You are on page 1of 26

____

Republic of the Philippines


COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 |
E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

DULAANG PILIPINO

DULAANG FILIPINO
LITERATURE 7

Inihanda nina:
G. Roberto C. Venus
Gng. Michelle E. Casidsid

PANGALAN: ________________________________________________________________

KURSO,TAON AT PANGKAT: _________________________________________________

PANGALAN NG GURO: _______________________________________________________


Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 |
E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

MGA KAALAMAN
GABAY PARA SA KAALAMAN
I. Pamagat ng Kurso : (LIT.7) DULAANG PILIPINO
II. Paglalarawan ng Kurso:
A. Introduksiyon:
Sumasaklaw sa pag-aaral ng pangkasaysayang pag-unlad ng dulang Filipino na
nagbibigay tuon sa mga elemento at uri ng dula.

B. Layuning dapat Matamo:

1. Naipaliliwanag ang mga batayan at kaalaman sa pagkatuto sa Dulang Filipino.


2. Nailalapat ang kaalaman sa Filipino na nakasalig sa isa’t isang teoryang pananaw at
prinsipyo sa pagkatuto at pagtuturo.
3. Nakabubuo ng plano ng pagkatuto ayon sa kahilingan ng kurikulum.
4. Nakagagawa ng pananaliksik ukol sa bagong dula ng dulang Filipino.
5. Nailalahad at natutukoy ang kahalagahan ng dula sa buhay ng mga Pilipino.
6. Naiuugnay at naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Dulang Pilipino
Noon at ngayon sa pamamagitan ng mapanuring pag-uusisa.

C. Modyul at mga Paksang Pagsasanay:

Modyul 1: ANG DULA


A. Kasaysayan ng Dula
B. Katuturan ng Dula
C. Kahalagahan/Sangkap ng Dula
D. Elemento ng Dula

Tiyak na layunin:

1. Nabibigyang katuturan at kahalagahan ang Dula


2. Napapalaliman ang pang-uunawa ng kasanayan at sangkap ng Dula.
3. Nakabubuo ng sarili at angkop na konsepto tungkol sa Dulang Pilipino.
Mga Pagsasanay:

Pagsasanay 1: Pagbuo ng kahulugan ng DULA sa pamamagitan ng Akrostik word.


Pagsasanay 2: Pagpapalaliman ng pag-uunawa sa kasaysayan, kahalagahan at sangkap ng dula
sa buhay ng mga Pilipino gamit ang positibo at negatibong pagkilala.
Pagsasanay 3: Nakakabuo ng sariling angkop na konsepto sa pamamagitan ng pagpapaliwanag
ng pahayag ng mga eksperto.
Modyul 2: ANG TANGHALAN O TEATRO
A. Katuturan ng Tanghalan o Teatro
B. Katangian at uri ng Tanghalan
C. Kahalagahan ng Tanghalan
D. Uri ng Dulang Pantanghalan

Tiyak na Layunin:

1. Naipapaliwanag at nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa tanghalan


o teatro.
2. Nakapagbibigay kahulugan sa kahalagahan ng Teatro sa pamamagitan ng web Map.
3. Nakasusuri ang uri ng dulang pantanghalan gamit ang larong “ Hanapin mo,
Kahulugan ko”.

Mga Pagsasanay:
Pagsasanay 1: Pagpapalinawag at pagbibigay ng mga kahulugan sa mga salitang
ginagamit sa tanghalan o teatro.
Pagsasanay 2: Pagsuri sa kahulugan ng uri ng dulang pantanghalan gamit ang “Hanapin
mo, Kahulugan ko”.
Pagsasanay 3: Pagsusuri sa kahalagahan ng Teatro gamit ang Web map.

Modyul 3: Ang mga Dula sa Pilipinas


A. Ang Unang Dula sa Pilipinas
1. Seremonya at Ritwal
2. Katutubong Dula
B. Mga Dula sa Iba’t ibang Panahon
1. Panahon ng Kastila
2. Panahon ng Hapon
3. Panahon ng Amerikano
4. Kasalukuyang Panahon

Tiyak na Layunin:

1. Natutukoy ang mga dulang may malalaking ambag sa kasaysayan ng Dulang Pilipino.
2. Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga dulang Pilipino na nakapagbibigay
ng impluwensiya sa buhay ng mga Pilipino gamit ang Analogy Graphic Organizer.
3. Nakasusulat at nakapagpapahayag ng sariling reaksiyon at saloobin batay sa mga
paksang tinalakay sa iba’t ibang kapanahonan.

Mga Pagsasanay:

Pagsasanay 1: Pagtukoy ng mga dulang may malaking ambag sa kasaysayan ng Dulang


Pilipino
Pagsasanay 2: Pagsusuri ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga dulang Pilipino na
nakapagbibigay impluwensiya sa buhay ng mga Pilipino.
Pagsasanay 3: Pagsasagot o pagbibigay ng sariling reaksyon at saloobin batay sa mga
paksang natalakay.

III. PANUNTUNAN SA PAG-AARAL/GABAY SA KURSO


“Ang Tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng karangalan na iyong natamo, kundi
sa dami ng pagsubok na iyong nalalagpasan sa araw-araw”. Ang modyul na ito ay
iyong magiging gabay sa pagkamit ng iyong adhikain. Hangad ng modyul na ito na
mapayaman ang iyong kaalaman, kakayahan at kasanayan sa pag-aaral sa asignaturang
ito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga prosesong interaktibo, kolaboratibo at
integratibo at tematiko.
MGA GABAY SA PAGSASAGOT NG MODYUL
Magtalaga ng Hustong Oras
1. Ito’y tatapusin sa isang semester, na ang semestre ay hahatiin sa tatlong bahagi, ang
bawat bahagi ay aabot ng 4 na linggo.
2. Panuntunan sa Pagsagot ng mga Aktibidad
Kailangan basahin at unawain ang mga tuntunin sa mga pagsasanay sa modyul.
May mga panuto sa bawat gawain na dapat sundin at ang mga ito ay ipasa sa final.
3. Mga Panuntunan sa Pag-aaral/Sundin nang maigi ang mga Alintuntunin
Sundin ang lahat na panuto sa loob ng modyul upang matamo ng lubusan ang
tamang sagot
a. Isulat ang sagot na maintidihan
b. Ayusin ang mga detalye bago isulat ng pinal
c. Tingnan ng mabuti kung ang mga salita ay nasa tamang ayos.
d. Magbigay ng tiyak na halimbawa kung ang hinihingi ay halimbawa.
E. Ang mga taong nakapaligid sa inyo ang siyang tutulong sa inyo upang makamit
ang tagumpay sa gawain ito.

