You are on page 1of 2

Abstrak

Ang edukasyon ang isa sa mga bagay na binibigyang- halaga ng mga mamamayan saan mang
sulok ng mundo, ito ang nagsisilbing pundasyon sa mas maunlad na kinabukasan na siya ring
maaaring maging batayan sa mas maginhawang pamumuhay. Ang bawat paaralan ay may kani-
kaniyang kurikulum at pamamaraan ng paghubog sa mga mag-aaral na sumasalamin sa pagiging
epektibo ng mga ito sa hinaharap. Sa kasalukuyan, ang kadalasang pamamaraan ng pagkatuto ay
sumesentro lamang sa apat na sulok ng silid-aralan na siyang tumatalakay sa teoretikal na
konsepto at nawawaglit na ang konsepto ng konstruktibismo o learning by doing.Sa katunayang
ito, pumapasok ang usapin hinggil sa modern pedagogy o modernong pagtuturo

Ayon sa New World Encyclopedia (2015), ang pedagogy ay sining o agham ng pagtuturo sa
kabataan. Simula noong kasaysayan, ang mga pilosopo’t guro ay nagtatalakay na ng iba’t ibang
pamamaraan ng pagtuturo ng edukasyon, kalakip ang samu’t saring teorya’t stratehiya na
maaaring magamit para sa mas epektibong pag-aaral.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay naglalayon na ang implikasyon ng Konstruktibismo sa


Agham sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa Ikalabing-isang baiting ng Paco
Catholic School sa taong Panuruan 2018- 2019. Ang sinabing pag-aaral ay sumailalim sa
kwalitatibo at kwantitatibo na paraan. Ang bilang ng mga respondente ay may kabuuang bilang
na 104 na nanggaling sa ABM,HUMMS, at STEM strand.

Ayon sa nakalap na datos mula sa ipinamahaging talatanungan lumabas na ang mga mag-aaral ay
lubusang naiintindihan ang pagtalakay sa Agham kung nasa angkop sila na lugar ng pagkatuto.
Ipinakita din na mas naeenganyong ang mga estudyante na matuto kung praktikal nilang
mararanasan ang talakayan sa Agham. Nalaman din ng mga mananaliksik na ang
konstruktibismo ay tumtulong upang lubos na mainitindihan ang mga malalawak na konsepto at
mahihirap na aralin sa agham sa mga estudyante. Tunay na malaki ang epekto ng karanasan sa
mas malawak na pag-aaral sa Agham dahil mas naiintindihan ang mga paksa. At ang mga mag-
aaral ay nakakagawa ng sariling konklusyon sa tulong ng mga guro bilang gabay. Ninanais na
pagtuonan ng pansin ang akademikong kurikulum na iangkla ang konstruktibismo sa
pagpapalalim ng kaalaman ng mga estudynte.

You might also like