanap dahil karaniwang
nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap. (Cook at
Singleton, 2014).

Sa pang araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiwasan ang mag-interak maging
sa mga taong may naiibang wika. Sa ganitong mga interaksiyon nagkakaroon ng pangangailangan ang
tao upang matutuhan ang bagong wika at nang makaangkop siya sa panibagong lipunang ito. Sa pauli-
ulit na exposure o pakikinig sa mga nagsasalita ng wika, unti-unti'y natututuhan niya ang bagong wika
hanggang sa hindi niya namamalayang matatas na siya rito at nagagamit na niya nang mabisa ang
bagong wika sa pakikipag-usap at sa kanyang mga personal na pangangailangan. Sa puntong ito'y
masasabing bilingguwal na siya.

Multilingguwalismo

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 180 wika at wikain
(Lewis, et. al., 2013, p. 25) kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin
lalo na sa mga nakatira sa labas ng Katagalugan ang nakapagsasalita at nakauunawa ng Filipino, Ingles,
at isa o higit pang wikang katutubo ay karaniwang kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang
panahon ay ang wikang Filipino at wikang banyagang Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga
paaralan.

Gayunpama'y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang


wika sa halip na Filipino at Ingles kaya naman sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Kurikulum ay
kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa
Grades 1, 2, at 3. Tinawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based-Multilinggual Education. Ang
mga pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakatadhana sa Department Order No. 16, section 2012
kilala rin bilang Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based Multilingual
Education (MTB- MLE). Nakalahad dito na simula ng aralang 2012-2013, ipatutupad MTB-MLE sa
mga paaralan.

Ayon sa maraming pag-aaral, may nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata
kung unang wika ang gagamitin sa pag-aaral nila. Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977),
napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral.
Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at
bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.

Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE nagtalaga muna ang DepEd ng walong (8)
pangunahing wika o lingua franca at apat (4) na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang
panturo at ituturo rin bilang hiwalay na asignatura. Ang walong (8) pangunahing wika ay ang mga
sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, llokano, Bicolano, Cebuano, Hiligaynon, Waray,
at ang apat (4) na iba pang wikain ay ang Tausug, Maguindanaoan, Maranao, at Chavacano. Pagkalipas

01 Handout 1 *Property of STI


Page 5 of 6
SH1634

ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pito (7) pang wikain ang DepEd kaya'y naging labinsiyam
na wika na ang ginagamit sa MTB MLE. Ito ay ang sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral sa
Tuguegarao City, Cagayan, at lsabela; Ivatan para sa mga taga-Batanes; Sambal sa Zambales; Aklanon
sa Aklan, Capiz; Kinaray-a sa Capiz, Aklan; Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao; at
ang Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City at mga karatig-lalawigan nito.

Maliban sa mga nasabing unang wika (L1), ang Filipino (L2) at ang Ingles (L3) ay itinuturo
din bilang hiwalay na asignaturang pangwika sa mga nasabing antas. Sa mas matataas na antas ng
elementarya gayundin sa high school at sa kolehiyo ay mananatiling Filipino at Ingles ang mga
pangunahing wikang panturo.

Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang polisiya
para sa multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo para sa isang
bansang tulad natin na may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga kabundukan at may
umiiral na napakaraming pangkat at mga wikain sapagkat mapalalakas muna nito ang pagkatuto ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang unang wika. Inaasahang higit nilang mauunawaan at kalulugdan ang
mga aralin kung ito'y ituturo sa wikang matatas na sila at lubos na nilang nauunawaan. Ito ngayon ang
magiging bridge o tulay upang kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang
pambansa, ang Filipino at gayundin ang wikang Ingles.

Dayag, Alma M. & Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House. Quezon City

01 Handout 1 *Property of STI


Page 6 of 6

You might also like