VI. Iskedyul at Bilang ng Aralin

LINGGO PAKSA/NILALAMAN AT ITINAKDANG GAWAIN KAGAMITANG


MGA TIYAK NA LAYUNIN PAMPAGKATUTO

MODYUL Modyul 1: ANG DULA Mga Pagsasanay: Mga Aklat, Internet


1 gaya ng google,
4 na A. Kasaysayan ng Dula Pagsasanay 1: google Classroom,
Linggo B. Katuturan ng Dula Pagbuo ng kahulugan ng Fb, google meet
C. Kahalagahan/Sangkap ng DULA sa pamamagitan ng
Dula Akrostik word.
D. Elemento ng Dula
Pagsasanay 2:
Pagpapalaliman ng
Tiyak na layunin: pag-uunawa sa kasaysayan,
kahalagahan at sangkap ng
1. Nabibigyang katuturan at dula sa buhay ng mga
kahalagahan ang Dula Pilipino gamit ang positibo
2. Napapalaliman ang at negatibong pagkilala.
pang-uunawa ng kasanayan Pagsasanay 3:
at sangkap ng Dula.
3. Nakabubuo ng sariling Nakakabuo ng sarili at
angkop na konsepto tungkol angkop na konsepto sa
sa Dulang Pilipino. pamamagitan ng
pagpapaliwanag ng
pahayag ng mga eksperto.

MODYUL Modyul 2: Mga Pagsasanay: Mga Aklat, Internet


2 ANG TANGHALAN O Pagsasanay 1: gaya ng google,
4 na TEATRO google Classroom,
Linggo A. Katuturan ng Pagpapalinawag at Fb, google meet
Tanghalan o Teatro pagbibigay ng mga
B. Katangian at uri ng kahulugan sa mga
Tanghalan salitang ginagamit sa
C. Kahalagahan ng tanghalan o teatro.
Tanghalan
D. Uri ng Dulang
Pantanghalan
Tiyak na Layunin:

1. Naipapaliwanag at
nabibigyang kahulugan
ang mga salitang
ginagamit sa tanghalan o Pagsasanay 2:
teatro. Pagsuri sa kahulugan ng
2. Nakapagbibigay uri ng dulang
kahulugan sa kahalagahan pantanghalan gamit ang
ng Teatro sa “Hanapin mo, Kahulugan
pamamagitan ng web ko”.
Map.
3. Nakasusuri ang uri ng Pagsasanay 3:
dulang pantanghalan Pagsusuri sa kahalagahan
gamit ang larong ng Teatro gamit ang Web
“ Hanapin mo, map.
Kahulugan ko”.
MODYUL Modyul 3: Ang mga Dula Mga Pagsasanay: Mga Aklat, Internet
3 sa Pilipinas gaya ng google,
A. Ang Unang Dula sa Pagsasanay 1: google Classroom,
4 na Pilipinas Pagtukoy ng mga dulang Fb, google meet
Linggo 1. Seremonya at Ritwal may malaking ambag sa
2. Katutubong Dula kasaysayan ng Dulang
B. Mga Dula sa Iba’t ibang Pilipino.
Panahon
1. Panahon ng Kastila Pagsasanay 2:
2. Panahon ng Hapon
3. Panahon ng Amerikano Pagsusuri ng
4. Kasalukuyang Panahon pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga
Tiyak na Layunin: dulang Pilipino na
nakapagbibigay
1. Natutukoy ang mga impluwensiya sa buhay
dulang may malalaking ng mga Pilipino.
ambag sa kasaysayan ng
Dulang Pilipino. Pagsasanay 3:
2. Nasusuri ang
pagkakatulad at Pagsasagot o pagbibigay
pagkakaiba ng mga ng sariling reaksyon at
dulang Pilipino na saloobin batay sa mga
nakapagbibigay paksang natalakay.
ng impluwensiya sa buhay
ng mga Pilipino gamit ang
Analogy Graphic
Organizer.
3. Nakasusulat at
nakapagpapahayag ng
sariling reaksiyon at
saloobin batay sa mga
paksang tinalakay sa iba’t
ibang kapanahonan.

V. PAGTATAYA/EBALWASYON

Upang maipasa ang kursong ito, dapat sumunod sa mga kasunduan:


1. Gawin ang lahat na pagsasanay sa Modyul.
2. Ipasa ang mga awtput na hinihingi sa bawat gawain sa Modyul.
3. Ang mga sagot ay tatanggapin sa pamamagitan ng sulat kamay.
4. Magsumiti ng mga awtput sa bawat itinakdang oras/panahon.
5. Magsumiti ng Pinal na awtput sa tamang oras.

