You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Aurora
Maria Aurora West District

CANILI AREA NATIONAL HIGH SCHOOL


San Juan, Maria Aurora, Aurora

Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo

Asignatura: Filipino

Baitang at Antas: 8- Descartes

Petsa at Oras ng Pagtuturo: Ika-27 ng Pebrero, 8:00 AM- 8:50 nu

Markahan: IKAAPAT

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang
dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan ng
mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang
suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.
B. Pamanatayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio
broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon
ni Balagtas at sa kasalukuyan.
c. Kasanayan sa Pagtuturo F8WG-IVd-e-37
Nalalapatan ng himig ang isinulat na orihinal na tula na may
tamang anyo at kaisahan.
Layunin sa Pagtuturo Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang saknong 275 hanggang saknong 285
ng Florante at Laura,
b. Nakasusulat ng isang saknong ng tulang may sukat at
tugma tungkol sa taong hinahangaan, at
c. Napahahalagahan ang pagiging mapagpakumbaba na
matatagpuan sa saknong 285

II. NILALAMAN Paksa: FLORANTE AT LAURA


III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Kagamitang Pang-mag-aaral Aklat ng Florante at Laura
2. Karagdagang Kagamitan mula Gabay sa Kurikulum ng Filipino, pahina 110
sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga Larawan
Biswal Eyds
Pisara’t yeso
PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati Batiin ang klase ng Magandang Umaga!
2. Panalangin Patayuin ang buong klase at tumawag ng mag-aaral na
mangunguna sa panalangin
3. Pagtala ng Lumiban Isa-isahin ang mga lumiban at itala ito.

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Nakaraang Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang nakaraang aralin
Aralin o Pagsisimula ng Bagong (Florante at Laura, saknong 259-274). I-ugnay ito sa susunod
Aralin na aralin.
B. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Magpakita ng mga larawan ng isang dalagang pilipina.
Bagong Aralin/ Pagganyak Ipalarawan sa klase kung ano-ano ang mga katangian ng
isang dalagang pilipina.
Itanong:
Ano ang kontribusyon nila para sa bayang Pilipinas?
C. Pagtalakay ng Bagong Sa pamamagitan ng malayang talakayan, talakayin ang
Konsepto at Paglalahad ng kahulugan ng mga salitang malalalim na mababasa sa
Bagong Kasanayan #1 babasahing akda.
Mahinhin- malumanay kumilos
Venus- Diyosa ng pag-ibig at kagandahan
Perlas ng batok- makinis at maputi
Pebo- Diyos ng araw
Pagliyag- pagmamahal
Alipusta- paghamak/ panlalait
Linsil- kabuktutan/ kamalian
Magsukab- isumpa
Dili- diwa/ ulirat
D. Pagtalakay ng Bagong Pagbasa sa saknong 275-285 sa
Konsepto at Paglalahad ng paraang Dugtungan. Bawat saknong ay ipaliliwanag ng mag-
Bagong Kasanayan #2 aaral kung ano ang kahulugan nito.
275-278
 Inilalahad ang mga katangian ni Laura bilang:
 Nakasisilaw ang ganda
 Nakalugay ang buhok
 Maputi at makinis ang batok
 Maaliwalas ang mukha
 Timbang na timbang ang katawan
 Mahinhin
279-281
 Ipinakilala na si Laura ay anak ni Haring Linseo
282-284
 Pinatutunayang si Laura ay hindi taksil
285
 Ibinigay ang kahalagahan ng pagpapakumbaba

Talakayang Panel:
1. Ibigay ang katangian ni Laura.
2. Kung ikaw si Laura na hahangaan ng mga tao, paano mo
ipakikita ang pagtanggap sa papuring ito?
E. Paglinang sa Kabihasaan Sumulat ng orihinal na tula ukol sa taong hinahangaan. Ang
(Tungo sa Formative tula ay dapat may:
Assessment) a. isa-dalawang saknong
b.tugma
c. sukat
RUBRIK SA PAGHATOL:
Orihinalidad: 50%
Sukat: 25%
Tugma: 25%
100%
F. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Tanungin ang klase ng:
Araw-araw na Buhay “Gaano kahalaga ang pagpapakumbaba sa kabila ng
pagtataglay ng kagandahan at mabuting-asal?”
- Tulad ng nasasaad sa saknong 285, manatiling
mapagkumbaba upang wag dumating sa punto na ang
pagkakataon ang humamak sa iyo o kaya’y ang langit
ang magbaba sa iyo dahil sa kataasan mo.
G. Paglalahat ng Aralin *Tumawag ng mga mag-aaral upang isa-isahin ang mga
katangiang taglay ni Laura
* Tumawag ng mga panibagong mag-aaral upang isa-isahin
ang mga bagay na nagawa ni Laura kay Florante dahil sa
kanyang kagandahan.
*Talakayin ang mga kasagutan
*Humingi ng katanungan o karagdagang impormasyon mula
sa klase
H. Pagtataya ng Aralin Ibigay ang inihandang Formative Assessment.

Maglabas ng sangkapat (1/4) na bahagi ng papel at isa-isahin ang


kahulugan ng mga salitang nasa ibaba ayon sa gamit sa mga saknong
na binasa sa klase.
1.Venus
2. Pebo
3. mahinhin
4. pagliyag
5. perlas na batok
I. Karagdagang Gawain para sa Basahin ang kasunod na mga saknong (286-299)
Takdang-Aralin at Remediation

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


masosolusyunan sa tulong ng aking
punongguro at supervisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

ANGELICA L. BACKIAN
Guro sa Filipino 8

Binigyang-pansin:

DIONISIO C. ACQUIADAN
Punong-guro

You might also like