You are on page 1of 5

Maryhill College

Basic Education Department


Lucena City

SELF-PACED LEARNING MODULE

Asignatura Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Markahan Una
Linggo Una
Paksa Mga Konseptong Pangwika
Mga Sanggunian

A. Aklat: mp 2-17
B. ICT Integration, pre-recorded video
C. Suplementaryong Kagamitan: Powerpoint presentation

Mga Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naibibigay ang kahulugan ng mga konseptong pangwika batay sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan;
2. naipaliliwanag ang mga konseptong pangwika gamit ang mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radiyo, talumpati, at mga panayam
3. napapahalagahan ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsasagawa ng panghihikayat
gamit ang hatirang pangmadla; at
4. nakabubuo ng maikling sulatin hinggil sa wikang pambansa.
Most Essential Learning Competencies (MELC)
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

A. TUKLASIN
Ano ba ang alam mo?
Magandang araw sa iyo! Maligayang pagdating sa antas ng Senior High School.
Handa ka na ba sa pagkatuto ng kursong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino? Sa unang bahagi ng ating kurso ay tatalakayin natin ang mga konsepto
kaugnay sa wika. Sisimulan ang unang modyul na ito sa pamamagitan ng pagtuklas ng
mahalagang kaisipan tungkol sa wika. Inaasahan ang iyong buong husay na pagsagot ng
mga gawain na inihanda para sa iyo. Kung handa ka na ay simulan mo na.

Panuto: Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa mga larawang nasa ibaba. Matapos nito,
sagutin ang tanong na nasa ibabang bahagi.

Ang pag sasabi ng


sikreto

ang pag kukuwento

Ano ang natuklasan mo?

Mula sa iyong sinagutan, ano ang natuklasan mo? Iproseso mo ang


mga natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
pamprosesong tanong:

1. Sa kabuoan, tungkol saan ang mga larawang iyong sinuri? Masasabi mo bang may
kaugnayan ito sa wika?

Oo ito ay may kaugnayan sa wika dahil ang kanilang ginagamit sa pag sasalita ay nag
bubuo ng wika

B. LAKBAYIN

Matapos ang iyong isinagawang unang aktibiti para sa modyul na ito


nabuksan ang iyong kaisipan sa kung ano ang malaking ambag ng wika sa
bawat isa. Mahalagang bigyang-pansin ang ganitong kaisipan para mas
lalo mong maunawaan ang aralin.
Sa bahaging ito ng modyul, layunin mong unawain kung ano ang
mas malalim na kahulugan ng wika, ang wikang pambansa, wikang opisyal
at wikang panturo. Maghanda! Mahaharap ka sa iba’t ibang gawaing
gagabay at magpapayabong sa iyong kaisipan. Sa modyul na ito malilinang
ang iyong pagpapahalaga tungkol sa kung paano nagkaroon ng iisang
wikang mauunawaan ng lahat.

Sa pamamagitan ng powerpoint presentation na matatagpuan sa iyong OTG


Flashdrive (Konseptong Pangwika) at maikling bidyo tungkol dito (Mga
Konseptong Pangwika-Lecture 1), basahin at unawain ang mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa konseptong pangwika.
Matapos mong maunawaan ang iyong binasa, sagutin ang mga katanungan
at gawain sa iyong aklat. (Magagawa Natin 1) sa p. 22. Ilahad ang iyong kasagutan
sa ibabang bahagi.

Note: Sagutin lamang ang nasa unang bilang.


SAGOT:

1. Ang pag gamit o bigkas ng tama nito


2. Inaalam ko ang mga malalalim na salita at nidadamdam
3. Magbasa minsan ng mga tagalog na storya
4. Inaalam ang kahuluguhan ng bawat malalalim na wika
C. LINANGIN

Matapos mong sagutin ang gawain kaugnay sa araling tinalakay,


nararapat lang na paunlarin ang iyong nabatid na kaalaman. Sa bahaging ito,
sagutin mo nang buong husay ang gawain.

Panuto: Batay sa iyong natutunan, bumuo ka ng isang timetable na nagpapakita ng


mahahalagang pangyayari sa kasaysayan na nagbigay-daan sa pagpapatibay sa wikang
Filipino bilang wikang pambansa.

MGA SAGOT:

1961 1964 1968 1978 1980

masistemang ang wika ay isang Ang mga Set ng mga


balangkas ng sistemang simbolong ito ay Content
simbolikong
isang Sistema ng
sinasalitang tunog arbitraryo ng binubuo ng mga
mga simbolong arbitraryo,
na simbolong tunog na
arbitraryo ng pasalita,
pinili at isinaayos pasalita na nalilikha ng nagaganap sa
mga tunog para
sa paraang nagbibigay aparato sa isang kultura,
sa
arbitraryo upang pahintulot sa pagsasalita at pantao, at
komunikasyong
magamit sa mga taong may isinasaayos sa natatamo ng
pantao.
pakikipagtalastasa kultura o ng mga mga klase at lahat ng
n taong padron
tao.tanong
Upang masuri kung gaano kalalim ang iyong pang-unawa, sagutin mo ang
na: ano ang pinakamahalagang natutunan mo mula sa aralin?

SAGOT:
D. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Batay sa aralin ay nasaksihan mo ang mga pinagdaanan ng ating


wikang pambansa. Gamit ang iyong malawak na pang-unawa tungkol sa
aralin, sagutin mo ang inilaang tanong na magpapakita ng pagsuporta sa
wikang Filipino bilang wikang pambansa.

Pagsulat ng journal.

Kung makakausap mo ang mga taong tumutol na ibatay sa isa sa mga wikain sa ating bansa ang
wikang pambansa o mga taong ayaw ipagamit ang unang wika sa pagtuturo sa mga batang
mag-aaral, ano ang sasabihin mo sa kanila? Magbigay ng dalawang pahayag na kukumbinsi at
maaaring makapagpapayag sa kanila.

MGA SAGOT:

Kakausapin ko sila sa magandang phayag at paraan, na para sa atin tayoy ay iisang


Filipino atkung ano man an gating unang wikain ay dapat matuto ang lahat ng mag aaral
dahil bilNG IAng Filipino ay kailangan nilang palawakin ang kanilang wika

Binabati kita! Ipinamalas mo ang iyong talino sa pag-unawa ng ating aralin. Napagtagumpayan mo
nang buong husay ang mga gawain sa modyul na ito. Inaasahan kong higit mo pang
paghuhusayan sa mga susunod pang pg-aaral.

You might also like