VI. KAGAMITAN/ KASANGKAPAN PANTEKNOLOHIYA

Kinakailangang mayroon ang bawat isa ng cellphone na may "apps" na; Facebook, messenger,
MS word o WPS.
VII.MGA DETALYE NG GURO
Kung may katanungan tungkol sa modyul , maaaring kontakin ang sumusunod;

Email add: michelle.casidsid@deped.gov.ph


Facebook: Michelle Erpelua Casidsid
CP#: 09074943961 smart/ 09956028894 globe

Email add:
Facebook: Roberti Venus
Cp#:
____
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 |
E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

DULAANG FILIPINO
LITERATURE 7

MODYUL 1

Inihanda nina:
G. Roberto C. Venus
Gng. Michelle E. Casidsid

PANGALAN: ________________________________________________________________

KURSO,TAON AT PANGKAT: _________________________________________________

PANGALAN NG GURO: _______________________________________________________


Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 | E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

MODYUL 1: ANG DULA


A. Kasaysayan ng Dula
B. Katuturan ng Dula
C. Kahalagahan/Sangkap ng Dula

A. INTRODUKSYON
Ang dula sa Ingles ay play o drama. Isang uri ng panitikan kung saan ipinapakita o binubuhay
ang mga karanasan at nararamdaman ng bawat tao sa itaas ng entablado o tanghalan. Nahahati ito
sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Ang Dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng
pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda. Sinasabing ito ay paglalarawan sa
madudulang bahagi ng buhay.
Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin
o mga pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o kinasawian. Ayon kay ARISTOTLE, ang dula ay
isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinapakita nito ang realidad sa
buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad.

Tiyak na layunin:

Nilalayon nito na pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang katuturan ang Dula sa pamamagitan ng pagbigay ng katumbas sa salitang DULA


o akronim.
2. Napapalaliman ang pang-uunawa ng kasanayan at kahalagahan at sangkap ng Dula.
3. Nakabubuo ng sarili at angkop na konsepto tungkol sa Dulang Pilipino.

AKTIBIDAD:
Panuto: Bigyang katumbas ang Akronim na DULA gamit ang bahagi ng pananalita na
Pang-uri. Pagkatapos ay gamitin ito sa pangungusap.
KATUMBAS PANGUNGUSAP
D-__________________- _________________________________________________
U-__________________-__________________________________________________
L-__________________-__________________________________________________
A-__________________-__________________________________________________

ANALISIS:
Ang Katuturan ng Dula
“Ang mundo ay isang teatro...” ayon kay Shakespeare. Ang dula, maging iisahin o
tatluhang yugto ay isang genre ng panitikang kinagigiliwan ng marami, ito man ay
binabasa lamang o itinatanghal. Ang kaugnayan ng dulang iisahing yugto sa dulang may
tatlong yugto ay maihahalintulad marahil sa kaugnayan ng maikling kwento sa nobela.
Ang mga katuturan ng dula mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan
ay nananatiling buhay; mula sa dula ng mga Griyego hanggang kina Shakespeare,
hanggang kina Julian Cruz Balmaceda. Ang mga iyon ay higit pa sa kanilang ginamit na
banghay, paksa, tauhan; ang mga iyo’y nag-iwan ng gayuma sa isipan at damdamin ng
mga bumasa at nanonood.
Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga
unang taon ng pangungupkop ng mga Amerika. Idinagdag pa ni Tiongson na ang
darama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan, skripto, “Characterisation”, at
“internal conflict”. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa.
Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukwento rin
ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin
mamamalas ang iba’t ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Sa
makatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na
pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan
ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga
mamamayang Pilipino.

Panuto: Ipaliwanag sa paraang pasalaysay ang mga sumusunod na pahayag mula sa


mga Eksperto.

1. Ayon kay Shakespeare “ Ang Mundo ay isang teatro” ibig sabihin ay ____________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Sabi naman ni Arthur Casanova “Ang Dula ay isa sa mga anyo ng panitikang
naglalarawan ng mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng
kasaysayan ng bayan”. Ano ang ibig sabihin ng linyang may salungguhit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Ayon na man kay Ruth E. Mabanglo, ang dula ay isang paglalarawan ng bahagi, isang
panggagagad sa buhay na binubuo ng mga tauhan. Ipaliwanag ang mga salitang may
salungguhit. ____________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Ayon kay Balmaceda, “Ang dula ay isang mahahagang hiyas ng alinmang wika at
katulong sa marahas na pagbibigay ng uri ng kislap ng alinmang panitikan”. Ang ibig
sabihin ng linyang may salungguhit ay _______________________________________
______________________________________________________________________
5. Ayon kay Consolacion Sauco, “ Ang dula ay isang larawan ng buhay na sinasangkap
ng wika, damdamin at sining. Ito’y sinusulat hindi upang sulatin at basahin lamang.
Hinahabi ito upang itanghal, makaaliw, umantig ng damdamin at makapaghatid ng isa o
higit pang mensahe”.
A. Ano ang ibig sabihin ng “Ito’y sinusulat hindi upang sulatin at basahin lamang”.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
B. Ipaliwanag ang nais iparating ng manunulat na “Hinahabi ito upang itanghal,
makaaliw,at umantig ng damdamin”.________________________________________
______________________________________________________________________
C. Ang dula ay “makapaghatid ng isa o higit pang mensahe”, nangangahulugan na ____
______________________________________________________________________

