You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA SENIOR HIGH SCHOOL

GRADE 11 (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)


Ika- apat na Linggo
Aralin 1

I. LAYUNIN (O.B.E)
a. Nabibigyang kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika na phatic,
emotiveat expressive;
b. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng phatic, emotive at
expressive;
c. Nakasusulat ng naratibo ng isang karanasan sa gamit ng phatic, emotive
at expressive ba wika

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Mga kaalamang Pangwika (phatic, emotive at expressive).


KAGAMITAN: Computer, Powerpoint Presentation

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban
4. Balik-aral

B. Paglalahad

a. Aktibiti
- Pakinggan ang Kanta: (audio sound)
- Kumuha ng 1/4 na papel. Isulat kung anong mga linya ng awit ang
nagpapahayag ng opinyon.
- Isulat sa TITIK A ang mga linyang nagpapahayag ng damdamin at sa TITIK
B naman ang nagpapahayag ng opinion

b. Analisis
- Ano ang iyong napansin ayon sa iyong narinig na kanta?

c. Abstraksyon
- Pagpapatibay sa mga impormasyon o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral.
Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint.

c. Aplikasyon
- Gumawa ng dayalogo gamit ang Phatic, emotive at Expressive

IV. Ebalwasyon: Gamit ang mga piling saknong ng mga awit, tukuyin kung alin sa mga
linya ng awit ang phatic, emotive at expressive.
Kamusta ka?
Ano ba’ng dapat sabihin pa?
Dibdib koy malakas na naming kumakaba
Kapag kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon sinta, mahal pa rin kita

Kaytagal din nating di nagkita


Ako’y nasasabik na sa iyo
Kamusta ka na nalulungkot ka rin ba?
Sana ay kapiling kita
Umulan bumagyo ayos lang,
Huwag kang mangangamba, ayos lang
Kamusta ka mahal ko, ayos ba?
Sanay di pa rin nagbabago

Bakit kayo nagkagulo, bakit kayo nag-aaway


Prinsipyo mo’y igagalang ko kung ako’y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinahihirapan mo, ang gulo.

V. Takdang-aralin
1. Magsaliksik : Mga kaalamang Pangwika (Instrumental, Regulatori, at
Heuristiko)

You might also like