You are on page 1of 2

Katangian ng Maayos na Kurikulum at Maayos na Kalinangan

Sang ayon sa Ikalawang Tuntunin, Seksyon 10 blg. 2 ng Batas Republika Blg. 10533 o
ang Mga Tuntunin at mga Regulasyong Pampatupad ng Batas sa Pinabuting Batayang
Edukasyon ng 2013, susunod ang DepEd sa mga sumusunod na pamantayan at prinsipyo,
kapag angkop, sa pagbubuo ng kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon:

(a) Ang kurikulum ay kinakailangang nakasentro sa mag-aaral, mapansangkot at


angkop sa antas ng pag- unlad.
(b) Ang kurikulum ay kinakailangang makabuluhan, tumutugon, at batay sa
pananaliksik.
(c) Ang kurikulum ay kinakailangang sensitibo sa kultura.
(d) Ang kurikulum ay kinakailangang isakonteksto at pandaigdigan.
(e) Ang kurikulum ay kinakailangang gumamit ng mga pagdulog na pedagohikong
mapagbuo, batay sa pagsisiyasat, mapagmuni, nakikilahalok, at mapambuod.
(f) Ang kurikulum ay kinakailangang umayon sa mga prinsipyo at balangkas ng
Edukasyong Multilingguwal na Batay sa Inang Wika (MTB-MLE).
(g) Ang kurikulum ay gagamit ng pagdulog na spiral na pagsulong upang matiyak ang
pagkadalubhasa sa kaalaman at kasanayan matapos ang bawat antas; at  (
(h) Ang kurikulum ay kinakailangang bukas upang maaaring isalokal, isakatutubo, at
pabutihin pa ito ng mga paaralan batay sa kanilang mga partikular na kontekstong
pang-edukasyon at panlipunan.
MGA KATANGIAN NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA (Ang katangian ng progresibong
kurikulum ng Filipino sa pagtatalakay ni Dr. Ross I. Alonzo ng U.P Diliman.)
a. Nararapat na may integrasyon
b. Nagsisilbing gabay lamang ang guro sa karanasan ng pagkatuto.
c. Aktibo ang papel ng mga mag-aaral.
d. May partisipasyon ang mag-aaral sa pagpaplano ng kurikulum.
e. Pagkatuto sa pamamagitan ng teknik na pagtuklas
f. Pinalalalim ang intrinsikong pagganyak.
g. Pantay na binibigyang-diin ang panlipunang pakikibahagi at akademikong
pagkatuto.
h. Ang tuon ay nasa kooperasyon ng pangkat at masining na pagpapahayag
i. Pagtuturo maging sa labas ng klasrum.
j. Pagsusulit kung kinakailangan (di-tradisyonal at iba’t ibang pagtataya.)
MGA KATANGIAN NG KURIKULUM SA EDUKASYONG SEKONDARYA 2010
1. Nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag-unawa.
2. Mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan) – Tinitiyak kung ano ang dapat
matutuhan at ang antas ng pagganap ng mag- aaral.
3. Mapanghamon – Gumagamit ng mga angkop sa istratehiya upang malinang ang
kaalaman at kakayahan ng mag – aaral.
4. Inihahanda ang mag – aaral tungo sa paghahanapbuhay kung di man makapagpapatuloy
sa kolehiyo.
5. Tinitiyak na ang matututuhan ng mag – aaral ay magagamit sa buhay.
Itinakda ng Batas Republika 232 na kilala rin sa tawag na Education Act of 1982 ang
mga sumusunod na layunin ng Kurikulum sa Sekondarya:
1. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na nasimulan sa elementarya.
2. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo.
3. Maihanda ang mga mag-aaral sa daigdig ng pagtratrabaho o empleyo.

You might also like