ABSTRAKSYON:
Kahalagahan at Sangkap ng Dula
Bakit mahalaga ang dula?
Mahalaga ang dula dahil ito ang nagpapakita ng kultura, tradisyon at paniniwala sa isang
lugar at sinasalamin din dito ang pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa isang lugar.
Mahalagang pag-aralan ang dula dahil ito ang panibagong perspektibo sa mga pangyayari sa
isang lipunan. Kahit ang isang dula ay kathang isip lamang ng mga manunulat, ito parin ay
sumasalamin sa mga isyung panlipunan na dapat bigyang pansin.
Sa isang dula, natututo tayong maniwala sa isang panibagongmundo na sakop lamang ng
entablado. Dito, makikita ang pagtatalakay ng tauhan sa mga pangyayari at sa problema buhay.
Inilalarawan ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahaging kasaysayan
ng bayan. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng tao at mga suliranin
gaya ng panitikan, karamihan ng mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
SANGKAP NG DULA
1. Ang kakalasan ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pagsasayos ng mga tunggalian.
2. Ang kalutasan ay ang sangkap ng dula na naglulutas, nagwawaksi at nagtatapos ang
mga suliranin at tunggalian sa dula. Sa kabilang banda, maaari ring magpakilala ng
panibong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.
3. Ang kasukdulan ay tumutukoy sa bahagi ng dula na sumusubok sa katatagan ng
tauhan. Sa bahagi ding ito ibinubuhos ang bugso ng damdamin na nais ipadama ng
dula.
4. Ang saglit na kasiglahan ay tumutukoy sa panandaliang paglayo o pagtakas ng mga
tauhan sa suliraning nararanasan.
5. Ang sulyap sa suliranin ay ang pagbabahagi ng suliranin na nais bigyang solusyon sa
dula.
6. Ang tagpuan ay tumutukoy sa panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring nakasaad sa dula.
7. Ang tauhan ang mga kumilos at nagbibigay-buhay sa dula. Sa kanila pangkaraniwang
umiikot ang mga pangyayari. Sila ang mga bumubigkas ng dayalogo at
nagpapadama ng mensahe ng dula.
8. Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili. Gayundin, maaaring magkaroon ng higit
sa isa o patung-patong na tunggalian ang dula.

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Bakit mahalagang mabatid at matutuhan ang dula? __________________________


______________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan makatutulong ang dula sa buhay ng mga Pilipino? Sa inyo bilang
isang mag-aaral? _____________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Sa mga Sangkap ng Dulang tinalakay, pumili ng dalawa na sa palagay mo na siyang
pinakamahalaga sa isang dula at ipaliwanag kung bakit ito ang na pili mo. _______
______________________________________________________________________
4. Ibigay ang Positibo at Negatibong Epekto ng Dula sa mga Pilipino.

POSITIBONG EPEKTO NEGATIBONG EPEKTO

1. __________________________ 1. __________________________

2. __________________________ 2. __________________________

3. __________________________ 3. __________________________

4. __________________________ 4. _________________________

5. _________________________ 5. __________________________

APLIKASYON:
Panuto: Magtala ng LIMANG mahahalagang kontribusyon ng Dula sa Panitikang Pilipino
at ipaliwanag ito.
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________
EBALWASYON:
Panuto: Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga sumusunod na pahayag.

1. Ang mga dula ay karaniwang nagkakaroon ng pataas at pababang aksyon sa


kwentong napapaloob sa isang banghay. _____________________________________
______________________________________________________________________
2. Ang Iskrip ay nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. ___________________________
______________________________________________________________________
3. Ang dula ay isang kathang isip ng manunulat na sumasalamin sa mga isyung
panlipunan. ____________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Sa dula, naniniwala tayo ng panibagong mundo na sakop lamang ng maliit na
entablado. _____________________________________________________________
______________________________________________________________________

INIHANDA NINA: G. ROBERTO C. VENUS


Gng. MICHELLE E. CASIDSID
____
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 |
E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

DULAANG FILIPINO
LITERATURE 7

MODYUL 2

Inihanda nina:
G. Roberto C. Venus
Gng. Michelle E. Casidsid

PANGALAN: ________________________________________________________________

KURSO,TAON AT PANGKAT: _________________________________________________

PANGALAN NG GURO: _______________________________________________________


Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 | E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

A. Modyul 2: ANG TANGHALAN O TEATRO


A. Katuturan ng Tanghalan o Teatro
B. Katangian at uri ng Tanghalan
C. Kahalagahan ng Tanghalan
D. Uri ng Dulang Pantanghalan

A. INTRODUKSYON
Ang tanghalan o teatro ay nahubog ng kasaysayan. Sa ating bansa, ang mga unang
teatrikong pagtatanghal ay nakahabi sa pang-araw-araw na mga gawain at ritwal. Ibig sabihin,
itinatanghal ang mga ito hindi upang panoorin lamang bilnag ispektakulo, kundi dahil sa
kanilang kultural na halaga. Halimbawa, ang mga sayaw ng mga katutubo noon para sa
pamumulot ng kahel o panghuhuli ng baboy ramo ay maituturing bilang mga maagang
halimbawa ng dramatikong pagtatanghal. Dramatiko sila dahil may elemento ng panggagagad
(panggagaya). Replektibo rin sila ng kultura ng mga nagtatanghal at nanonood sa
pagtatanghal/pagsasayaw: bahagi ito ng kanilang pamumuhay at nahubog ng kanilang
kapaligiran. Wala rin malinaw na paghihiwalay sa manonood at tagapagtanghal, dahil ang mga
nanonood ay maaari ring maging tagapagtanghal sa ibang pagkakataon (Fernandez 1996).

Tiyak na Layunin:

Nilalayon nito na pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag at nabibigyang kahulugan ang mga sumusunod na mga pahayag na


may kinalaman sa teatro o tanghalan.
2. Nakapagbibigay kahulugan sa kahalagahan ng Teatro sa pamamagitan ng web Map.
3. Nakasusuri ang uri ng dulang pantanghalan gamit ang larong “ Hanapin mo,
Halimbawa ko”.

AKTIBIDAD:
Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na pahayag na may kinalaman sa
teatro. Isulat ang sagot sa patlang.

