You are on page 1of 19

SINAUNANG DULA

SA PILIPINAS
BIKAL AT BALAK
• Ang bikal ay awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. Ang mga
mang aawit ay magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng
silid, habang nasa gitna ang mga manonood. Sa mga berso ng awit
ay nagtatalo ang dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan o
kapangitan ng bawat isa. Sa ganitong pagkakataon, lalong nag-iinit
ang pagtatalo dahil ang mga manonood ay may kanya-kanyang
kakampi.

• Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t


binata sa pamamagitan ng awit na umiindayog at matalinghaga.
May mga pagkakataong gumagamit ang dalawa ng kudyapi. Sa
pamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng bawat isa
ang kani-kanilang niloloob at damdamin.
BAYOK O EMBAYOKA
• Ito’y isang pagtatalong patula ng mga Maranaw
na nilalahukan ng isang lalaki at isang babae na
binabayaran ng salapi o kasangkapan
pagkatapos ng palabas. Ang mga kasali rito ay
dapat na mahusay sa berso sapagkat ang
kunting pagkakamali sa pagkakamit o pagpili ng
salita ay maaaring humantong sa mainitang
sagutan. Sa ganitong pagkakataon, ito ay
maaaring maging dahilan ng pag-aaway ng
mga pami-pamilya.
KASAYATAN
•laro sa panyo na may
awitan, tulaan at
sayawan
DALLOT
• Tulang epiko ng mga Ilokano
• Binibigkas sa saliw ng katibeng, inaawit ng lalaki ang
tula sa tabi ng isang babaeng nagsasambit din ng
mga berso bilang sagot sa lalaki
• Isinasagawa kapag may binyagan, kasalan at iba
pang mga pagdiriwang
• Bahagi nito ang pagbabayo ng palay sa saliw ng
awiting pamulinawen habang ang mga tao’y
nagsasayawan
DUNG-AW
• tula ng pananambitan ng mga Ilocano na
binibigkas sa harap ng bangkay ng anak,
asawa o magulang
• Nagsasalaysay ng paghihinagpis ng naulila at
paghingi ng kapatawaran sa mg nagawang
kasalanan o pagkakamaling nagawa noong
nabubuhay pa ang mga yumao.
HUGAS-KALAWANG
•Ang hugas-kalawang ay
nagtataglay rin ng mimesis
sapagkat ang mga
gumaganap dito ay mga
magsasaka at may-ari ng lupa.
DALLING-DALLING
• Ang dalling-daliing ay isang tradisyonal na anyo ng
dula ng mga Tausug sa Sulu. Nangangahulugang
“Mahal Ko”, ang dalling-dalling ay isang ritwal na nag-
aanyaya sa mga manonood na umawit habang ang
magsing-irog ay sumasayaw.

• Ang lalaki’t babae ay nagliligawan sa pamamagitan


ng pag-awit ng kanilang mga niloloob. Kadalasan, ang
mga manonood ay kumakanta rin nang may himig na
panunudyo
KARILYO
•Dulaang binubuo ng mga papet na
nilikha buhat sa ginupit ng mga
karting naglalarawan ng iba’t ibang
karakter at pinagagalaw sa
pamamagitan ng mga patpat na
nakakabit sa papet at sa harap ay
may puting tabing na kung saan
makikita ang mga anino ng papet
PAMANHIKAN
Ang pag dalaw ng mga magulang ng binata sa
bahay ng babae upang hingin ang kamay ng
dalaga
• Kayare- ang pag kakasundo ng mga magulang ng
bawat panig at ang pagpaplano ng kasalang
gagawin
• Dulog- ang pag kuha ng pahintulot para sa kasal
• Deposoryo- ang pagdalaw ng mga magulang ng
binata dala-dala ang mga gagamitin sa kasal

You might also like