You are on page 1of 2

Leonor, Abegail D.

BSIE-2B

1. Bakit sinasabing ang pagpapalit ng pamamahala ng Amerikano sa Plipinas mula

sa Kastila ay pagpapalit lamang ng bagong Panginoon?

Ang pagpapalit ng pamamahala ng Amerikano sa Plipinas mula sa Kastila ay

sinasabing pagpapalit lamang ng bagong Panginoon sapagkat noong nakalaya tayo sa

pamamahala nila ay lumabas ang kanilang tunay na layunin sa ating bansa. Ang

kanilang mga layunin ay nahahati sa tatlo, ito ay ang layuning pulitikal, pang-ekonomiya

at pang-relihiyon. Ginamit lamang nila ang bansang Pilipinas upang mapalawak ang

kanilang lupaing sakop, upang makapagtatag ng base-militar at pamilihang Amerikano

at pati na rin ang mapalaganap ang Protestantismo sa kalakhang-Asya.

2. Magbigay ng mga patunay kung paanong nakapagsulat sa tatlong wika ang

manunulat na Pilipiino "Kastila, Filipino at Ingles sa panahon ng Amerikano?

Isa sa mga maaaring patunay na nakapag-sulat sa tatlong wika ang mga manunulat na

Pilipino ay ang kanilang mga akda naisulat sa wikang Filipino, Ingles at Kastila. Bukod

dito, ang mga bayani ng ating bansa ay naging bihasa sa pagsulat sa tatlong wikang ito

na naging sandata upang maipaglaban ang ating bansa. Higit sa lahat, ang mga

manunulat na Pilipino ay malayang nakapagsulat sa kahit anong wikang kanilang nais

gamitin.
3. Isa isahin ang mga lingguhang babasahin na lumabas ng panahong ito? Ano ang

mga naging papel nito sa pagpapalaganap ng literaturang Pilipino?

 Manila Daily Bulletin

 The Manila Times- ang kauna-unahang pang araw-araw na pahayagan sa

panahon ng Amerikano. Isinaayos noong Oktubre 11, 1898

 El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma noong 1900

 El Grito Del Pueblo (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) – itinatag ni Pascual Poble

noong 1900

 El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) – itinatag ni Sergio Osmena noong 1900

Nakatulong ang mga babasahing ito sa pagpapalaganap ng literaturang Pilipino

sapagkat ito ay naging hudyat upang mamulat ang mga Pilipino sa kanilang kalayaan

sa pamamahayag. Maaaring ito ay naglalaman ng iba’t ibang pahayag na naging

inpsirasyon ng mga Pilipino upang maging manunulat rin. Gayundin naman ay nagsilbi

itong magandang simula upang mapalaganap pa ang literaturang Pilipino.

4. Ano ang mga katangian ng mga akdang nakasulat sa Ingles sa panahong ito?

Ang mga katangian ng mga akdang nakasulat sa Ingles sa panahon ng mga Amerikano

ay ang marubdob na pagmamahal sa bayan, pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo,

paglawak ng karanasan at kalayaan sa pagpapahayag. Ito ang sinasabing katangian ng

mga akdang nakasulat sa Ingles sapagkat ito ay masasalamin sa mga layunin ng

manunulat. Marahil ay ninais ng mga manunulat na patuloy na lumaban ang mga

Pilipino at magkaroon ng matibay na loob upang malayang maipahayag ang mga

mithiin sa sariling bayan.

You might also like