1.Sa pagtatanghal sa teatro, “ ang tauhan ay laging nakakaharap sa isang tunggaliang


lakas dahil ito ang tinatawag na kaluluwa ng pagtatanghal”. Ipaliwanag ang salitang
may salungguhit. _______________________________________________________
______________________________________________________________________
2.Ayon kay Fernandez (1996), sa pagtatanghal, “walang malinaw na paghihiwalay sa
manonood at tagapagtanghal, dahil ang mga manonood ay ang maging tagapagtanghal
sa ibang pagkakataon.
A. Ipaliwanag ang “ walang malinaw na paghihiwalay sa manonood at tagapagtanghal”.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
B. Ang ibig sabihin ng “ang mga manonood ay ang maging tagapagtanghal sa ibang
pagkakataon. ___________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Ang tinatanghalan ay tinatawag na kalsada ng isang dula. Ibig sabihin ay ________
______________________________________________________________________
4. Ang isang drama o play na tinatanghal sa isang tanghalan ay uri ng panitikan na
ipinapakita o binubuhay ang mga karanasan at nararamdaman ng bawat tao sa itaas
ng entablado o tanghalan. Ipaliwanag ang pangungusap na may salungguhit. ________
______________________________________________________________________

ANALISIS:

Ang Katuturan ng Teatro


Ang teatro o teatro ay isang collaborative na anyo ng pinong sining na gumagamit ng mga
live performer, karaniwang aktor o actress, upang ipakita ang karanasan ng isang tunay o naisip
na kaganapan bago ang isang live na madla sa isang partikular na lugar, madalas na isang yugto.
Maaaring ipaalam ng mga performer ang karanasang ito sa madla sa pamamagitan ng mga
kumbinasyon ng kilos, pananalita, awit, musika, at sayaw. Ang mga elemento ng sining, tulad
ng pininturahan na tanawin at stagecraft tulad ng pag-iilaw ay ginagamit upang mapahusay ang
physicality, presence at immediacy ng karanasan. Ang tiyak na lugar ng pagganap ay
pinangalanan din ng salitang "teatro" na nagmula sa Ancient Greek θέατρον (théatron, "isang
lugar para sa pagtingin"), mula mismo sa theatre (theáomai, "to see", "to watch" upang
obserbahan ").
Dumating ang modernong teatro sa Western, mula sa sinaunang Griyego drama, mula sa
kung saan ito humiram ng teknikal na terminolohiya, pag-uuri sa mga genre, at marami sa mga
tema nito, stock character, at mga elemento ng lagay. Ang teatro artist na si Patrice Pavis ay
tumutukoy sa theatricality, theatrical language, stage writing at ang pagiging tapat ng teatro
bilang magkasingkahulugan na expression na iba-iba ang teatro mula sa iba pang mga
gumaganap na sining, panitikan at ang mga sining sa pangkalahatan.
Kasama sa modernong teatro ang mga pagtatanghal ng mga pag-play at musical theater.
Ang art forms ng ballet at opera ay din teatro at gumamit ng maraming mga convention tulad ng
kumikilos, costume at pagtatanghal ng dula. Sila ay maimpluwensiyahan sa pagpapaunlad ng
teatro sa musika; tingnan ang mga artikulo para sa karagdagang impormasyon.
Ang isang genre ng sining na may mga kilos at mga salita bilang pangunahing elemento nito.
Mga galaw lamang, mga salita lamang ang naitatag. Malapad na pagsasalita, maaari itong
magsama ng mga pelikula, pagsasahimpapawid, musika, sayawan, libangan at iba pa.
Sa makitidna kahulugan, ginagamit ito bilang isang theatrical form ng pagganap kabilang
ang drama (script), o bilang isang konsepto na tumutol sa pag-play (drama) bilang isang
pampanitikang anyo. Sa pangkalahatan, ang mga aktor, madla, teatro ay tinutukoy bilang
tatlong pangunahing elemento, ngunit kung minsan ay nagdaragdag kami ng mga pag-play at
dramatika ( dramatulugy ) bilang <performance> na gumanap. Ang relasyon sa pagitan ng mga
sangkap na ito ay nagbabago ayon sa mga oras at rehiyon, na maaaring tawagin ang
teatro kasaysayan sa bawat kultura. Pinagmulan ay isang kahima-himala ritwal ng pag-aani o
pagtatagumpay sa pamamagitan ng imitative instinct ng tao, tila na ito ay unti-unti
differentiated sa aktor at madla. Kasama ang pag-unlad ng panitikan, painting, arkitektura, atbp,
na humantong kami sa kabuuang sining ngayon. Sa Kanluran, nagpunta siya sa Griyegong
teatro sa ika-5 hanggang ika-4 na siglo bago ang siglo, dumaan sa medyebal na relihiyosong
pag-play , isang pag-play ng Renaissance, at umabot sa modernong estilo ng dramatiko, estilo
ng pagganap, estilo ng teatro. Sa Japan, na binuo mula
sa Noh , Kagayaku , Bugaku , Sarugaku atbp mula sa kontinente sa ika-7 siglo,
kay Noh , Kyogen . Nakumpleto ang orihinal na pag-play sa maagang modernong teatro
ng papet , Kabuki . Mula noong panahon ng Meiji, nakuha namin ang istilong Western ng estilo
ng teatro at naabot na ngayon. Ang pinagmulan ng teatro ay ang theatron ng sinaunang teatro
ng Griyego (theatrical seats), <play] ay dahil sa observation seat ng lawn (shiba)
sa dambana ng templo sa medyebal na sining. Dahil ang "tula" ni Aristotle ay higit na nahahati
sa mga trahedya at komedya , ngunit ito ay inuri ayon sa iba pang mga paksa at estilo.
Mga kaugnay na paksa Panlabas na pag-play
Ang European na teatro ng Middle ages halos hindi na umiiral ngunit muling binuhay.
Pagkatapos ay walang pagkakaiba, naglalaro sa mga tungkulin ang babae at mga lalaki. Aktres
ang unang lumitaw na naging popular sa mga Italyanong tropa. Ang paglalaro ng comedya na
may layunin na umarte ang ipinakita.
Ang Humanistik na kultura ng renaissance ng sinaunang tradisyon ng theatrical art ang
ipinakilala at pinagsama-sama sa isang mayamang tradisyon ng katutubong pambansang
pamana. Ipinapakita ang kasaysayan sa malubhang pampulitika at panlipunan na salungatan.
Sa pagtaas ng teatro, na uugnay ito sa mga aktibong pagpapakalat ng mga klasisismo. Ang
gawain ng Aktor ay upang lumikha ng isang komplikadong imahe ng bayani. Ang modernong
problema sa panahong ito ay nakuha bilang isang mahirap na unawain at makabuluhang
karakter. Iyan ang teatrong Klasisismo.
Kahalagahan ng Teatro

