You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA SENIOR HIGH SCHOOL

GRADE 11 (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

Ikalawang Linggo
Aralin 2
I. LAYUNIN (O.B.E)
a. Natutukoy ang kahulugan ng Billingwalismo.
b. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang konseptong billingwalismo.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Konseptong Pangwika (Billingwalismo)


KAGAMITAN: Computer, Powerpoint Presentation, video clip

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN:

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban
4. Balik-aral

B. Paglalahad

a. Aktibiti
- Magpaparinig ng isang awitin na may pamagat na “Stupid Love” mula sa
Salbakuta.

Stupid Love
Andrew E., Salbakutah, ...
Nang ma-inlove ako sa'yo
Kala ko'y pag-ibig mo ay tunay
Pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay
Ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas

Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas


Para kang sphinx ugali mo'y napaka-sting
Kung hiyain mo ko talagang nakaka-shrink
Girlie biddy bye bye don't tell a lie
Bakit mo ako laging dini-deny

All the goods I've done wala man lang recognition


Mahilig kang manguleksyon binalewala aking atttention
'Yo anyway everyday iba't ibang guys ang iyong ka-text
And then one time nahuli kita na mayroon kang ka-sex

Mas gugustuhin ko pa na magpa-crucify


Kesa harap-harapan mo akong stupify
So don't be mad so don't be sad
Lahat ng kabulukan mo'y ilalahad

Stupid (love ibinigay mo sa akin)


Stupid (love pero di mo maamin)…

b. Analisis
- Magtala ng tig-apat na salitang Ingles at Tagalog ayon sa napakinggang
awitin.
- Ano ang iyong napansin mula sa napakinggang kanta.

c. Abstraksyon
- Pagpapatibay sa mga impormasyon o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral.
Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint.
KAHULUGAN NG BILINGGWALISMO

- Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika


- Ipinatupad ang Bilingaul Education sa Pilipinas sa pamamagitan ng National Board of
Education Resolution No. 73-7, S. 1973
- 1974 – ipinatupad ang polisya sa paglalabas ng DECS ng Dept. Order No. 25 S. 1974 na
may Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.
- Pilipino na naging Filipino

LAYUNIN NG BILINGGWALISMO
- Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika.
- Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi
- Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa.
- Malinang ang elaborasyon at intelektwalisasyon ng Filipino bilang wika ng
akademikong diskurso.
- Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika sa Pilipinas at bilang wika ng
siyensya at teknolohiya.

c. Aplikasyon
- Ano ang kahulugan ng balingwalismo at bakit ito nagkaroon sa Pilipinas?
- Bilang isang mag-aaral, ano ang kapakinabangan sa iyo ng pagkakaroon ng
sapat na kaalaman sa pamamagitan ng dalawang wika? Paano ito
nakatutulong sa pagpapaunlad sa iyong sarili?
- Ano ang konsepto ng bilingwalismo at kailan ito dapat gamitin?

IV. Ebalwasyon
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba ng inyong nabuong konsepto
o pananaw gamit ang mga ekspresyon ng pagpapahayag.
a. Sa aking pananaw ang bilingwalismo ay____________________.
b. Nauunawaan ko na ang bilingwalismo ay ___________________.
c. Bilang pagkilala sa konseptong bilingwalismo ako ay __________.

V. Takdang-aralin
- Alamin ang kaugnayan sa multilingwastiko bilang konseptong pangwika.

You might also like