You are on page 1of 12

Aralin 4:

TEORYA SA
CONSTRUCTIVISM AT
ANG PAGTUTURO NG
FILIPINO
TEORYA NG
CONSTRUCTIVISM
Ito ay nakapukos sa development ng tao na
may kakayahang iugnay ang mga pangayari sa
kaniyang buhay sa tulong o impluwensya ng
ibang tao para makabuo ng kahulugan.
Sa cognitive development ni
Jean Piaget, pinaniniwalaan na
ang isang tao ay nakabubuo ng
kahulugan kung may ugnayan
at interaksyon ito sa pagitan ng
kaniyang karanasan at ideya.
Samantalang kay Lev Vygostky
naman ay pinahalagahan ang
sociocultural learning,
mahalaga kung paano
nakikipag-ugnayan sa mga
nakatatanda at sa mga
kaibigan para makabuo ng
kahulugan sa pamamagitan ng
zone of proximal development.
Mas lalo pa itong pinalawak nina Jerome Bruner at iba pang
sikolohista sa pamamagitan ng pagbuo ng instructional
scaffolding kung saan napahahalagahan ang kaalamang
pangkapaligiran para makabuo ng kahulugan.
Sa pagtuturo ng Filipino,
isinaalang ang construtivism.
Sa pagtuturo ng Filipino,
isinasaalang-alang ang
constructivism. Ang mga mag-
aaral ay nakikipag-ugnayan sa
isa't isa at ibinabahagi ang
kanilang nauunawaan,
nararamdaman, at karanasan
para makabuo ng bagong
kaalaman.
Ang guro ay nagiging facilitator
o tagapagdaloy ng kaalaman.
Hinihimok ang mga mag- aaral
na makipag-ugnayan, magpalitan
ng kuro-kuro, karanasan, at
makabuo ng bagong kahulugan
at kaalaman na batay sa kanilang
pangangailangan sa tulong ng
interbensiyong ibibigay ng guro.
Kinakailangan din ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
para makabuo ng sariling pagpapakahulugan. Ang mga mag-
aaral ang sentro ng pagkatuto. Ayon nga kay Brader-Araje at
Jones (2002), ang constructivism ay ang pagbuo ng isang
kaalaman batay sa pang-unawa at nangangailangan ng
aktibong pakikilahok sa pagbuo ng kahulugan.
Ang constructivism ay nagsasabi na sa pagkatuto ng isang
tao, ang mag- aaral ang tagabuo ng impormasyon. Siya ay
aktibong nakilalahok at bumubuo ng bagong ideya. Ang
bagong kahulugan naman ay nabubuo sa pamamagitan ng
ugnayan ng dating kaalaman at bagong kaalaman. Sa
pamamagitan nito, aktibong nakalalahok ang mga mag-aaral
sa proseso ng kanilang pagkatuto.
Ano ang layunin ng programang K to 12 sa pagtuturo
ng Filipino?

Layunin ng programang K to 12 na malinang ang ika-21


siglong kasanayan. Ang bawat kasanayang pampagkatuto ay
napapabilang sa mga kasanayang ito na tunguhing ihanda
ang mga mag-aaral para maging buo at ganap na Pilipino na
may kapaki-pakinabang na kaalaman.
MARAMING SALAMAT!!
MARAMING SALAMAT!!

You might also like