1. Nagtatagayud at nagbibigay buhay sa kultura.


2. Nagbibigay ng kasagutan sa isang malalim na suliraning naglalarawan ng kalikasan ng tao, at
nagtatanghal ng tunggalian ng mga kalooban at damdamin ng mga nagsisiganap.
3. Nagbibigay ng bagong timpla bilang estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Panuto: Bigyan kahulugan ang mga sumusunod na salita na may kinalaman sa Teatro
gamit ang Web map , isulat ang sagot sa patlang.

TEATRO

4. PAGBIGAY NG
MENSAHE

1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________

ABSTRAKSIYON:
Ang teatro ay nagbabago kasama ng iba’t ibang mga oras at kultura. Ngayon ay mabilang
ang maraming mga subgenre, bukod dito maaari mai-highlight: ang comedy, drama, puppet
theater, opera, Chinese opera, musikal, ballet, trahedya, tragicomedy, pantomime, teatro ng
walang katotohanan, marami pag iba.

Mga Uri ng Teatro/Tanghalan

Ang Arena Stage ay isang uri ng teatro o tanghalan kung saan ang mga manonood ay
nakapalibot sa entablado. Ang mga manonood ay nakaupo ang paikot sa entabladong
ginaganapan ng pagtatanghal. Ito ay kilala rin sa tawag na “Theater in a round”. Dinala ito
ni Severino Retes sa Pilipinas, partikular sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Ang “Glenn
Hughes Penthouse Theater” ang kauna-unahang arena stage na naitayo. Ito ay itinatag sa
University of Washington, Seattle, Texas noong Mayo 16, 1940.
Ang Thrust Stage ay tinatawag din bilang platform stage o open stage. Ito ay isang halimbawa
ng tanghalan kung saan ang mga manunuod ay nakapwesto nang nakapalibot sa tatlong
bahagi ng entablado. Gaya ng arena stage, malapit din sa tao ang mga nagtatanghal kung
kaya nagiging mahirap sundin ang “fourthwall” rule sa pagtatanghal o partikular sa dula.
Ang likurang bahagi ng entablado ay ginagawang “Backstage” kung saan nagaganap lahat
ng pagpapalit ng disenyo ng entablado, pagpapalit ng damit ng mga nagtatanghal,
pagdaragdag at pagbabawas ng tinatawag na “set design”.

Ang End Stage ay tinatawag din bilang platform o open stage. Isang halimbawa ng tanghalan
kung saan ang mga manonood ay nakapwesto nang nakapalibot sa tatlong bagahi ng
entablado.

Uri ng Dulang Pantanghalan


Panuto: May Limang Uri ang Dulang Pantanghalan. Sagutan ang larong tawagin nating
“HANAPIN MO, HALIMBAWA KO” Isulat sa ibaba ang halimbawa ng bawat isa

SALITA HALIMBAWA
1. Senakulo
2. Tibag
3. Panunuluyan
4. Komedya o
Moro-moro
5. Sarsuela

APLIKASYON:
Panuto: Isa ito sa mga halimbawa ng Senakulo, bigyan ng kahulugan ang larawang
iyong makikita sa ibaba. Bumuo ng sariling interpretasyon sa larawan kung paano ito
itinatanghal sa teatro. Isulat ang sagot sa ibaba.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

EBALWASYON:
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Paano nakakaapekto sa isang gumaganap sa entablado ang kanyang awdiyens


habang ito ay nagtatanghal?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagtatanghal gayon paman tayo ay nasa
modernong panahon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Sa Modernong panahon, ginaganap ang modernong pagtatanghal tulad ng “Miss
Saigon at marami pang iba”. Ipaliwanag kung ano ang teatro/pagtatanghal sa
kasalukuyang panahon at paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Rubrik sa Pagsagot

KATEGORYA SA PAGMAMARKA PUNTOS MARKA


Angkop ang gamit ng mga salitang itinakdang ayon sa 20
artikulo.
Natitiyak ang pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay ng mga 20
pangungusap.
Nakalilkha ng simple at interesanteng bersiyon ng pagsagot. 10
KABUUAN 50

INIHANDA NINA: G. ROBERTO C. VENUS


Gng. MICHELLE E. CASIDSID
____
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 |
E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

DULAANG FILIPINO
LITERATURE 7

MODYUL 3

Inihanda nina:
G. Roberto C. Venus
Gng. Michelle E. Casidsid

PANGALAN: ________________________________________________________________

KURSO,TAON AT PANGKAT: _________________________________________________

PANGALAN NG GURO: _______________________________________________________


Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 |
E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph
MODYUL 3: Ang mga Dula sa Pilipinas
A. Ang Unang Dula sa Pilipinas
1. Seremonya at Ritwal
2. Katutubong Dula
B. Mga Dula sa Iba’t ibang Panahon
1. Panahon ng Kastila
2. Panahon ng Hapon
3. Panahon ng Amerikano
4. Kasalukuyang Panahon

INTRODUKSIYON

Ang Dula sa Pilipinas

Sa Dulaaan, An Essay on Philippine Theater, ipidaliwanag ni Nicanor G. Tiongson (kitalang


iskolar ng pelikula at drama sa Pilipinas) na ang mga dramatikong anyong umusbong at patuloy
na umiiral sa iba’t ibang grupo sa kapuluan ay ang: (1) katutubong dula, pangunahing may
katangiang Malay, tulad ng mga nakikita sa mga rituwal at mimetikong sayaw; (2) mga dulang
may impluwensiyang Espanyol, tulad ng komedya, senakulo, zarzuela, maiikling dula, at drama;
(3) dulang dinala sa Pilipinas ng mga Amerikano, tulad ng bodabil at mga dula sa Ingles; at (4)
mga orihinal na dulang itinanghal ng rnga Pilipino.

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino sa Pilipinas ay isinilang sa lipunan ng mga


katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay
Casanova, ang mga katutuo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang
pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula.
Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimitan’y isinasalaysay sa
pamamagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw at ritwal ay karaniwang ginaganap
para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan,
pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda at
iba pa. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop mayroon nang ilang anyo ng
dula ang mga katutubong Pilipino.

Tiyak na Layunin:

Nilalayon nito na pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga dulang may malalaking ambag sa kasaysayan ng Dulang Pilipino.
2. Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga dulang Pilipino na nakapagbibigay
ng impluwensiya sa buhay ng mga Pilipino gamit ang Analogy Graphic Organizer.
3. Nakasusulat at nakapagpapahayag ng sariling reaksiyon at saloobin batay sa mga
paksang tinalakay sa iba’t ibang kapanahonan.
AKTIBIDAD:
Panuto: Mula sa dula ng Pilipinas, magtala ng Limang dula na sa palagay mo ay may malaking
naiambag sa kasaysayan ng Dulang Pilipino.

DULA NAIAMBAG
1
2
3
4
5

ANALISIS:
Mga Uri ng Unang Dula sa Pilipinas
Ano Seremonya?
Ang seremonya ay isang pormal na pagtitipun upang bigyang basbas ang isang tao
bagay o kahit ano man upang ay maging banal sa mata Dioso tao.
Halimbawa ng Seremonya
Ang Pagbibinyag ng mga Muslim
Naaniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang sala
kaya di kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon si Lang isang seremonya na
kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag
ng mga Muslim. Sa Katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panre-
lihiyon na napapaloob sa pagislam na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa
buhay ng isang sanggol. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras
pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o koran sa kanang tainga ng
sanggol. Ito’y ginagawa upang ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang
salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad.
Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng isang
salu- salo bilang pasasalamat sa pagkaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga
kaibigan, kamag-anak at pandita. Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng
mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka.
Ang hayop na ito’y tinatawag na aqiqa na ang ibig sabihi’y paghahandog ng
pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibinyagan ng pangalan
ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok. Ayon sa
paniniwala ng Maguindanao, pag lumutang ang buhok, magiging maginhawa at
matagumpay ang tatahaking buhay ng bata. Ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y
magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kini-
kilala ng Islam ngunit dahil bahagi ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang
Maguindanaowon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang
paghahanda ng buwaya. Ito ay kakaning korteng buwaya na gawa sa kanin,dalawang
nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan
din ang buwaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw.Iniha- handa ito ng
isang matandang babae na tinatawag na walian , isang katutubong hilot na may
kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay
sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buwaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay
nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa sere-
monyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at su-
nnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang
pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng walian . Ang seremonya ay karaniwang gi-
nagawa sa araw ng Maulidin Nabi o ibang banal na araw ng mga Muslim.

Ang Ritwal Bilang Pinag-ugatan ng Dula


Ang dula ay umusbong dahil sa masidhing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain. Nagsimula
ang mga sayaw at ritwal na katulad ng paggaya ng tao sa patak ng ulan noong sila’y
nangangailangan ng tubig mula sa langit upang mabasa ang lupa’t umusbong ang mga pananim,
katulad ng panggagaya ng mga mag-asawang hindi magka-anak sa mga mag-asawang may
anak( fertility danceritual). Sa mga sayaw-ritwal na ito nag-ugat ang sining ng ating dula. Ang mga
ito ay naglalarawan at nagsasalaysay ng iba’t ibang aspekto ng pang-araw-araw na kabuhayan at
kultura ng bawat tribo. Maaaring ang mga ito’y nauukol sa pag-ibig, kamatayan, pakikidigma,
pag-aani ng palay o paggaya sa mga kilos o galaw ng mga hayop (Casanova,2001).
Bawat tribong kinabibilangan sa atingbansa ay may kani-kaniyang ritwal na ginagawa ngunit
nakabatay pa rin ang mga ito sa klima, sa anyo ng lupang pinagtatamnan, o sa estado ng lipunan.
Katulad ng gayeph ng Subanen(bulong), hinaklaran ng Bukidnon (pag-aani), kadal iwas ng T’boli
(panggagagad ng isang unggoy), khenlusong ng Subanen (panggagagad ng ibon) at langka-baluang
ng Tausug (katulad ng ginagawa ng kadal iwas)

Panuto: Gamit ang Analogy Graphic Organizer, itala at suriin ang pagkakaiba at
pgkakatulad ng Seremonya at Ritwal.

SEREMONYA RITWAL

Pagkakatulad Pagkakatulad
1. _________________________ 1. _________________________

2. _________________________ 2. _________________________

3. _________________________ 3. _________________________

Pagkakaiba Pagkakaiba
1. _________________________ 1. . _________________________

2._________________________ 2. __________________________

3._________________________ 3. __________________________

Ang naiambag sa buhay ng mga Pilipino

1. _____________________________________________________________

2. _____________________________________________________________

3. _____________________________________________________________

4. _____________________________________________________________

5._____________________________________________________________
ABSTRAKSIYON:
Ang Iba’t ibang Dula sa Iba’t ibang Panahon

1. Dula sa Pananakop ng mga Kastila


Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong G’s - GOD, GOLD at GLORY.
Dumating sila na nag pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng
ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang
nasasakop.
Ang panitikan sa pamumuno ng Kastila ay na hahati sa dalawa, una ay pamaksang
pananampalataya at kabutihang - asal ang pangalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
Sa pananakop ng mga Kastila lumitaw ang mga anyo ng dula sa pananampalataya.
Ang Senakulo, Duplo, Mor-moro, Santacruzan, panunuluyan, Moriones at marami pang
iba.
2. Dula sa Pananakop ng Hapon
Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, dala nila ang kanilang propaganda na
ang hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na siyang magpapalaya sa mga
Pilipino. Ngunit taliwas ang propagandang kanilang pinangangalandakan sapagkat
laganap noon ang pagmamamltratong inabot ng mga Pilipino sa kamay ng mga hapon.
Upang mapabilis ang pagpapasunod sa mga Pilipino sa mga polisiyang ng mga Hapon at
upang makontrol ang isipang ng mga Pilipino minamanipula nila ito gamit ang
edukasyon.
Sa ilalim ng okupasyon ng mga Hapon mayroong dalawang uri ng dula nag na
debelop, ang Legitimate at Illegitimate. Ang Legitimate plays ay binubuo ng mga dulang
sumusunod sa kumbensyon ng pagsulat at pagtatanghal samantala ang Illegitimate
plays naman ay napabilang sa stageshows. Ang paggamit sa live stageshow bilang
entertainment ng Japanese Propaganda Corps, na binubuo ng mga sibilyan na
inaaatasang manipulahin ang kultura ng mga nasasakupang bansa ng mga Hapon.

3. Dula sa Pananakop ng Amerikano


Malaki ang naging impluwensiya ng kolonisasyong amerika sa anyo at pilosopiya ng
teatro at dula sa Pilipinas noong dantaon 20. Makikita ito sa bodabil (mula sa vaudevilla)
o kanluraning dula na itinatanghal sa Ingles o sa Filipino kung ito ay salino adaptasyon.
Ang anyong ito na idinala ng mga Amerikano sa Pilipinas noong dekada 1920 ay
pagatatanghal ng mga awit, sayaw at nakatatawang iskit na nagtatampok ng kung ano
ang popular sa estados Unidos. Hindi gaanong ipinakita sa bodabil at mga Kanluraning
dulang itinatanghal sa Pilipinas ang buhay at kultura ng mga Pilipino.
Ginaya lamang ng mga Pilipinong tagatanghal ang mga Amerikano kaya naman
nahihirapan sila sa paggaya sa pananalita at pag-aawit ng mga dayuhan.
Ilang Anyo ng Dulaan sa Panahon ng Amerikano, ay ang dulaang sedisyoso o dulang
makabayan. Ang dulang ito ay himig politikal na lumaganap noong kapanahonan ng
Amerikano. Halimbawa nito ay ang Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad. Naganap ang
unang pagtatanghal noong 1902, na kumakatawan sa protesta laban sa imperyalismong
Amerikano. Ang tema ay tungkol sa pag-iibigan na may trahedyang katapusan. Naging
bahago ito ng kasaysayan ng dula sa Pilipinas nang pigilin ng puwersang militar ng mga
Amerikano ang pagtatanghal ng dulang nabanggit sa Batangas noong Mayo 10, 1903.

4. Dula sa Kasalukuyang Panahon


Sa kasalukuyang panahon, mas umunlad, maraming nagbabgo at marami na ng
iba’t ibang dula gaya ng panradyo, pantelebisyon at pampelikula. Sa panahong ito, ang
mga dula ay itinatanghal sa mas malaking entablado at aktwal nang napapanood ng
mga tao. Nagiging tanyang ang iba’t ibang Manunulat ng Dula sa Kapanahonan ng Aklat
tulad nina Jose Corazon de Jesus, Lope K. Santos, PedroGatmaitan, Florentino Collantes,
Julian Cruz Balmaceda. tulad nina Severino Reyes, Patricio Mariano, Balagtas, Batutian,
Bukanegan,Crissotan at marami pang iba.
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang pamagat ang mga dulang sa bawat panahon na
may malaking naiambag sa buhay ng mga Pilipino.

1. Panahon ng Kastila

2. Panahon ng Hapon

3. Panahon ng Amerika

1. _________________________________
1. __________________________________
2. _________________________________
2. __________________________________
3. _________________________________
3. __________________________________

1. _________________________________
2. _________________________________
3. _________________________________

APLIKASYON:
Panuto: Bilang aplikasyon sa natalakay, mag bigay ng sariling reaksyon o saloobin
batay sa mga sumusunod na pahayag.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Para sa mga Hapon ang “musical Shows” sa panahon nila ay walang sariling tradisyon ng dulaan
sa Pilipinas.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Kristiyanismo ang ipinalaganap ng mga Kastila sa Pilipinas na siyang nagbigay ng malaking


impluwensiya sa Dulang Pilipino.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Sa kasalukuyang panahon, ang dula ay isang uri ng sining na nagsasalaysay ng isang kwento sa
pamamagitan ng pagsasalita at pagkilos ng mga gumaganap na tauhan.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
EBALWASYON
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi. Ibigay ang mga tanyag na dula sa bawat
kapanahunan at bakit ito nagiging tanyag.

Panahon ng Kastila

1. _______________-____________________________________________________

2. _______________-____________________________________________________

3. _______________-____________________________________________________

Panahon ng Amerikano

4. _______________-____________________________________________________

5. _______________-____________________________________________________

6. _______________-____________________________________________________

Panahon ng Hapon

7. _______________-____________________________________________________

8. _______________-____________________________________________________

9. _______________-____________________________________________________

Kasalukuyang Panahon

10. _______________-___________________________________________________

11. _______________-___________________________________________________

12. _______________-___________________________________________________

INIHANDA NINA: G. ROBERTO C. VENUS


Gng. MICHELLE E. CASIDSID

You might also like